Kahit malamig ay pinilit at nagmadali akong naligo. Nagising ang diwa ko ng dahil doon. Suot ko ang terno kong jogger at hoodie jacket. Ang lamig!
Chineck ko ulit ang cellphone ko at tinadtad na ako ng text ni Mateo dahil lampas 30 minutes na. I saved his number. Atleast siya ang unang nag text sa akin. Sweet!
Sakay ng aking napakagandang bike ay nagtungo ako sa campus covered court. I like to keep promises kaya iyong deal namin ay paninindigan ko hanggang makabayad ako. Atleast, no money involved.
Wala pang katao-tao sa daan. Sobrang aga pa kasi, usually ay mga 7am pa lumalabas ang karamihan. Dumaan ako sa coffee grind dahil maaga naman silang magbukas. Hinintay ko ang order ko na caramel latte with espresso at Americano naman ang para kay Mateo. Bumili na din ako ng isang box na donut honey glaze.
Dumating ako sa court at dinig ko na agad ang mga naglalarong player. Bakit ganito kaaga ang training nila? O sadyang dapat ay maaga talaga sila? Basang basa na sila ng pawis kaya sigurado akong kanina pa sila naglalaro. May nagpasa ng bola kay Mateo at mabilis nitong ginawa ang pamatay niyang layup.
Wala naman masyadong nanonood pero may ilan na pumalakpak kay Mateo. I scanned the bleachers and I saw his super supportive stage mom... si Liam. Joke lang. Nandoon din ang anak ni Coach Alonzo at nakaupo sa tabi ng kanyang ama. Umakyat ako sa ika tatlong bleacher kung nasaan si Liam at umupo sa tabi niya.
"Wow, Piper! Aga mo yata?" he said in surprise. He was always high energy.
"Oo nga e. Hindi ko nga alam na nasa deal namin ang 9-5 business hours." Maktol ko ng pabiro. Kung alam ko lang na nandito si Liam ay binilhan ko din siya ng kape.
"Hindi yata natutulog iyang si Maxel." Aniya ng maka score si Mateo sa kanyang free throw. Liam pumped his fist in the air, "Nice!"
"Nice Jumpshot!" Sigaw ko din at inilapag sa gitna namin ang mga bitbit ko.
"Hook shot yun, Piper." Pagtatama sa akin ni Liam. "One arm throw."
Hilaw akong ngumiti. "Bakit ang aga ng laro nila?" Pag iiba ko sa usapan.
"Alam mo naman si Maxel, gusto talaga niyang maging professional basketball player at suportado naman siya ng kanyang coach." Aniya saka ako sumulyap kay Coach Alonzo na mataman ang panonood ng laro. "Matinding katunggali niya sa ranking iyong si Baron." Turo niya sa naka black na sando.
Kilala ko si Baron. Sikat din siya dito at siya ang pinaka matangkad sa team nina Mateo. Sobrang nangingibabaw sila sa lahat dahil sa 6.5 feet niyang height at sinundan naman ni Mateo na may flat 6 feet. Biniyayaan ng mataas na height dahil na din siguro sa may dugong kastila sina Mateo at Baron. Tumingin ako kay Liam at bakas sa mukha nito ang pagkakaroon ng western blood, kung tititigan mo lang sila ay aakalain mong mga foreigner sila.
My lola is pure spanish at ayon sa kwento nina tita ay kamukha daw ni mommy si lola. Maganda si Mommy mala beauty queen noong 80’s ang itsura niya noong dalaga siya. Macy was lucky to inherit that beauty habang ako ay kamukha daw ni Daddy. May natural na light brown hair at kulot ang dulo nito. May mala anne curtis na labi kaya madalas ako tuksuhin noon dahil dito. Isa lang talaga ang namana ko kay lola, ang blue eyes niya at mahabang pilik mata.
"Pareho silang shooting guards and they f*cking hate each other." Patuloy ni Liam na nagpabalik sa aking mga mata doon sa court.
"Iyan ba ang dahilan kung bakit nandito tayo?" Tanong ko at humikab pa pagkatapos.
"Ganoon na nga. Maganda na din iyong malimit silang naglalaro ng ganito kaaga. Naeensayo nila ang kani-kanilang skills."
"Speaking of kani-kanila. Alam mo ba kung bakit ako pinapunta ni Mateo dito?"
Umiling si Liam. "Bakit hindi mo siya tanungin? Malapit na din naman ang break nila."
Kahit naman alam ni Liam ang dahilan ay alam kong hindi niya ito sasabihin sa akin. Masyadong matindi ang relasyon ng dalawang ito. Binuksan ko ang donut at inalok si Liam pero tinanggihan niya kaya ako nalang ang kumain.
Gaya ng sinabi ni Liam ay nag break na sila. Pinasadahan ni Mateo ang bleacher hanggang magtama ang mga mata namin. Kumaway pa ito sa amin ni Liam saka lumapit.
"Nakita mo yung laro ko?" Tanong niya habang nilalakihan ang bawat hakbang makalapit lang ng mabilis sa amin.
"Ginising mo ako ng ganito kaaga para lang sabihin yan? Gusto mo bang isaboy ko itang mainit na kape sa mukha mo?" Pagtataray ko. Inabot ko ang kape niya na agad niyang tinanggap.
Ngumisi ito at nakatayo na sa harap ko, hot and sweaty.
"May icing ka pa sa labi mo." Aniya at akmang pupunasan ng kamay niya pero inunahan ko na ito. I licked my lip.
"Don't do that in front of me, Viper." Saway niya sa akin. Ako naman ay namula agad. I heard Liam chucked beside me. Bakit ba ayaw na ayaw niya na gawin ko iyon?
"Anyway, I need you to get that girl a drink." Utos niya.
Kung pwede lang umusok ang tenga ko ay ginawa ko na para lang maipakita sa kanya kung gaano ako na bwisit.
"Piper, Relax, I just-"
Anong relax? Ma-relax ko kaya ang punong tenga mo Mateo!
"Ginising mo lang ako ng ganito kaaga para utusan na bigyan ng maiinom ang babae mo?! You must be kidding me?" Bulyaw ko sa kanya.
Ngumisi ito. "No. I just-"
"It's not funny Mateo! Bahala ka sa buhay mo!" I said and walk out.
Alam kong hindi ako susundan ni Mateo dahil tinawag na siya para muling maglaro. G@go ka Mateo! Ginising mo lang ako para saktan ng ganito kaaga! Ugh!
Paalis na talaga ako ng maalala ko na itong inutos niya ay bawas sa utang ko sa kanyang iPad. Huminga ako ng malalim just to calm the s**t out of me. I have to do it. I need to...
Bumili ako ng gatorade na kulay green sa cafeteria. Buti nalang pinagbilhan ako kahit sarado pa sila. I choose green dahil iyon ang ayaw kong flavor ng gatorade. Bumalik ako sa bleacher namin ni Liam. Tinawanan niya pa ako at inirapan ko naman siya. Hindi ko siya pinansin dahil hinahanap ko iyong impaktang anak ni Coach Alonzo. Nakaupo pa din ito sa tabi ng kanyang ama. Lumapit ako sa kanya.
"Excuse me," Mahina kong sabi at agad naman siyang lumingon sa akin. "GUSTO NGA PALANG IPABIGAY SAYO NI MATEO ITONG GATORADE." Malakas kong sabi sapat lang para marinig ni Mateo at ng mga nandoon.
Hawak ngayon ni Mateo ang bola at isho-shoot na sana ng pumaling ito sa akin.
Namula ang impakta at tinanggap ang inabot kong inumin. SHUTA KA!
"Baka daw kasi nauuhaw kana. Ayaw ka niyang ma dehydrate." Paliwanag ko.
Nahihiya itong sumulyap kay Mateo. Dinig ko ang malakas na tunog ng bakal na tinamaan ng bola. Lahat kami ay pumaling na sa mga manlalaro.
"Are you hitting my sister?" Sigaw ni Baron.
Oh magkapatid pala sila? puro siblings revelation ata lately?
Ngumisi si Mateo kay Baron. "Iyan ba ang excuse mo sa pangit mong laro ngayon?"
"Bakit mo pinopormahan ang kapatid ko?! Inutusan mo pa talaga ang pangit na iyon dito?"
Kumunot ang noo ko sa sinabi ni Baron.
"Watch your f*cking mouth!" Sigaw ni Mateo. I saw his jaw clenched.
Dahan dahan kong ininom ang kape ko at enjoy na pinapanood ang bangayan nila. Sa tingin ko hindi naman talaga intensyon ni Mateo na bigyan ng maiinom ang impaktang ito. Baka naman itong si Mateo ay gumagawa ng pinagbabawal na teknik.
Kinakabahan na ngayon ang impakta dahil matindi na ang bangayan ng dalawang gwapo sa harap namin. Inaawat na sila ng mga ka grupo niya at nakita ko si Liam na nandoon na para awatin si Mateo.
"Ano bang ikinagagalit mo? Iyong tawagin kong pangit ang utusan mo?!" Baron growled.
Gusto ko pa sanang manood pero ng makawala si Mateo kay Liam ay automatic akong napatakbo sa pagitan nila Baron at Mateo bitbit ang aking kape. Syempre coffee is life.
Nakita kong naalarma si Mateo ng pumagitna ako. I admit, kasalanan ko kung bakit sila nagkainitan ngayon. Hinila ako ni Mateo palayo kay Baron.
"Anong ginawa mo dito?"
"Inutos mo ba iyon para madistract si Baron?" Mahina kong tanong, not answering his question.
"Let's talk about it later." Malamig niyang tugon.
"Ano? Pinagpaplanuhan nyo ba ng pangit mong kasama kung paano-"
Hindi na nakapagpigil si Mateo at sinapak niya ito. I saw blood coming out of Barons' mouth. Tama nga si Liam, hindi magkasundo ang dalawa.
Hinila namin siya ni Liam at ng dalawa pa sa kasamahan nila. Sumigaw ng malakas ang coach at dismayado sa nangyari, he even walked out from the scene. Nasa magkabilang dulo na ng court si Baron at Mateo.
"Calm down, bro." Ani Liam.
"Mateo, akala ko ba hindi kana mandadaya sa basketball?" Paalala ko sa kanya. Hindi ito sugal pero mali pa din iyong ginawa niya. Wala ba siyang tiwala sa kakayanan niya?
"He is an assh0le, Piper. Mas madumi siyang maglaro sa akin kung nakita mo lang ang ginawa niya sa akin last week."
"So, gumaganti ka? Hindi ka na din nalalayo sa kanya Mateo." Giit ko.
"Look, Piper." He sighed. "Ganito na talaga kami ni Baron noon pa. Matindi ang kumpitensya namin pagdating sa basketball kaya hindi namin maiiwasan na hindi magkapikunan. Ganito na kami." Paliwanag niya.
"Pero hindi ako ganon, Mateo... at hindi ko hahayaan na gawin ko ulit iyon para sayo. Wala akong pakialam kung igiit mo pa na para iyon sa deal natin. Kaya kitang bayaran ng pera!" I said in a disappointed voice and turned away, palayo ng court.
"Piper!" Sigaw ni Mateo.
Nakita ko si Coach Alonzo na palapit kay Mateo.
Hindi naman sa proud ako pero ang tapang ko pagdating kay Mateo. Sa ganoong sitwasyon ay tumitiklop na ako at sinasarili na lang ang mga saloobin but now things have changed. I changed.
Dito ako nagpalamig ng ulo sa pizza house. Masyadong crowded na ngayong umaga sa coffee grind. Dito ay solo ko at tahimik, except sa cellphone ko na walang tigil sa pagtunog. It's like buzzed for the 20th times. Ang kulit ni Mateo. Kikiligin na ba ako kahit mainit ang ulo ko sa kanya?
Bahala siya sa buhay nya! Nagtungo ako sa hospital para papirmahan kay Mommy ang finill-upan ko na residencial doctors' form. Ipapasa ko na din kasi ito mamaya sa school.
"Ang aga mo yata?" Tanong ni Mommy sa akin. Macy is there too, nanghihingi na naman ng pang shopping kay Mommy. Sana all.
"Galing ako sa basketball game." Sagot ko habang pinapanood ko na basahin ni Mommy ang form ko.
Tumawa naman si Macy sa sinabi ko. "OMG, Mom. She's becoming a pathological liar."
"Bakit? Mahirap bang paniwalaan na marunong din akong manood ng basketball game?" Inis kong sagot. Umirap lang sa akin si Macy. Hindi nya inaasahan na sasagutin ko sya.
"Kumain ka na ba, Piper?" Tanong ni Mommy.
"Opo, sa coffee grind." Sagot ko.
"Hindi kita pinag-aral sa mamahaling university para lang makipag-date." Aniya at pinirmahan ang aking form.
"You are dating? Kaya ba mukhang pumapayat kana?" Gulat na sabi ni Macy at hindi ito makapaniwala. Umirap naman ako sa kanila.
It's so unfair. She let Macy dating boys at dinala pa sa bahay habang ako ay bawal?
Hindi na ako nagsalita pa. Ramdam ko ang paulit ulit na pag-vibrate ng cellphone ko sa aking bag. Si Mateo yun for sure. He's still not giving up?
"Abnormal ka talaga." Puna nito sa pagtitig ko sa aking cellphone. Hindi ko siya pinansin. "Oo nga pala, kinukulit na naman ako nitong si Mark, Mom. Hindi ko naman siya gusto. Mas bet ko Si Mateo Axel or si Liam Nolan. Actually, there's a new guy and he's really hot too... Si Khalid."
Hindi ko na tinapos ang pagbibida niya sa mga target niyang lalaki. Pabagsak kong isinara ang pinto ng opisina ni Mommy. Ang unfair ng buhay!
"Piper?" Tumunghay ako sa lalaking nakaputing coat sa harap ko. Si Jiro Chen.
"Oh! Hi, Jiro. It's nice that you still remember my name and my face." Bati ko. "Nagmamadali ako eh. I will talk to you soon." I said at nagmadaling tumakbo palabas ng hospital. I am late again...
---
Kasabay ko si Vivian mag lunch at binibida niya ngayon ang birthday ko sa tatlong bibe. I mean, sa WIN girls. Nagpareserved daw siya sa isang Italian Restaurant in town at tinatanong ako ngayon kung anong klaseng pagkain ba ang gusto ni Mateo na para bang si Mateo ang may kaarawan. Hindi man lang tinatanong kung ano ang gusto ko.
"The boys are coming." Kinikilig na sabi ni Nina.
Pumaling kami ngayon kay Mateo, Jimmy at Aaron. They confidently walking like a celebrity in red carpet. Dinig ko na nagbiro si Jimmy sanhi ng malakas nilang tawanan.
"Hi Piper. Can we join?" Tanong ni Jimmy. Ito yata ang unang beses na may nagtanong sa akin kung pwede silang sumali sa aming pananghalian. Nakakapagtaka. Tumango si Vivian at ganoon din ang kinikilig na tatlong Bibe.
Naupo ang tatlong kalalakihan at nag umpisa ng kumain. May sarili silang mundo. Hindi man lang tinapunan ng tingin ni Mateo ang naghuhumiyaw na dibdib ni Wendy kahit na pilit niya itong pinangangalandakan sa kanila. Si Aaron lang yata ang sumulyap pero saglit lang at hindi interesado.
"Piper, napagkasunduan namin na kilalanin ka bago ang birthday party mo. We want us to be your friends." Ani Isabel. Tumango naman si Vivian at Wendy.
"So, paano kayo nagkakilala ni Mateo?" Mahinang tanong ni Nina.
Hilaw akong ngumiti. Sumulyap ako kay Mateo at busy naman sila nina Jimmy sa pagkukwentuhan.
"Nevermind. Did you invite him na ba?" Ani Nina at tumingin kay Mateo na nasa tabi ko. I mean we are like 2 meters away. Mahaba kasi itong table namin. Usually ito ang spot ng sport athletes. "Hi Mateo, I'm Nina. We met at the-"
"Hi." Agad na sagot ni Mateo at hindi na pinatapos si Nina sa kanyang introduction. Mukhang pinagpractisan pa yata.
He sound sexy and chill pero gigil pa din ako sa kanya. Mabilis lang ang ginawa nitong sulyap kay Nina at nasa akin na ngayon ang mga mata niya.
"Did you get our invitations for Piper's birthday?" Tanong nito Isabel.
"Oo." Sagot niya. "Iyong kulay pink envelope na may glitters?" Sagot niya at muling ibinalik ang tingin sa akin.
Mukhang pinagdududahan niyang mga kaibigan ko nga ba itong mga kasama ko. They are not... Pero bakit naman kulay pink ang invitation na ginawa nila at may glitters pa? Ano iyon high school craft project?
"Makakapunta ka ba? Nakareser-"
"Sorry." Paling nito kay Isabel. "I have another thing that night."
Ramdam ko ang pagbabago ng mood sa aming table. Masyado yatang bumilib si Vivian sa kung ano mang relasyon namin ni Mateo. Okay lang naman sa akin na hindi talaga siya pumunta. Naiintindihan ko. Iyong WIN girls lang siguro ang hindi plus Vivian. They looked upset.
"And Piper." Sa akin na naman siya nakatingin. " I got your red envelope." Tukoy niya sa ampao na may laman na bayad sa kanyang ipad.
Sorry na. Wala akong ibang sobre kundi ampao na galing pa sa ninong ko noon. Nakasingit iyon sa libro ko. Dinukot niya ito sa kanyang bulsa at inilahad sa akin.
"I don't want it." Ngumisi pa ito sa ampao.
---
Ang bilis lumipas ng araw. Today is the day.
Yeah. It's my birthday. Happy birthday to me.
Hindi ako umaasa na mapupuno ang inbox ko ng greetings. Sanay na akong walang nakakaalam ng kaarawan ko. It was a normal day for me. Natapos ko ang maghapong klase at nasagutan ko lahat ng quiz and recitation. Kumain ako kasabay si Jewel at nilibre niya ako ng malaman niyang birthday ko. Ang sabi pa niya ay to follow nalang daw ang kanyang regalo.
Pumasok ako sa aking part time job at maagang nag out dahil nga sa reservation nina Vivian sa Italian Resto. Hindi naman sa excited ako... ngayon lang kasi ako makakaranas na magdiwang ng birthday with friends. Yeah not really my friends but who cares. Kinaiinggitan ko noon pa ang mga barkadahan na nag cecelebrate ng kaarawan sa restaurant. Lagi kong tinatanong sa sarili ko kung ano kayang pakiramdam and here it is... I will finally experience it.
Umuwi muna ako sa Dorm para magbihis. Skinny jeans at loose shirt tapos sneaker. Binili ko ito kanina sa Boutique bilang regalo sa aking sarili. I let my hair down at nag lip tint ng kaunti. Tinext ko si Vivian kanina pa pero hindi ito sumasagot. Dumating ako sa restaurant at wala pa sina Vivian kaya naman muli ko siyang tinext dahil hindi ito sumasagot sa tawag ko. Baka may ginagawa pa siya o may klase pa.
Matyaga akong naghihintay sa kanila. Pinapanood ko ang mga kalapit tables na masayang kumakain. I can picture out na ganoon kami mamaya kapag dumating na sila. Binigyan ako ng waiter ng tubig at tinanong kung makakarating pa ba ang mga kasama ko and I said yes... But it's been an hour now and no one was showing up.
Kinakabahan na ako. Feeling ko ay hindi na naman talaga sila makakarating. Masyado lang yata akong nadala sa emosyon ko na mag-cecelebrate ako ng aking birthday with them and now I am alone. Mukhang tanga. Tumunog ang cellphone ko and finally, sumagot na si Vivian sa mga text messages ko.
Sorry Piper. I can't make it tonight. Bigla kasing sumama ang pakiramdam ko. Babawi nalang ako.
Huminga ako ng malalim at pinipigilan na pumatak ang mga luha ko. I had to keep it together and leave. Tatayo na ako ng may marinig akong pamilyar na boses.
"Birthday reservation for Piper Cassandra?"
"I see. Dito po tayo Sir." Ani ng waiter at itinuro ang table kung saan ako nakaupo ngayon.
I can't believe he did come. Hindi na ako mag-isa.
"Sorry I'm late, May tina-" Bungad ni Mateo at tumingin sa empty chairs. "Nasaan sila?"
Pinunasan ko ang takas kong luha. Lumapit sa akin si Mateo. He's wearing maong jeans and red shirt. Kulang na lang ay pareho kami ng print ng damit para sabihin couple outfit.
"Anong ginagawa mo dito?" Pagak kong tanong. Sana ay hindi niya napansin iyon.
"I was invited." Paalala niya. "Nasaan ang iba?"
Pilit akong ngumiti sa kanya. Hindi ko maitago ang lungkot ko. Mukha siguro akong katawa-tawa sa kanya ngayon.
"Ako palang ba ang dumating?" Tanong niya. Hindi na ako sumagot. Isn't obvious? "Damnit. I'm glad I came."