Nasa Coffee Grind kami ni Vivian at sabay na kaming nag dinner. I ordered Lasagna and vanilla frappe habang kay Vivian naman ay kombucha tea at caesar salad. Diet nga daw sya.
"I can't believe it. Hindi ako maka get over sa mga sinabi ni Mateo kanina. If ever, baka ikaw pa lang iyong magiging girlfriend ni Mateo na hindi model or famous."
Hilaw akong ngumiti sa sinabi ni Vivian. "Baliw."
"Nakaka-inggit ka naman." Aniya, "How did you do that?" frustrated niyang dugtong.
"Tumigil ka nga. Alam naman natin kung sino at ano si Mateo."
Tumunog ang cellphone ni Vivian pero pinatay niya agad ito dahil baka isa ito sa WIN girls. Wow! That's new. Nanlaki ang mata niya ng may makita siyang pumasok sa loob ng coffee shop since malapit lang kami sa entrance.
"Speaking of gwapo." Ani Vivian at nakatitig ito sa likuran ko. "Si Khalid. Kilala mo ba siya? Siya iyong transfer student at ang gwapo gwapo niya. Sabi ni Wen-"
"Hi, Piper."
Khalid was coming over to our table. Iyon din ang dahilan kung bakit natigilan si Vivian sa pagsasalita. Ibinaba nito ang hawak na tinidor ng kumaway ako kay Khalid.
"I didn't expect you here," casual nitong sabi.
"Bawal?" Pabiro kong sabi.
"Nah." Tawa nito. "Hindi ko kayo gustong istorbohin, I just want to let you know that I already bought textbooks for school para hindi kana mahirapan tuwing nakikihiram ako sayo." Ani Khalid.
"It's okay. Hindi naman ako nagrereklamo" Ngumiti ako sa kanya.
"Well, thanks anyway. You save my first week." Aniya at nagpaalam na ito. Muli akong sumubo ng lasagna.
"Bakit?" Tanong ko sa nakatulalang si Vivian na para bang isa akong panaginip o iyong nasaksihan niya kanina.
"Sinalo mo ba lahat ng kaswertehan ngayong taon? Bukod tangi kang pinagpala sa babaeng lahat." Mangha niyang sabi.
Hindi ko alam kung ano ba ang dapat isagot sa sinabi niya. Narinig ko din naman iyon pero wala talaga akong maisip na isasagot so I said. "Huh?"
"May fairy godmother ka ba? or genie in the bottle?" Patuloy niya. "I can't believe you. You usually have no friends and now you have these two hottest guys on campus."
Ngumiti ako sa kanya. "Ang weird nga eh."
"It's crazy." Eksaherada niyang sabi.
---
Mondays for me were brutal.
Ang hirap gumising ng maaga kaya naman kahit dito na ako sa loob ng campus nakatira ay late pa din ako. Wala namang bago ngayong araw. As usual wala pa ding kumakausap sa akin maliban kay Vivian at Jewel. Kasabay ko silang kumain ng lunch pero pagkatapos noon ay kasama na ulit nila ang kanilang barkada. While me? Nandito sa library, pinapatay ang sarili ko sa pag-aaral. Joke lang. But yeah.
"Hey. Wazzup" Tumingala ako sa parating na si Khalid. He is always talking to me. I almost forget that he's a nice guy.
"Hey." Bati ko. Sobrang hina lang dahil baka mapatalsik palabas ng mataray na librarian.
Lumampas ito sa akin at may kinuhang libro sa shelves. Mga tatlo siguro iyon saka ito naupo sa tabi ko. Alam ba niyang may mas marami pang nag-gagandahan na babae dito na pwede niyang tabihan?
"May gagawin ka ba pagkatapos ng klase mo?" he asked smoothly.
"Wala naman bukod sa part time job ko."
"Anong oras ang tapos mo doon?"
"9 pm."
"I'll pick you up then"
"Huh?" Mataimtim ko siyang tinitigan. Okay lang ba si Khalid? "Bakit?"
He raised his hands in surrender because of my glare. "Nothing crazy, Punta lang tayo sa Shack burgers."
Shack burgers? Iyong restaurant sa tabing dagat? It was 3 hours away here and I thought no one literally wants to hang out with me. Anong nangyayari sa earth?
Kung hindi ko pa nga nabasag ang Ipad ni Mateo ay hindi niya ako mapapansin.
"Bakit?" Muli kong tanong, still shocked.
He looks relaxed habang nakapatong ang kanyang kamay sa tatlong libro na nakapatas sa mesa. Sumulyap muna ito sa dumaan na librarian saka bumulong sa akin.
"Hindi ba doon pumupunta ang iba pagkatapos ng klase?" Aniya.
Gusto ko pa sanang tanungin kung bakit ako pa ang niyaya niya, pero sige na nga. Aarte pa ba?
---
Sinusubukan kong mag focus sa mga assignment ko na nakapatong sa counter. Matumal ngayong araw like it's definitely nothing productive. Pinapanood ko lang ang wall clock na tumama sa 9. At sharp 9 pm, nagpaalam na ako para umuwi. Paglabas ko ng store ay kumabog ang dibdib ko ng makita ko kung sino ang nandoon.
Honestly, hindi ko na talaga inaasahan na susunduin ako ni Khalid or seryoso ito sa pagyayaya sa akin kanina but he was there... standing outside.
"Piper!" Tawag ni Khalid. Wala siyang dalang sasakyan pero may motor sa tabi niya.
No way!
It's a black sports-type motorcycle. Nakangiti itong iwinagayway ang hawak na helmet na sa tingin ko ay para sa akin.
Ayoko! Mag bus nalang kaya ako? Or mag bike nalang? Takot ako sa motor!
Lumapit siya sa akin at marahil ay napansin niya ang takot sa mga mata ko ng dahil sa motor niya kaya ngumisi ito.
"Nakapunta ka na ba sa Shack burgers? Mostly mga senior college ang nandoon. Pati na din ang Northville basketball team ay tumatambay doon." Aniya. "May ibang university din na nag susurf doon kaya siguro dumami ang tumatambay doon." Dagdag niya.
Oh... The basketball team, gaya ni Mateo? Surfer, gaya ni Liam? Tumango tango ako.
"So let's go?" Ako na iyong nagyaya.
Piper! Conquer your fear. Kaya mo yan!
"Live for a thrill" Ani Khalid at inabot sa akin ang helmet.
A black matte helmet with stickers on it. Umangkas ako sa kanya at kumapit ng mabuti sa kanyang black jacket.
Yeah. Live for a thrill...
As if I hadn't drowned in the pool, been mauled by 2 huge wild boars in the forest, and attacked by a gang at the very place we were going to now...
"Let's live on the edge."
My arms wrapped around his waist ng paharurutin niya ito. Pakiramdam ko ay naiwan doon ang kaluluwa ko. I can almost view the beach. I can't believe I am here again, riding a motorcycle.
Binuksan ni Khalid ang pinto ng restaurant para sa akin. Madaming tao doon at ang iba ay mga taga Northville. They were drinking. Bukas naman ang backdoor ng restaurant kung saan may daan patungo sa beach at nandoon ang iba para pagmasdan ang kulay kahel na langit.
Khalid lead me inside at kumapit sa magkabilang balikat ko mula sa aking likod. He's shielding me from the crowd.
"Anong gusto mo?" Tanong niya sa akin ng magkaroon na kami ng pwesto. He is scanning the menu.
Tumango ako sa kanya habang nakatingin din sa menu.
Rinig ko ang malakas na boses ni Jimmy. Nangingibabaw ito sa buong restaurant. Kasama niya si Mateo at Liam at may mga kasama silang babae sa kanilang table. Kanina pa ako nananalangin na sana ay hindi nila ako napansin o nakita kahit ang iba ay nakatitig na sa amin ni Khalid. Marahil pinagtatakahan nila kung ano ang ginagawa ni Khalid kasama ang isang katulad ko.
"Who's the new girl Khalid with?" Tanong ni Aaron. I saw Mateo glared at me.
"She's like a nerd. Baka nagpapaturo si Khalid ng homework" Tawang sagot ni Chanel, iyong babaeng naka bikini noon sa party ni Liam na nag spray sa amin ng champagne. She didn't recognize me. "Yayain mo si Khalid dito."
"Sino?" Rinig kong tanong ni Liam.
"Khalid and that nerd." Sagot ni Chanel.
Nakatalikod na ako sa kanila kaya hindi ako tanaw ni Liam.
"Piper." Mateo answered coldly. I can hear Liam spat his drink. Umubo pa ito ng ilang beses.
"Do you know her, Mateo?" Tanong ni Aaron, confused.
Hindi ko na sila pinakinggan at mas pinili na lang na mag focus sa aking oorderin and I ended up ordering the same foods like before. Bacon burger at milktea.
"Gusto mo share tayo sa ice cream halo-halo? Ang alam ko good for 2 itong promo nila." Tanong ni Khalid.
Tumango agad ako dahil noon ko pa iyon gustong tikman.
Sinabi ni Khalid ang mga order namin sa waiter at binalik ang menu booklet. Nang makaalis ang waiter ay pinatong ni Khalid ang kanyang kamay sa likod ng sandalan ng aking inuupuan.
I blushed. Why do I blush easily?
Hindi ko alam kung napansin ba niya ang pamumula ko at ang pagiging uncomfortable ko dahil ramdam ko pa din ang mata nina Mateo sa peripheral vision ko. Ayoko ng ganitong atensyon! Shuta.
"Sorry." Khalid apologized. "Is this too much for you?"
Akala niya ay naging uncomfortable ako dahil sa kanya. Umiling nalang din ako. They were judging us. Sasagot na sana ako ng may umupo sa bakanteng upuan na nasa harapan namin.
"Nakakaistorbo ba ako?" Tanong ni Mateo at nakatingin ito sa amin na para bang guilty kami of something.
Tumingin ako sa kanya at naalala kung paano ko siya pinagtabuyan sa shop noong nakaraan at kung paano ko siya iniwan sa party ni Liam nang dahil sa pagseselos ko doon sa anak ni coach alonzo.
"Someone left your cage open?"
Nagulat si Khalid sa sinabi ko kay Mateo like I was a different person. I know, I was shy around Khalid... And nice. Pero dahil kay Mateo ay nagiging ako si Piper Cassandra Delgado.
"Ha!" Tumawa si Mateo, "Na miss mo?"
He leaned forward. Napunta ang mga mata ni Mateo sa kamay ni Khalid na nasa sandalan ng aking upuan. He slapped it kaya agad itong inalis ni Khalid.
"Here are your orders." masiglang sabi ng waiter. Nilapag nito ang mga order namin habang sinasabi kung ano ang mga iyon.
"Bakit hindi chocolate ice cream ang toppings?" Tanong ni Mateo. "Hindi ba mas gusto mo iyon?" He added staring at me.
Tama sya. Gusto ko nga iyon dahil hindi ako mahilig sa ube. Pero si Khalid kasi ang umorder noon at hindi ako. Masama akong tumingin kay Mateo dahil nagiging rude na ito.
"Did you order for her? Wrong move, bro." Patuloy ni Mateo.
"Hindi ka invited sa table namin." Sabi ko kay Mateo.
"Kailangan ko pa bang maging invited?" He smirked at nasa likod na niya ang iba nyang kaibigan.
"For this booth, you do. Friends invite friends."
Saan ba nanggaling ang inasal na iyon ni Mateo? Sinusubukan niya ang pasensya ko. Nagiging matapang ako around Mateo at mukhang masasampulan ko siya anytime kung gaano ako katapang.
"Well, ayokong maging kaibigan ka at definitely hindi ko sya magiging kaibigan." Ani Mateo.
Ano naman ang ibig niyang sabihin doon? Tumingin ako kay Khalid at Mateo, magkakilala ba sila?
Awkward silence...
Magkaaway ba sila?
I stared between them, hinihintay sa kanilang sasabihin. Ayokong isipin iyong sinabi ni Mateo kanina na ayaw niya akong maging kaibigan dahil sumasakit ang tenga ko doon.
"Okay. May gusto ba kayong sabihin?" Putol ko sa katahimikan. "Ano na? Magkakilala ba kayo? What?" I said and being impatient now.
"Hindi ko kaibigan si Khalid." Sagot ni Mateo. Khalid crossed his arms and sit comfortably. "He is not my friend because he's my brother." Patuloy niya.
...
..
.
My jaw dropped.
"She always looks like this," Mateo said to Khalid. His brother.
Shuta! Bakit hindi sila magkamukha?
"Brother? As in kapatid?" Gulat kong sabi.
"Oo. I think I'm done here." Ani Mateo at tumayo na ito. "Enjoy your date." Mapakla niyang sabi.
Tumingin ito sa halo halo na may ube ice cream on top at may heart shape na chocolate chips. Dinampot niya chocolate chips at kinain. He doesn't even like chocolates.
Umalis na si Mateo
Pumaling ako ngayon kay Khalid at nagulat pa din sa aking nalaman.
"Sorry, Piper. Hindi ko alam na magkakilala pala kayo ni Maxel. Hindi ko din naman kasi aakalain na kabilang ka sa social circles nya." Paliwanag nito. Gusto kong matawa dahil may point siya. Sino bang mag-aakala na kaibigan ko si Mateo? Kaibigan ko nga ba? Kakasabi lang niya kanina na ayaw niya akong maging kaibigan. Ouch!
"Okay lang Khalid. Nagulat lang ako." Sagot ko.
"Maxel and I are half brothers," Dagdag niyang paliwanag, "Mahabang kwento."
Hindi na ako nagsalita. Alam kong hindi magandang pag-usapan ang family issue nila. Hindi ko din naman kadugo talaga si Marites kaya umakto nalang akong hindi interesado. Pero sana maaga kong nalaman na magkapatid sila.
Dinig ko na humugot ng malalim na hininga si Khalid. Dinampot niya ang kanyang milktea at sumandal sa kanyang upuan.
"Ikinasal ang Daddy ko kay Mommy when he had an affair with Maxel's Mother." Saad niya. Kita kong pumikit ito dahil siguro sa pag-alala sa masalimuot na pangyayari sa buhay niya. "Sabay na nabuntis ang mga ina namin at nang malaman ni Mommy ang affair ni Dad ay nakipag-annulled ito. We live in America for 15 years at sa Cebu naman ng almost 8 years. Kasal na ngayon ang Daddy ko sa Mommy ni Maxel."
Bakit kailangan niya pa iyong ikwento sa akin. Nakakalungkot.
Ramdam ko siya. Hindi madali ang manggaling sa isang broken family. We are the same ang pinagkaiba lang ay hindi pa sila annulled dahil ayaw ni Mommy.
"May bagong kinakasama ngayon si Mommy and it's complicated right now kaya nag decide ako na tumira muna kasama si Dad." Dagdag pa niya. "And his assh0l3 kids."
Pigil akong tumawa ng marinig ko ang huli niyang sinabi. Hindi ko alam pero nakakatawa kasi. One of his kids is an assh0l3. Totoo talaga iyon.
Ngumisi si Khalid "Sige na. Tumawa kana." encourage niya sa akin. "Laughter is an instant vacation."
Tumawa na ako at saka niya ininom ang kanyang milktea. Mukhang mahilig si Khalid sa matatamis kabaliktaran ni Mateo. Magiging kakumpitensya ko pa yata siya dito sa mga pagkain.
---
Nakatitig ako kay Khalid habang nag pi-present ito sa unahan ng klase. Napaka gandang genes meron sila. Ang sarap magpalahi. Hahaha Shuta! Joke lang mga mars.
Nasa English class na kami ngayon at nandito din si Mateo. Actually nasa gitna ako ng magkapatid.
"Mr. Montemayor." Ani Ms. San Jose. Iyong crush ni Liam.
Pumaling ako kay Mateo na busy sa kanyang cellphone. He was Montemayor too but it's too late when I realize na si Khalid pala itong tinatawag ng aming prof.
"Khalid, who introduced comedy?"
Dahan dahan na ibinaba ni Khalid ang kanyang ballpen. Mukhang hindi niya alam ang sagot at mukhang hindi din siya nakikinig katulad ni Mateo. Ano naman kayang ginagawa niya?
"What's the question again?" Ulit ni Khalid. I heard Mateos smirking.
"Who introduced the classic conception of comedy?" Ulit ni Ms. San Jose.
"playwright Ben Jonson?" he guessed.
Nakatingin lang sa kanya ang aming prof waiting for him to explain or change his answer dahil mali iyon. I wanted to help him kaya isinulat ko ang tamang sagot sa aking notebook at pinakita ito sa kanya. Sumulyap naman siya.
"Come on, Khalid. This isn't a hard question. Who introduced the classic conception of comedy?" Ulit nito sa pangatlong pagkakataon.
"Aristotle" Aniya ng mabasa ang sinulat ko sa aking notebook.
"And you Piper, Since you are so willing to save Mr. Montemayor. Do you want to add some more explanation?" Tanong ng aming prof ng mahuli ako sa aking ginawa.
Guilty akong tumayo at hilaw na ngumiti. "Uhmm... The classic conception of comedy, which began with Aristotle in ancient Greece of the 4th century bce and persists through the present, holds that it is primarily concerned with humans as social beings, rather than as private persons and that its function is frankly corrective."
"So who is playwright Ben Jonson?"
Nagkatinginan kami ni Khalid.
---
Nakadapa ako sa aking kama habang tinatapos ang 3 more episode ng k-drama sa aking laptop. Umupo si Vivian sa kama ko at inilabas ang gliterry niyang planner. I remember my bike for it.
"Birthday mo na next week diba?" she asked.
Dumungaw pa ito sa aking bintana nagbabakasakali na nandoon si Mateo. Wala sya doon.
"Let's throw a party? A little party since kaunti lang naman ang kaibigan mo."
"Huwag na." Agad kong tanggi.
"Kahit dinner nalang?" May pagmamakaawa sa kanyang boses.
I sighed. "Sino naman ang pupunta? Gaya ng sabi mo ay wala akong kaibigan."
Maganda sanang idea na magpaparty kung katulad ng party ko ang party ni Liam. Kaso hindi eh. Binuklat niya ang planner nito at nag umpisa ng maglista ng pangalan.
"Ako, ikaw. Hindi ba sabi mo ay may kapatid ka? So pangat-"
I scoffed at that.
"Hindi iyon pupunta."
"WIN." Aniya. Isinulat niya ang pangalan ng tatlong bibe. Sunod ay si Jewel.
"Hindi kami close ng mga kaibigan mo. Bakit mo sila isasama?" Pakikipagtalo ko.
"It's okay. Pupunta sila sa birthday mo, trust me." Aniya.
"So, six na tayo. Sino pa ba?" Nag Isip ito saglit. "Oh! Si Mateo, Liam at Khalid."
"No way! No! No!" Paulit ulit kong angil sa huli niyang gustong idagdag. "Hindi kami close ng tatlong iyon. Isipin pa nila ay feeling close ako kung inimbitahan ko sila sa birthday ko." Dagdag ko pa.
"Okay. Pero hindi dapat mawala si Mateo sa listahan. Non-negotiable."
"Hindi kami okay ni Mateo ngayon." Pag-amin ko.
"He is still getting an invite, Piper. Anong point kung wala siya doon?" Vivian asked, frustrated.
"It's my birthday so the point is for me? Hindi ba?" Naguguluhan ko naman na sabi.
"Oo nga." Aniya at hindi na nakipagtalo sa akin.
Malapit na nga ang birthday ko. I can't believe na malapit ng matapos ang November. Hindi ako excited sa pasko pero mahabang bakasyon din iyon para sa akin and I am going to spend it on the hospital for sure. Nakatulugan ko na ang panonood ng kdrama, nagising lamang ako sa tunog ng aking cellphone na nasa ilalim ng aking unan.
Sino naman ang magtetext ng ganito kaaga? 5 am? Shuta!
Campus covered court in 30.
Kumurap ako ng ilang beses trying to sink in what I've just read. Panaginip ba ito?
Unregister number siya. Sino ba ang hudas na ito para sundin ko siya? Inistorbo ba ang tulog ko.
I text back: sinoka?
Naghintay ako ng reply at sumagot din naman agad ito: Ilan ba ang pinag-kakautangan mo?
Oh. Buntong hininga ko.
Mateo.
Nailed it, Aristotle. Campus covered court in 30.
Mag-rereply pa sana ako ng muli siyang nagtext: Maligo ka.
Hayop! Ang lamig ng tubig!