Champagne showers us.
Sa sobrang takot ko na baka nakita nila kami ni Mateo ay tumakbo ako palabas. Although madilim naman sa pwesto namin kanina ay malay ko ba na baka nakita pa din nila kaming naghahalikan ni Mateo.
Narinig ko na naman iyong classic music na pinapatugtog ni Lola Gemma. Hindi ako aware kanina sa nilakaran namin ni Mateo kaya hindi ko alam kung saan ako dadaan palabas pero taranta pa din akong tumakbo.
"You are not allowed here." Tumingin ang matanda sa aking likuran saka sumilay ang malawak na ngiti. "Mateo, Ikaw pala. Gusto mo ba ng towel?"
Biglang nagbago ang tono ng matanda ng makita si Mateo. Siguro dahil matagal na niya itong kilala at mukhang paborito din niya si Mateo.
"Yes, please." Sagot ni Mateo.
"Kukuha lang ako saglit. Sumunod kayo sa akin sa kusina." Ani Lola Gemma at naglakad na ito.
Mateo grabbed my hand at pinilit na humarap sa kanya. I can't even look at him. Sobra na din ang pamumula ng mukha ko. He guided me to the kitchen at tinanggap ang puting towel ni binigay ni Lola Gemma pagkatapos noon ay iniwan na niya kami sa kusina. Pinaupo niya ako sa high stool chair. Ramdam ko ang malalim niyang titig kaya tinakpan ko ang aking mukha sa sobrang hiya. Mukha siguro akong basang sisiw at ang lagkit nitong champagne sa buhok. I heard him chuckled.
"Stop it." Saway niya sa akin.
"How? I can't even look at you." inis na sagot ni Piper.
Mateo patted her head. "You are beautiful, Viper."
Halos kinilabutan ako sa paos niyang boses. Kalma Piper. Kumalma ka, utang na loob.
Tumayo ako at kumuha ng tubig na maiinom. Malamig ito pero straight kong ininom. Na brain freeze na nga yata ako. Mateo used the same glass to pour himself water.
Iniwasan ko ang mga titig niya sa akin. Bumalik na ako sa stool chair dahil nanlalambot ako. I was so nervous to be around him. I wasn't quite sure what had happened downstairs. Yeah, we kissed.
Shuta! We did kissed?
Lumapit sa akin si Mateo and he stood between my legs, wiping the sticky alcohol off my hair down to my neck. I gulped. Here he is again and his lips. Shuta!
"Mateo, I have your girl-" Sigaw ni Liam at may babae sa likod niya.
Napamura si Liam ng makita kami at agad na sinaraduhan ang pinto para hindi na makapasok iyong babae sa likod niya.
We almost kiss again, mabuti na lang dumating si Liam.
Humarap si Mateo kay Liam running a hand through his hair in frustration.
"What?!" Bulyaw ni Mateo sa kanyang pinsan.
Mukhang na badtrip si Mateo. Pinanood ko lang sya and bit my bottom lip when he glanced at me.
"Don't do that," Mateo growled at me.
Bakas ang mabigat na paghinga ni Mateo habang ang akin ay hindi ko na alam kung nasaan na ang hangin sa aking dibdib.
Nagsimula ng kumatok ang babaeng nasa labas. "What the hell? Nandyan ba si Mateo?"
"Anong sasabihin ko?" Tanong ni Liam kay Mateo. "Hindi ko naman kasi alam na... dapat kasi... Piper." tumango sa akin si Liam ng marealize niyang naririnig ko siya.
"Hi Liam." Bati ko na halos hindi na makahinga.
Tinulak ni Mateo si Liam para tumabi ito at binuksan ang pinto. Rinig kong kinilig ang babaeng nasa labas ng makita si Mateo at saka nito sinara ang pinto. The girl looks familiar. Siya iyong nakita ko noon sa hotel suot ang jacket ni Mateo.
"Sino yon?" Curious kong tanong kay Liam.
"Sino?" Patay malisya naman na sagot nito.
"The girl, Liam. Who is she?" Inis kong ulit.
I heard him mumble something.
"Huh? Hindi kita marinig."
"The coach's daughter." Sagot niya at bakas sa mukha nito ang pagkadismaya sa kanyang sarili.
Hindi ako nakasagot. Iyon ba ang anak ni Coach Alonzo na nakakamabutihan daw ni Mateo? Who invited her? Kaibigan din ba siya ni Liam? I felt something stir inside me, Pain. I want to cry.
If there is only one thing Mateo is serious about, it's basketball.
---
Nainip ako kay Mateo kaya nagtungo ako sa salas kung saan nandoon si Liam at katabi nito si Jimmy na sobrang lasing na. Tulala akong nakatitig sa kanila habang ninanamnam ang sakit na nararamdaman dito sa puso knowing Mateo is still with that girl.
Iwinagayway ni Jimmy ang kamay nito at tumama ito sa hita ko. I stared at him. Nakahiga ito sa sofa at bahagya pang tumulo ang kanyang laway. Naalala ko si Tricia and her friends had taken advantage of me when I was asleep, using the camera on their phone.
Inayos ko ang kamay ni Jimmy at hiniga siya ng maayos para hindi naman masakit ang katawan niya bukas.
Umuwi na lang kaya ako?
Kinuha ko ang cellphone ko sa aking bodycross bag and nagbook ng grab.
Driver 15 minutes away.
I heard Liam cleared his throat. Tumingin ako sa kanya at nakatayo na ito sa may pinto. He looks so uncomfortable.
Ano kaya ang ginagawa ni Mateo kasama ang anak ni coach Alonzo? Whatever.
"Thanks for inviting me, Liam." Awkward kong sabi. "It's a great party."
He shrugged, "This place is one hour away from being an orgy."
"More like ten minutes late." I said bilang pagsang ayon.
Ngumiti naman ito sa sinabi ko. "Piper, it's not what you think. Iyong totoo ay excited talaga si Mateo na dalhin ka dito."
"Whatever. Napaka dami niyang babae-"
"Pero hindi sila katulad mo." Putol niya sa sasabihin ko.
"Alam kong palagi kang nandyan para kay Mateo at alam kong handa mo siyang pagtakpan. I get it. Pero kasi... Kilala ko siya at alam ko ang mga tipo niyang babae."
"Iyan kana naman. Dapat alam mo na ngayon na ang totoong Mateo ay hindi iyong usual natin na nakikita." Aniya.
"Alam ko naman iyon. He's incredible." Pag-amin ko. "Totoo, but I also know that what keeps me in his orbit is our deal. Kapag nabayaran ko na iyong Ipad niya ay tapos na din kami."
Sasagot pa sana si Liam ng bumukas ang pinto at pumasok na si Mateo. Yung itsura niya ay parang nanghihina na ewan at hindi na nito kasama ang babae kanina.
"Alis muna ako. Mag-usap muna kayo." Paalam ni Liam habang malakas naman na humihilik ngayon si Jimmy. "Or gusto nyo pumunta muna sa mas private na lugar? My room is available." Patuloy niya at ngumisi pa. He leaved us now.
Shuta ka Liam!
"Sige." Jimmy mumbled in his sleep. Sinampal pa ang kanyang sarili.
Nakatingin sa akin ngayon si Mateo, trying to search my face, "Ihahatid na kita."
"Huwag na. Papunta na din naman iyong grab na binook ko." I said at tiningnan ang aking cellphone. "Actually malapit na siya." I lied.
It's still 10 minutes away, ayoko na din naman mag stay dito kasama si Mateo. Inilapag ko ang towel sa sandalan ng sofa at nagmamadaling lumabas ng mansyon nina Liam without any words.
Sumisilay na ang araw. Mag-uumaga na pala.
Napatunayan ko kanina kung nasaan na nga ba ang puso ko, na kay Mateo at ayokong tuluyang mahulog sa kanya. Alam ko naman na hindi niya kayang suklian itong pesteng feelings ko na nabuo sa kanya.
I played with a player at kasalanan ko iyon. Hindi ko dapat sinubukan ang isang laro na wala naman akong ideya kung paano ito laruin. Never din akong mananalo. I mean, nakita nyo ba? He was always unavailable and he never made any false promises. Kasalanan ko talaga dahil hindi ko man lang narinig ang hell sa kanyang hello.
I've been cheated once so I really have trust issues now.
Sorry na.
Kakagaling ko lang sa breakup and I am trying to fix my broken heart with these band-aids but it seems that they are coming off. No! I won't let it happen.
Naglakad ako palayo kay Mateo para hindi na niya ako mahabol at para na din hindi ako nasasaktan ng ganito. Alam kong wala akong karapatan na masaktan but you can't blame me.
Really.
---
Simula noon ay iniwasan ko na si Mateo. Hindi naman na mahirap sa akin ang iwasan siya dahil hindi naman ako kagaya ng iba na agaw pansin. I excel at it.
Miyerkules, nakita ko siya sa driveway ng dormitory. Sinubukan niya akong tawagin kaya nagmadali ako upang magtago sa garden kasama ang mga dwendeng bato.
Huwebes, nasa english class ako with him. Mas maaga siyang pumasok kanina sa klase na iyon, siguro ay para makausap ako kaya naman noong makita ko siya ay agad akong nagtago sa hallway hanggang makita ko ang prof namin.
Friday naman ay nakita ko siya na nakasandal sa pinto ng locker ko. Kahit kailangan ko kunin ang libro ko doon ay hindi ko na lang kinuha so pumasok ako sa biochemistry ng walang libro. Ang hirap sumabay sa klase!
At sa wakas! Sabado na.
Nakatayo ako sa counter ng Boutique de Vera. Matumal ang araw na ito kaya naman pinipilit kong libangin ang aking sarili huwag lang antukin o isipin si Mateo. Wala akong tiwala sa sarili ko pagdating kay Mateo. Marupok yarn!
Napatingin ako sa pinto ng bumukas ito. Si Vivian.
Ngumiti ako sa kanya. "Vivian, Anong ginagawa mo dito?"
"Feeling ko kasi wala na akong time makabonding ka. I was in the mall so I thought I'd pass by." Sagot niya habang tinitingnan ang mga damit sa racks at ganoon din ang mga price tags noon. "Ang mahal ng mga damit dito ha." Gulat niyang sabi.
"Oo nga eh." Lumapit ako sa kanya, "Halika, check mo itong mga new arrival. Kanina lang sila dumating at sure akong bagay ang mga ito sayo."
Sumunod sa akin si Vivian at pinakita ang mga dresses pati na din ang mga nailagay ko na sa mga mannequins.
"Wow! Ang ganda nito." Aniya at hinipo ang silk fabric ng gray dress. "Pwede ko bang isukat?"
"Oo naman." Masaya kong sagot at tinulungan siyang humanap ng size na kasya sa kanya.
"Sabi nila pumayat daw ako. Sabi kasi ni Isabel na subukan ko daw iyong beach diet para makahanap na daw ako ng boyfriend ngayong taon. Alam kong hindi ka interesado sa mga ganon." Vivian said.
Oo tama siya. I found her size and give it to her. Excited itong tumakbo sa fitting room at hinintay ko siyang lumabas.
Masaya akong dinalaw ako dito ni Vivian. I missed her. Mukhang mag eenjoy si Vivian na magsukat ng mga damit dito. Gusto ko din siyang tulungan na makahanap ng dress na bagay sa kanya dahil ayoko naman na magmukhang boring akong kasama para sa kanya.
"Piper."
What the-
Hindi iyon si Vivian. Tumunghay ako sa lalaking nakatayo sa gilid ko. Si Mateo.
May kung anong nagwala sa loob ko. Sinubukan kong huwag ito mapansin ni Mateo. "Anong ginagawa mo dito?"
"You've been avoiding me," he said.
Naka loose shirt ito at baseball cap and maong jeans. Bitbit niya ang susi ng kanyang kotse at mas lumapit pa ito sa akin.
Sumulyap ako sa fitting room. Shuta! Kinakabahan ako.
"I came to find you." Dugtong nito. Umatras ako palayo sa kanya.
"Ayokong magpahanap." Hindi ko alam kung biro ba iyong sinabi ko pero tumawa ako ng very light.
"Alam ko. Simula ng iwan mo ako sa party ni Liam ay iniwasan mo na ako."
"Hindi kita iniiwasan." Pagsisinungaling ko. "Baka hindi lang nag ko-cross ang landas natin."
"Impossible. I'm everywhere."
Wow. Napaka arrogante. Oo na. Ikaw na.
"So talagang hinahanap mo ako?" Tanong ko.
"Oo. You're a pain in my ass and suddenly you are gone." Sagot niya and I was surprised by it.
"A pain in your ass?" Ulit ko pa habang pinipigil na tumawa. Insulto iyon pero heto ako gusto matawa. "Ganun ba talaga ako sayo?"
He smirked. "You are a nuisance and an addiction. Hindi ka mawala sa isip ko. You make every situation ridiculous, but you've got your head on straight." his hazel brown eyes pierced through me with a passion, "I respect you and I need you to keep mine straight."
Hindi na ata tumitibok ang puso ko sa mga sinabi niya. Shuta! He was my addiction. Was I really his?
"Can we go back to how we were?" Aniya. "Kalimutan mo na iyong nangyari sa party ni Liam kung iyon ang dahilan ng pag-iwas mo sa akin. I won't do that again."
Humihingi siya ng tawad, pero sana hindi nalang. Hinding hindi ko makakalimutan ang gabing hinalikan niya ako. Never! Tumingin ako sa mga labi niya. SHuta! Tama na Piper! I don't want to trust him. Babaero ang lalaking nasa harapan mo. at hindi magbabago yon!
"I don't know why kissing you freaks you out but I'll back off." Patuloy niya.
Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko ng marinig ko ang salitang kiss pero lumapit ako sa kanya. Sobrang lapit like we're almost touching. His breath was on my cheek. His scent was in my nostrils.
I took a deep breath at tinulak palabas ng store si Mateo. Pinagtabuyan ko siya at saka ko nilock ang pinto para hindi siya makapasok pa.
He looked at me through the glass, confused but handsome as usual, "I said I respect you, Piper Cassandra! Hindi mo ako kailangan iwasan." Sigaw niya. Pinalitan ko ang signage ng Closed.
Parang tambol ang puso ko. Hindi niya dapat sinasabi iyon sa akin...
Wala akong masabi.. Grabe!
"Wow!" Ani ng boses mula sa aking likod. "If that was Mateo Axel Montemayor right now, care to explain?"
Tumingin ako kay Vivian. Kita ko ang pagkabigla sa mga mukha niya. Don't worry dahil maging ako din ay nagulat.