Chapter 17 - Stair Kiss

2953 Words
Late ako pero may mas late sa akin. Ang malala ay parang hindi siya late nang pumasok sa loob ng classroom. Samantalang ako kanina halos magmakaawa para lang papasukin ni Maam De Guzman.    He didn't even apologize for being late. Diretso lang itong naupo sa empty seat sa likod.   "Excuse me," Sabi ni Maam De Guzman, "Hindi ba sinabi ko last week na hindi ko itotolerate ang mga late sa aking klase."    "Wala ako dito last week." Sagot ng lalaking ngayon ko lang yata nakita dito sa klase. Kumportable itong naupo.   I literally stared at him along the entire exam. Kung si Mateo ay parang may magnet at hindi mo talaga maiiwasan na hindi tumunganga sa kanya, ganito din ang feeling sa lalaking ito. Brown hair partnered with his hazel brown eyes. Parang kay Mateo. Makalaglag panga din ang ngiti niya at ang tangos ng ilong. May maliit siyang hikaw sa kanang tenga.   "What's your name Mr.?" Tanong ni Maam de guzman. Magkasunod kaming nagpasa ng answer booklet.   "Khalid, transfer student." Sagot nito. Tumingin naman sa akin si Maam.    "I'll deal with you later, Piper. Huwag ka munang aalis."    Shuta! Akala ko lusot na ako sa pagiging late. Sinermonan ako ng very light ni Maam at pagkatapos noon ay nag proceed na ako sa susunod na exam. Hindi naman ako late pero bakit kung tumingin sa akin ang mga kaklase ko ay parang may ginawa akong krimen? Until I realized hindi pala sila sa akin nakatingin.    Assumera. Sorna.   Kay Khalid pala sila nakatingin na nasa likod ko. The funny thing is magkatabi kami ng upuan dahil iyon nalang ang available na upuan.    "Galing ka bang UB?" Tanong ko ng makaupo kami.   Tiningnan lang niya ako. Akala ko hindi siya sasagot kasi feeling close ako. Weird.   "University of the South." He answered. "Did you just randomly guess a school?"   Yes.   Bigla akong kinabahan sa kung paano niya ako titigan. May maliit itong tattoo sa apat na daliri ng kanang kamay pero hindi ko ito mabasa. Dahil ang awkward ng pagtitig niya sa akin ay dinampot ko ang libro ko at itinakip ito sa mukha ko at kunwaring nagbabasa.   Infairness ang bango ng pabango niya. Lakas maka gwapo.   "Piper."   Tumingala ako. Yayayain na ba niya akong magpakasal? Charot!   "Do you mind sharing? Hindi ko pa nabibili ang librong yan."    Ah.. Ok. Hindi niya ako yayayain magpakasal mga mars. Haha. Pero natandaan niya yung pangalan ko? Wow! Bago.   Inalis ko ang libro sa mukha ko. Our fingers touched. Dyos Ko mga mars. Namula ako. Bat naman ganon!   Inabot ko sa kanya ang libro ko. It's A Time for Mercy by John Grisham.   ---   Bumalik sa isip ko iyong party na sinabi ni Mateo kanina. Party daw ni Liam. Ano kaya ang susuotin ko mamaya?   Pwede kong gamitin ang 20% employee discount sa boutique de vera pero ang mahal pa din ng mga damit nilay kahit may discount pa. Mababawasan ang aking coffee allowance.    "Vivian." Malambing kong tawag kay Vivian ng makauwi ito sa dorm. "May dress ka ba na pwedeng mahiram?"   Madami akong dress at gown sa bahay pero hello? Bakit ko naman dadalhin iyon dito sa dorm. Syempre dinala ko lang lahat ng mga damit na komportable para sa akin. Umupo si Vivian sa study table niya at inilabas ang kanyang laptop.    "Para saan?" Balik niyang tanong.   "Para sa party. Gusto mong sumama?" Tanong ko ulit.    "Kaninong party?"    "Kay Liam."   "Yung nerd mong kaklase?" Boring niyang sagot. Natigilan naman ako. Nakalimutan na niya agad si Liam? O dapat binuo ko ang pangalan niya? May Liam din kasi akong kaklase at oo nerd nga din iyon.    "Bakit type mo ba iyong nerd kong kaklase?" Biro ko sa kanya.   Nasusuka itong tumingin sa akin. "Ikaw nalang ang mamili ng mga damit na gusto mo diyan sa cabinet." Aniya.   Hindi ko na ito inistorbo at naligo nalang. Pagkatapos ay namili na ako ng dress na pwedeng suotin. Bakit puro fitted ang mga ito? Para akong suman. Pinili ko itong peach dress na mala suman sa sobrang fit. Dahil backless ito ay pinatungan ko ito ng itim na jacket tapos pinartneran ko ng everyday sneaker ko na kulay black. Polbo at konting lip tint nalang. Sikip ng damit mga mars. Mataba na ba ako o sobrang hapit lang nito?   "Okay lang?" Tanong ko kay Vivian.   "Oo naman. Sexy mo dyan. Huwag ka ng magtali ng buhok. Let it down, girl." Suggestion niya.    May narinig kaming malakas na busina mula sa labas. Pareho kaming nakasilip sa bintana. Si Mateo.   "Sige aalis na ako." Paalam ko.   "Teka, kasama mo si Mateo? Bakit hindi mo sinabi agad? Sumama sana ako." Maktol niya.   Hindi ko na nagawang magpaliwanag dahil ang ingay ng busina ni Mateo. Nakakahiya sa mga nag-aaral o natutulog. Maaga pa.   His fingers were impatiently tapping the steering wheel. Huminga ako ng malalim ng makapag seatbelt ako. His hazel brown eyes landed on my face down to my dress and his jaw was literally dropped.   "You really dressed up for Liam's party." komento niya. It sounded like hindi niya ito nagustuhan.    "Bawal ba?"    "Ang pula ng lipstick mo."   "It's lip tint." Correction ko. Sinilip ko ang labi ko sa rear-view mirror. "Hindi naman masyado. Konti lang ang nilagay ko kanina eh." Angil ko.   "Italo mo yang buhok mo." Utos niya.   Yung totoo? Bakit nang o-okray Mateo? Pangit na pangit?    Inirapan ko nalang siya at saka itinali ang aking buhok.    --   Kalapit subdivision lang pala namin ang bahay nina Liam. Ang laki nito at naghuhumiyaw ang kulay puting pintura. Ang lalaki ng mga vase na kulay gold. Masasabi mo talaga na mayaman sila.    "Sigurado ka may party na nagaganap dito?" Tanong ko dahil ang tahimik. Wala man lang kahit anong sign na may nagaganap na party. "Nandito ba si Jewel?"    "Nasa condo nya. She is not interested to her brother's party." Sagot ni Mateo habang naglalakad kami papasok ng mansion nina Liam.   May babaeng kulay puti na ang buhok ang sumalubong sa amin. She's wearing a european like dress. Ang Classic ng music na pinapatugtog sa living room.   "Hindi kaya mali ang bahay na napuntahan natin?" Bulong ko kay Mateo.   "Hi Lola Gemma." Bati ni Mateo sa matanda.    "Ang gwapo kong apo, Maxel. Look at you! I can tell you're eating your broccoli and getting strong like popeye."    "Popeye eats spinach." Singit ko. Hindi ko sure bakit ang hilig kong umepal   "Sino siya hijo?" Tanong ni Lola.   "She's Piper, Lola." Pakilala niya sa akin. "Nandyan na po ba sina Liam?"    "Kanina pa." Sagot nito at naglakad patungo sa kanyang kinauupuan kanina.   "Akala ko ba senior college party ito? Bakit parang senior citizen party yata?" Naguguluhan kong bulong.    "Lola" tawag ni Mateo sa matanda ignoring me again. "Piper doesn't think this party is fun." Sumbong niya.    Kinurot ko siya sa tagiliran. Humalakhak ito at umiwas sa susunod kong kurot.   "Naku! Kayo talagang mga kabataan." May sasabihin pa sana si Lola kaso may tumunog na timer mula sa kusina. "Egg pie is ready!" Aniya at nagtungo na sa kusina.   "Let's go." Ani Mateo saka ako hinawakan sa kamay leading me down to the corridor.   Napatitig ako sa kamay niyang nakahawak sa akin habang naghuhumirentado ang aking puso.    HELP!   Ang lambot ng kamay nya. Inet!   "She's Liam's nanny." Tukoy niya kay Lola Gemma.    "Huh?" Nagulat ako. Shuta! Tanda na ni Liam para magkaroon ng nanny.    "Siya ang nag-alaga kay Liam at Jewel since day 1." Paliwanag niya.   Ganito ba ang feeling ng may ka holding hands? Eeeeh! Hindi ko na namamalayan ang nilalakaran namin. Tumingin ako kay Mateo, lutang na lutang dahil hindi ko na naiintindihan ang iba pa niyang sinasabi.   Tumigil kami sa puting pinto. Binitawan niya ang kamay ko at itinuro ang pintong iyon. "Welcome to the party."   "Party?" Kunot noo kong sabi.    Nasa basement kami kaya paanong may party sa loob niya? Edi na-suffocate kami sa loob.    "Nababaliw kana." Huminga ako ng malalim. "Alam kong maluwag na iyang turnilyo mo at alam kong darating ang araw na ito at nandito ako para tulungan ka." Lintanya ko. I'm offering help here.    Marami akong kilalang psychiatrist mga mars.    Umiling iling si Mateo sa sinabi ko. "Pumasok ka nalang."   Masama ko siyang tinitigan. Nababaliw na talaga siya. "No way! Oo, ayoko. Gusto mo ba akong ikulong dyan sa basement? Napaka childish bully move ha!"    "Hindi kita ikukulong sa basement, Piper." He sighed in disbelief.    "Okay fine. Pahingi ng stick tapos pakitawag si Harry potah!" I said in british accent ng banggitin ang pangalan ni Harry.   Mga Harry Potter fans lang ang makakarelate.    "Siguro kung papasok ka sa loob baka pati sasakyang walis ni Harry ay makita mo sa loob." Ani Mateo at sinakyan na ang trip ko.   Binuksan ko na ito at madilim sa loob. May dalawang torches doon tapos may sementong bato na pababa. May narinig din akong heavy music mula sa ibaba.   "May kulto ba dyan?" Bulong ko dahil baka marinig ako ni Lola Gemma. "Gusto ba tayong isali ni Lola Gemma sa samahan nila?"   Ang Creepy!   Mateo gave up rolling his eyes saka ito naunang pumasok. Sumunod naman ako at dahil natatakot ako ay kumapit ako sa braso niya. Nagsumiksik pa ako habang pababa kami.Scary!   Tahimik lang ito habang ako ay ninenerbyos na. Too much coffee ba ito? I felt his muscles flex under my touch. He is tensed.    Natetense ba siya dahil sa pagkapit ko sa braso niya?   Ramdam ko ang vibrate ng sahig sahil sa lakas ng music. May mga na dito. It’s a bunker.   "Maxel!"   Tawag sa kanyang na lalaking hubad. I mean walang tshirt. Naka board short lang siya at mamasa masa ang katawan. Hinawi nito ang mga taong nakaharang sa kanyang dinadaanan.   Tumango sa kanya si Mateo. "Ed."    Akala ni Mateo ay lalampas lang sa amin si Ed pero tumigil ito sa harap namin at nakipag fist bumped. Mas natitigan ko siya ng malapitan. Medyo mahaba ang buhok niya at magulo. May balbas din ito. Beard like a boss.   Inakbayan ako ni Mateo at tinulak ng bahagya sa unahan "Have you meet Piper?"    Ed looked over to me trying to recognize my face. Umiling siya. "Bago mo?" Aniya.   Kumunot ang noo ko. "Hindi ko alam kung paano sasagutin yung tanong mo, but I'm Piper." Pakilala ko.   "Hindi ko gets." Ed said at litong tumingin kay Mateo. "So, hindi ka bago ni Maxel?"    Walang sumagot sa amin ni Mateo. Makulit lang kuya? Lasing na siguro dahil hindi na makapag focus.    "Let's go. Inom tayong beer." Yaya niya.    He led us the way. Sumunod lang ako sa kanila. Basang basa ang sahig dahil sa pool. May mga nakabikining babae ang nandoon at nakikipag harutan. Madilim pero tanaw ko sila dahil sa ilaw ng pool.    Music blasted throughout the place. Wala masyadong pagkain dito, puro alak. Sana pala kumain muna ako bago umalis.   Inayos ko ang hapit kong dress.   "Mateo." Dinig kong tawag ng babaeng mala model ng bikini sa H&M kung maglakad palapit kay Mateo. Kita ko ang kamay ni Mateo na kumabit sa baywang ng babae at humalik sa kanyang pisngi.    "Chanel, this is Piper." Pakilala ni Mateo.    Bakit ang bait at ang sweet ni Mateo sa mga kaibigan niyang babae? Ganoon ba dapat?   "Hi." Bati ni Chanel sa akin. Napaka ganda ni Chanel at ramdam ko na gusto niya si Mateo.   "First time mo dito?" Tanong niya sa akin   "Yes. Hindi ko inexpect na may ganito sa basement." Admit ko.   Totoo. sino mag aakala na may Party venue dito sa basement. At ang lawak dito. Mala playboy mansion.   "Talaga?" Tumawa ito at binalik na ang atensyon kay Mateo, "Join us in the pool Mateo, Nandoon si Coco." Yaya niya.   Bago pa siya makasagot ay tumango na ako sa kanya bilang pag-payag. "You should go. Okay lang ako dito. Kukuha lang ako ng maiinom"    Masaya naman akong ininvite ako dito ni Mateo. Pero kasi hindi ko naman kilala ang mga nandito. Oo, gusto nga niya akong ipakilala sa mga kaibigan niya pero halata naman na hindi sila interesado sa akin. Ayoko din naman na maging sagabal para kay Mateo.    He looked at me. Confused. Marahil nagtataka kung bakit pinagtatabuyan ko siya. Hindi din naman niya ako pinigilan ng umalis ako para kunwari ay kumuha ng maiinom. He let me go.   So, ano nga ba ang ginagawa sa mga ganitong klaseng party? Any Idea?   Ibang party kasi ang dinadaluhan ko. I mean kasama ang pamilya ko. Usually ay birthday party or formal party ng mga kamag-anak at kaibigan ni Mommy.   Nag-ikot ikot ako dito at binging bingi sa lakas ng amplifier. It's echoing in my eardrums.   May babaeng umahon sa pool at bigla nalang nag twerk habang sinasabayan ang music. Yung movements niyang iyon ay nagsasanhi ng splash ng tubig. Marami siyang kasamahan sa pool at sa gitna ng crowd na iyon ay nandoon si Liam, may hawak na bote at pinasirit ang laman noon sa kanila.   "Excuse me." Sabi ko at ginitgit ang mga nakaharang sa dinadaanan ko.    Lumapit ako sa bar station at nag request ng light alcoholic drink. "Hello?"    Hindi ako pinapansin ng mga barista. Required ba na suplado ang mga barista?   "Sorry." Paumanhin ko ng may maapakan ako. "Pwedeng humingi ng light-"   "Why are you so annoying?" Iritang sabi ng babae ng humarap ito sa akin.   "Sino bang nagsama sayo dito?" Segunda ng baklang may makapal na makeup.   They stared at me, judging me like they knew me. Nahiya tuloy ako bigla. Naka swimsuit silang lahat tapos ako naka long sleeve dress. I know.    "She asked for a drink. Give her a damn drink."   Nakuha ng lalaking iyon ang atensyon ng mga nakaikot sa bar station. At sino naman kaya itong poncio pilato na pinagtanggol ako? Tumunghay ako si...   Khalid? Iyong transfer student from my History class.   "You backing her up, Khalid?" Tanong ng babaeng tinarayan ako kanina.   "Yes." He said in an obvious tone.   "Narinig nyo ba si Khalid?" Siniko nito ang baklang katabi. "Give her a drink."   May nag-abot kay Khalid ng vodka lime. "Here Khalid, sorry for the wait."   Hindi ito tinanggap ni Khalid. "I said, give her a drink"   Pagkasabi noon ni Khalid ay tumingin siya sa akin, forcing the guy handed me the drink directly. So no choice si kuya at inabot ito sa akin.   "Thanks." I said saka ako lumayo sa kanila.    Sumunod pala sa akin si Khalid, tumingin ako sa kanya kahit hindi ko alam kung ano ang sasabihin sa kanya to start conversation. Kinakabahan ako habang siya relax na relax. Humithit ito sa vape niya at tumingin sa akin. The smoke smell like a mint.   "Gusto mo?" Offer niya sa kanyang vape.   "I don't smoke." Agad kong tanggi.   Naka muscle tank top siya at board short.    "Aren't you hot?" Tanong niya.   No. You're the hot one Khalid.    Tinitigan niya ang katawan ko. Ngayon ko naramdaman na mainit nga. Nakakailang iyong titig niya dahil para niya akong hinuhubaran.    Kuya wag po!   "Uhm... Thank you nga pala kanina. Not many people do that for me."    "Really? Bakit naman e ang bait bait mo nga e. Good girl, you know." He said and sucked his vape. "Wala na masyadong kagaya mo sa panahon ngayon." Dagdag pa niya.   Umalingawngaw na naman ang panibagong tugtugin like there was a battle for DJ. Saglit pa kaming nagkwentuhan ni Khalid pero ng may tumawag sa kanya ay umalis na din ako. Tama si Khalid, ang init nga. Wala naman akong lakas ng loob para mag bikini kagaya ng mga babaeng nandito.    Inet! Tiis nalang. Basa na ako ng pawis. Para akong lumangoy sa pool. Naglakad pa ako ay sinubukan na iwasan ang mga couple na gumagawa ng milagro sa gilid.    Hindi na ako natutuwa sa pawisan kong katawan. Ang sikip pa nitong suot ko. Bahala na nga.   Umakyat na ako sa taas dahil baka bumulagta nalang ako doon sa sobrang init. Huminga pa ako ng malalim ng makaakyat ng tuluyan.   "Uuwi ka na agad?"    Si Mateo. Sumunod pala sa akin. Basang basa siya at tumutulo ang tubig mula sa damit niya. Naalala ko tuloy iyong moment namin sa pool doon sa campus. Yung muntik na kaming mag ki-   No. Noooo. erase.   Bawat hakbang niya palapit sa akin naaninag ko ng malinaw ang mukha niya. Madilim ang titig nito sa akin. Parang nakita ko na ang titig na iyan noon.   Sa campus pool...   Kinakabahan ako. Shuta!   "Aalis ka ng hindi nagpapaalam sa akin?" Aniya. "I want to show you how I could never be embarrassed by you."   His hand touched mine, at umakyat ang kamay nito sa braso ko. He gazed softly at me. Kakaibang pakiramdam ang naramdaman ko sa haplos ni Mateo. OMG! I cannot!   "You changed me for better, Viper."   Gusto ko siyang itulak si Mateo dahil napakalapit na namin sa isat-isa. Nakaka hypnotized ang mga titig niya at masyadong nakakalambot at kamay niya na nasa braso ko.   Pero gusto ko ang bawat haplos nya.   Slowly his finger tricked down to the side of my waist. Umatras ako dahil natatakot ako na ewan kaya tumama ang likod ko sa pader. His hand rested in my waist. He lowered his lips towards mine.    I can't breath. Pumikit nalang ako.    Ramdam ko na dumampi ang malambot niyang labi sa akin. His kiss is not at all the same as those movie stars, but one steeped in a passion that ignites. Mas lalo akong nanlalambot lalo na ng hawakan ni Mateo ang batok ko.    It was not my first time to kiss but this is different. Iba ang pakiramdam. Sinabit ko ang dalawa kong kamay sa batok ni Mateo and answered his kiss. Suddenly he’s kissing me harder, deeper, with a fervent urgent need I’ve never known before.   And at that moment, a bottle of champagne sprayed all over us.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD