"Okay..." Luke answered smoothly, "Kung hindi mo iyon nagustuhan, why didn't you deny it?”
Hindi ako nakaimik. Bakit nga ba? Lumipat siya sa sofa na nasa tabi ko at pinisil ang pisngi ko.
Bakit pakiramdam ko kinukuryente ako kapag dumadampi ang balat niya sa akin? Do we have s****l tension here right now?
Shuta! Nababaliw na ba ako?
Bakit ba kailangan nya gawing biro ang s*x? Bakit hindi na lang ibang reason ang ginamit niya?
Sinubukan kong iwasan ang mga mata niya. Tumayo ako at nagtungo sa counter dahil halos maubos na din naman niya ang kape ko ay o-order nalang ulit ako at uuwi na.
Yeah. That's it.
"What's your name?" Tanong sa akin ng barista.
Ang tagal ko ng naging suki ng coffee shop na ito hindi pa din ako matandaan ng barista na ito. Samantalang tandang tanda ko ang pangalan niya dahil sa nametag na naka pin sa kanyang poloshirt na itim.
I crossed my arms. "Seryoso? Halos dito na ako tumira noon, Mark. Classmate pa nga kita noong kinder tapos nagpalit pa tayo ng upuan noon." Lintanya ko. Narinig ko ang pigil na tawa ni Mateo sa likod ko.
Totoo iyong mga sinabi ko. Hindi ko na nga sinama iyong nililigawan niya ang kapatid ko.
Tumawa ito sa akin at tumango-tango. "Okay. Naging magkaibigan ba tayo? Dahil sigurado akong hindi kita naging ex."
I glared at him, "Whatever. My name is Fooled. Iyan ang ilagay mo." Inis kong sabi.
Nagkibit balikat ito at isinulat nga ang sinabi ko.
After 3 minutes, I took my 'fooled' mocha latte at lumabas na ng coffee shop.
Buti na lang at hindi na ako hinabol ni Mateo.
---
"Hi, Piper." Bati sa akin ni Vivian saka binuksan ang kanyang locker. "Sorry hindi ko naipagpaalam ang pag sleepover nina Wendy sa dorm ha. Nawala na kasi sa isip ko." Aniya.
Oo nga pala. Muntik ko ng makalimutan kung gaano kakalat sa dorm namin nang umuwi ako noong linggo ng gabi. Akala ko umuwi si Vivian sa kanila kaya umuwi na din ako sa bahay. Mukhang pinalayas lang ako nito para makapag party sila ng new found friends nya.
"Okay lang. Mukha namang nag enjoy kayo." Sagot ko. Hindi sa asar ako sa mga kaibigan niya pero ganun na nga. But I am still happy for her.
"Yes. Ginagaya nga nila ang ginagawa mo sa bintana ng tumambay si Mateo sa labas ng dorm." Kwento niya. Hilaw akong napangiti. Hindi ako proud, bakit kailangan gayahin? "Promise, next time I'll join you. Natapos mo na ba iyong kdrama na pinapanood mo?"
"Oo. Kaya nga naghuhumiyaw ang eyebag ko eh." Sagot ko at inayos ang aking bodybag.
"Sabay na tayo mamayang lunch. Si Jewel ba?" Offer nito. Ngumiti ako dahil ngayon na lang yata ulit kami sabay na kakain. "Pwede mo ba akong turuan mamaya sa calculus?" Dagdag niya.
"Sure. Busy si Jewel sa kanyang thesis. Itetext ko na din." Sagot ko at kasunod noon ang malakas na tunog ng bell.
Masaya akong makakasabay ko si Vivian kumain ng lunch. I missed her to be honest. Sinusubukan lang talaga niya ang best niya para maging parte ng tropang WIN. Hindi ko naman siya masisisi dahil sikat din naman sa campus ang tatlong bibeng iyon lalo na ang lider nilang si Wendy na nagsabi ng kwak-kwak...
Corny. Sorry na.
Buti nalang din naging busy ako simula ng maging interesado si Vivian sa mga bibeng iyong. Well, naging busy din ako dahil kay Mateo, dahil sa pagbabayad doon sa nasira kong laptop niya.
Natapos ang buong maghapon. Hindi naman ganoong toxic ang araw na ito which is good dahil ito ang unang araw ko sa Boutique de Vera. Tinuturuan nila ako kung paano gamitin itong computer kapag may nagbayad. Konting tour sa boutique at introduction sa mga damit and everything. Madali ko naman itong nakuha kaya plus point ako sa may ari.
Nag Vibrate ang cellphone ko habang naghihintay ng customer. Si Vivian: Nasaan ka? Hindi ako sinama nina Wendy sa lakad nila eh.
Agad ko siyang nireplyan na wala ako sa campus. Hindi ako makapag reply ng detalyado dahil may dalawang customer na ang pumasok.
So far ay hindi naman mabigat ang trabaho ko. Konting assist lang sa mga customer at konting pindot sa touchscreen desktop kapag nagbayad na sila. Konti punas sa mga muebles. Walis at mop ng sahig. Ganoon lang ang ginawa ko sa loob ng apat na oras. Tuwing closing lang din naman pumupunta dito sa tindahan ang may ari para ayusin ang sales sa maghapon.
"Piper, Pwede mo bang ilabas itong mga basura bago ka umuwi?" Utos sa akin ng may ari ng boutique.
Bitbit ko ang mga gamit ko at ang basura ng lumabas ako sa boutique. Itinapon ko ito sa malaking bakal na basurahan na nasa harap ng tindahan. Isang pamilyar na pickup ang tumigil sa harapan ko kasunod noon ay ang pagbubukas ng bintana nito.
Ang gwapo talaga ni Mateo kahit magulo ang buhok.
"Get in." Sigaw niya.
"Huh?" Ako na nagulat. Gusto niya ba ako isabay?
Hindi gaano kadilim ang tint ng kanyang sasakyan kaya kita ko ang dalawang babae sa passenger seat. Ang isa doon ay kapatid ni Mateo.
"Hindi na. Maglalakad nalang-"
"In Piper." ulit niya. "Masyado ng gabi para maglakad ka." Aniya.
Hindi na ako nagpakipot. Binuksan ko ang passenger door pero masamang nakatingin sa akin ang katabi ng kapatid ni Mateo na parang ayaw niya akong tumabi sa kanya.
"Dito kana sa unahan, Piper." Ani Mateo at tinapik pa ang upuan na tinutukoy niya.
Naupo na ako sa unahan at ramdam ko ang malagkit na titig ng babaeng nasa likuran ko at tama ako, they are staring at me when I look at them through the rear-view mirror.
Alam kong nagtataka sila sa presensya ko ngayon. The heartthrob in the campus doesn't give rides to girls like me. Mataas ang ego ni Mateo kaya hindi din ito basta basta nagpapasakay sa kanyang sasakyan. Maging ako naninibago din.
"Mahilig sa makeover project ang kapatid ko." Aniya "By the way, she's Ate Martha and Jessy her friend." Pakilala pa niya at nasa daan ngayon ang buong atensyon ni Mateo.
Maganda ang kapatid ni Mateo. Gaya nga ng sinabi ko ay isa siyang female version nito.
"Makeover project gaya ng?" Curious kong tanong.
"Social projects." Sagot niya.
"Like you." Singit naman ni Jessy.
"Like me?" Ulit ko pa.
Hindi naman ako madaling ma offend pero kinakaawaan ba nila itsura ko? Gets ko naman kung ang hot sister ni Mateo ay bored at gusto akong pagtripan. Like, from nobody turn into something attractive like them.
"Gusto ka nilang baguhin," He said, "Pero ayoko sana. I don't want you to change."
Paulit ulit nag play ang mga sinabi ni Mateo sa utak ko.
I don't want you to change.
"Ayaw mo?" Hindi ko makapaniwalang tanong.
Sumulyap siya sa akin. "Mas gusto ko kung ano ka."
Shuta! Ang puso ko! Tubig mga mars! Hindi ako makahinga.
Kalma lang.
"Enough Maxel." Ate Martha said in disgust.
"I'm sorry to interrupt our moment because it's the nicest thing you ever said to me and I literally died a little inside, pero kasi lumampas kana sa Coffee Grind... Hindi pa ako kumakain. Pwedeng ibaba mo nalang ako diyan?"
He stared at me na parang hindi makapaniwala sa segway ko.
"Pwedeng ihatid nyo muna kami bago kayo mag-date?" Singit ni Jessy.
"Yeah. We are not chaperones here." Agree naman ni Ate Martha.
So iyon na nga ang nangyari. Hinatid muna namin si Ate Martha sa kanyang condo, doon din nakatira si Jessy kaya hindi din kami nagtagal at nakabalik na kami sa Coffee Grind.
"1 Creamy carbonara, Vanilla latte and-" Lumingon ako kay Mateo na nasa likod ko.
"Cold Americano." Boring niyang sagot.
Nagtatakang nakatitig si Mark kay Mateo, ang baristang never naalala ang pangalan ko. Of course, everyone knew Mateo. Hindi lang siguro siya makapaniwala kung bakit nandito si Mateo kasama ako.
"Hello?" Kaway ko kay Mark para putulin ang kung anong tumatakbo sa isip niya kaya siya nakatulala.
"Okay. Gusto mo bang itry ang 2 shots ng espresso with choco mint in it? Free of charge na." Aniya. Ngumisi ito at tumingin sa akin.
Inaasar niya ba ako o si Mateo? gusto niyang 2 shots para matauhan kung sino ang kasama niya? Hindi mahilig si Mateo sa mga matatamis, base sa observation ko simula ng makasama ko siya kaya hindi niya kakagatin ang free of charge na choco mint na yan. Sana sa akin niya inoffer iyon.
"I'll have the Cold Americano." Sagot ni Mateo in a cold don't-ask-me-again voice.
Ilang pindot sa screen ang ginawa ni Mark tapos ay tumingin sa akin. "543 lahat. Are you paying together?"
"Yes. Ako na ang magbabayad." Sagot ko saka kinuha ang wallet ko sa aking bag, "Ibawas mo nalang sa Ipad."
Hinawi ni Mateo ang perang iaabot ko kay Mark saka inabot ang kanyang credit card. "Hindi iyan kasama sa deal natin. I don't let you pay for this."
Pinagtaasan ko siya ng kilay. "Ako na nag magbabayad, ako naman ang nagyaya di-" Umubo ang babaeng nasa likod namin ni Mateo. Naiinip na yata. "Sige na. Ako na ang magbabayad. May utang naman ako sa-"
"So the total bill is 543."
Masama akong tumingin kay Mark dahil sinira niya ang speech ko pero inabot ko pa din ang hawak kong pera na 550. Pagkatapos noon ay pumunta na kami sa bakanteng pwesto sa labas dahil puno na sa loob.
They served our orders after 5 minutes. Inabot sa akin ni Mateo ang isang cup.
"Paano mo nalaman na sa akin ito?" Tanong ko dahil hindi naman clear glass ang sinerved sa amin kung papercup.
"Sure ako na sayo yan dahil Fooled ang nakasulat na pangalan." Sagot niya at pinakita pa sa akin ang nakasulat na iyon.
Wow! So hindi nakalimutan ni Mark ang sinabi kong pangalan noong nakaraan. Tumingin ako kay Mateo, Nakangiti siya.
"Don't look at me as if I am the one who wrote that." Saway niya sa akin. "Kumain kana."
11 pm na ng makabalik ako sa dorm. Hindi naman ako sobrang pagod pero pagkatapos kong mag half bath ay nakatulog agad ako.
7 am ng magising ako at naamoy ko na ang pabango ni Vivian. Bihis na siya at paalis na.
"Mauna na ako, Piper. Maaga ang exam namin." Paalam nito at naglakad na palabas.
Naligo na din ako 8 am pa naman ang exam namin. Chill lang ako dahil may isang oras pa naman ako not until i smell something in the kitchen. Amoy bulok. Lumapot ako sa basurahan at nandon ang mga nabubulok na pagkain. Halos masuka ako. Grabe! Hindi man lang naitapon ni Vivian.
Okay. Hindi naman ako basurera pero kagabi pa ako nagbabasura.
Nilagay ko sa isa pang trashbag ang basura para hindi umalingasaw ang amoy nito kapag dinala ko sa baba.
Buti na lang at wala pang tao sa lobby ng dorm. Nagmadali akong nagtungo sa tapunan ng basura at hinagis ito doon. Pinagpag ko pa ang kamay ko saka kinuha ang suklay sa bulsa ko para ipagpatuloy ang pagsusuklay.
"Viper." Tumingin ako sa pumaradang sasakyan ni Mateo sa gilid ko.
Is it Deja vu?
"Get in. Tara na."
"Saan?" Tanong ko at tinago ang suklay sa bulsa ko.
"We're both late for school and you seem like the type to care." Seryoso nitong sabi.
Tumingin ako sa relo, he was right.
"Isasabay mo ako?"
"Aling part sa tara na ang hindi mo maintindihan?"
"Oo na. Teka lang, kukunin ko lang ang gamit ko sa taas. Hindi pa ka-"
"10 seconds, Piper." Aniya at nagsimula ng mag countdown.
Nataranta ako pero nakatunganga pa din ako kay Mateo na nakadungaw sa bintana, wearing his sunglass and fringe-up hairstyle. Gwapo! Namiss ko ang pagiging hubadera niya. Haha. Joke.
"9."
Patay. Taranta akong tumakbo paakyat sa kwarto.
Hingal na hingal akong naupo saka lumingon sa passenger seat. Baka kasi deja vu talaga at nasa likod ang kapatid ni Mateo. Inabot sa akin ni Mateo ang kape na binili sa coffee grind. May nakasulat na Viper sa baso so, akin ito?
"Thanks." Kinikilig kong tinanggap ang kape.
Caramel Macchiato. I inhaled the aroma of coffee to satiate my daily craving.
"Kailangan mo ng kwarto?"
Basag ni Mateo sa matinding moment namin ng aking kape. Pinapanood niya pala ako. Kung noon pa man ay weird na ang tingin niya sa akin, well... Confirmed. Char!
"Hindi na, late na tayo eh." Sagot ko habang nakatitig na sa oras na nasa dashboard. 8:10 na.
10 minutes late! Shuta!
"Ngayon concern ka na sa oras, samantalang kanina ay wala kang pakialam."
Binuksan ni Mateo ang screen monitor sa kanyang sasakyan at pinatugtog ang kanyang playlists. Binilisan nito ang takbo ng sasakyan ngunit dapat na bilis lang para hindi matapon ang kape na hawak ko. Syempre ayaw niyang matapunan ang maganda niyang sasakyan kaya naman kunwari ko itong natutuluan ng kape, like twice para lang mabwiset sya. I enjoy annoying him, like I used to do last camping.
Alam nyo ba kung bakit ako nag eenjoy? Kasi ito yung mga moments na hindi ko kailangan isipin na si Mateo Axel Montemayor ang heart throb, sobrang gwapong basketball at pinagkakaguluhan ng mga kababaihan ay kaibigan ko. Rare moments ito but special.
Pero sakit pa din siya sa ulo ko.
Tinigil ni Mateo ang kanyang sasakyan sa harap mismo ng pathway ng Medical department. "Pwede ka ng bumaba dito." Aniya
"Bakit? Para hindi nila tayo makita maglakad na magkasama?"
I saw him heaved out of sighed. "Para makahabol ka sa exam mo. It's 8:30 and counting."
"Shuta!" Bulyaw ko ng maalala ang exam ko. Taranta akong bumaba pero tumalsik ako pabalik sa upuan dahil naka seatbelt pa ako. Tinanggal ko kaagad ito at halos mag-dagasa sa pagtakbo.
"Piper." Tawag niya sa akin when he open the window, "Iniisip mo pa din ba na ikinahihiya kita?"
Tumigil ako at marahan na tumango. Why does he care what I think anyway?
"Kung ganoon, sumama ka mamayang gabi sa party ni Liam." He said. "You can meet my friends."
"Mamayang gabi?" Naguluhan ako. "Weekday ngayon."
He rolled his eyes. "Iisipin kong hindi ko narinig yan." Aniya saka nito pinatakbo ang sasakyan.