Chapter 15 - Foreplay

2662 Words
Namili ako ng mga pagkain ko bago bumalik sa dorm. Inayos ko pa ito sa pantry. Balak ko na magluto ng adobo ngayong hapunan so I texted Vivian kung dito ba siya kakain at agad naman niyang nag reply: Sorry, Piper. Wendy's having the girls over at her place. Gusto mo bang sumunod?   Bakit naman ako susunod? Para lang akong pumasok sa bahay ng mga tigre kung susunod ako. Hindi din naman ako invited.    Marami pa akong tatapusin na assignment eh. Have fun, Vivian.   Sagot ko at inilapag ang aking cellphone sa mesa para mag-umpisa ng magluto. Binuksan ko ang nips cookies na binili ko kanina at kinain ito habang naghihiwa ng bawang at sibuyas.   Wala akong inaasahan na bisita kaya nagulat ako ng may kumatok sa pinto. Pinagpagan ko ang printed pajamas ko at naglakad patungo sa pinto. I opened the door and OMG.   "Mateo?"   Nakatayo si Mateo sa labas ng pinto ko. Ang hot niya sa suot niyang hoodie jacket at maong jeans. He is contributing to global warming. Inet!   "Ang aga pa, bakit naka pantulog ka na?" Asar nitong tanong.   Ganito talaga kaming matatanda. Maaga matulog. Hindi ko nalang pinansin ang pang-aasar niya at pinapasok siya sa loob.    "Anong ginagawa mo dito? Nasa iyo na ang number ko diba? You could've texted me." Saad ko at dumungaw sa labas kung may nakakita ba sa pagpasok niya at ng wala ay isinara ko na.   "Oo nga."    "So bakit ka nga nandito?"   Dumako ang mga mata niya sa hinihiwa ko kanina. Nagtungo siya doon at naupo sa dining chair. Naiinis pa din ako sa kanya dahil sa huli naming pagtatalo noon sa school kaya huwag siyang feeling close.   "Hindi ko alam kung nakalimutan mo na kung paano mo sagasaan ang Ipad ko." Aniya at sinilip ang laman ng mga nasa paper bag . Hindi ko pa tapos ipatas ang mga iyon sa pantry. "Pero sinong mag-aakala na magkapitbahay pala tayo?"    "So?" I said, rolling my eyes. Hindi ko magets ang pinupunto niya.    "Damn, Piper. is this yours?" he leaned forward, staring at my colorful cookies.    Hindi ko alam kung bakit ako napahiya ng dahil sa cookies na iyon pero dinampot ko siya sa mesa at itinago sa ref.    "You don't need to match your cookies to your bike. Ano bang ginagawa mo sa buhay mo?" He laughed.    A familiar genuine laugh. Hindi ko makakalimutan kung gaano ito kasarap pakinggan.   "Sabihin mo nalang kung gusto mo ng cookies ko. Dami mo pang satsat."   "I want your cookie, but not that cookie." Pilyo itong ngumisi.    "Get out!"    Pinagtulakan ko siya habang mamamatay naman ito sa pagtawa. He grabbed my hands just to stop me from pushing him. Doon na lang din ako tumigil dahil ang awkward.    Hindi pumunta dito Mateo para bumisita o para mangamusta. Alam kong may sadya siya dito at iyon marahil ang utang kong ipad.    "May kailangan ka ba?" Diretso kong tanong. Tumango naman ito kaagad. "How much is this favor worth?"   "5000," sagot niya. "Let's go?"   Kumunot ang noo ko sa kanya. "Anong let's go?!" Singhal ko.    Bakit ang hilig niyang humingi ng favor in just short notice? Sarap sakalin. Hinila niya ako palabas pero lumaban ako dahil ayokong lumabas ng naka pajama. Baka mamaya ay kung saan na naman ako dalhin at pagtawanan na naman.   We arrived at Delgado Medical Center. Oo.    "Bakit tayo nandito?" Kinakabahan kong tanong. "Did you know that being here cost more than 5000?" I argued.   "Ibibili kita ng dinner pagkatapos." Suhol niya.   "Pero kasi-" Natigil ako ng bumaba siya ng sasakyan at kasunod noon ang pagbubukas ng pinto sa aking tagiliran saka niya ako pinilit na bumaba.   "Ayoko nga!" Kumapit ako sa sandalan ng aking inuupuan. "Uuwi na ako." I murmured.   Hawak niya ang binti ko ngayon. "Lalabas ka o bubuhatin kita?" Is that a threat?   No! Ayoko. Lagot ako kapag nakita ako ni Mommy. Isipin pa noon ay naglalakwatsa ako kasama si Mateo. Gaya ng banta ni Mateo ay binuhat niya ako palabas ng kotse at malakas na isinara ang pintuan.   "Sasama ka sa loob o bubuhatin kita hanggang loob?" Muli niyang banta.    "Oo na. Ibaba mo na ako!" Paiyak kong sagot. "Pahiram muna ng hoodie mo."    "Good." Aniya at hinimas pa ang aking ulo na parang aso.    Hinubad niya ang kanyang hoodie at inabot sa akin. I can smell Mateo in it. Napakabango. Sinuot ko ito at inilagay sa aking ulo ang hood. Umiiling nalang si Mateo habang pinagmamasdan ang itsura ko. Kinuha ko pa ang sunglass niya sa kotse para isuot ito kahit dis oras ng gabi.    Mukha akong gangster sa kanto na may sore eyes. Maluwag na jeans at malaking jacket with sunglass. Yow!   Alert ako sa bawat doktor at nurse na nakasalubong ko sa loob ng hospital. Hindi naman siguro nila ako makikilala no? Tumigil kami clinic na may nakasulat na 'Clinica Nutrition and Consultancy Services - Doctor Enrique Santibanez - Nutritionist'. Pagpasok namin sa loob ay may apat pa na pinto doon at doon siya sa Physical therapy department nagtungo.   "Bakit tayo nandito? Are you injured?" Tanong ko, trying to hide my concern.   "Hintayin mo nalang ako dito. Tatawagin nalang kita mamaya. Dyan ka lang sa may bintana" Utos niya at tinutukoy niya ang glass window na kita ang loob ng opisina. I saw some of the patient na tini-train ng kani-kanilang mga PT.   "What?!" Bulyaw ko pero nakapasok na ito sa loob.   Sinama ako dito para iwan sa labas. Shutah!   Naupo ako sa mga bakanteng puting upuan. Nanlaki ang mata ko ng makita si Jiro Chen na pumasok kasama ang nurse at busy sila sa hawak na clipboard. Sumulyap siya sa akin at pagkatapos noon ay pumasok na sila sa unang pinto sa kaliwa.    Bakit ako kinabahan? I'm sure hindi naman ako noon nakilala. Haha. Tumunog ang cellphone ko kaya agad ko itong dinukot sa aking bulsa at binasa ang text.   OMG! Natanggap na ako sa inapplyan kong trabaho! Hindi ito sa Coffee Grind pero is itong clothing  store sa isang strip mall malapit sa school. Minimum wage lang pero okay lang.    "Hey." Tawag sa akin ni Mateo.    Nakangiti akong tumunghay sa kanya sa bintana. "I got a job!" Masaya kong sabi. Muntik ko pang masagi ang hawak niyang clipboard.   "Saan?"    "Sa Boutique de Vera."    Natahimik ako ng makita ko ang isa pang text. Natanggap din ako sa samgyupsal restaurant sa parehong mall. Mas mahaba ang kailangan na oras pero mas malaki ang salary at may tips pa. So sino ang pipiliin ko?   Bumulong sa akin si Mateo, "Pretend like you're signing these and don't turn around."    "Hindi kaya tayo mahalata?" Duda kong tanong.   "It's okay. Kailangan magmukhang ikaw si Mommy kaya hindi nila dapat makita yang mukha mo." Tumingin ito sa akin. "Well, hindi din naman talaga nila makikita." Dagdag pa niya.    Anong okay doon? Hindi okay iyon kapag nabisto nila kami at mas lalong hindi okay kapag nalaman nila kung sino ako.    Tumingin ako sa papel na hawak ni Mateo at may pirma na doon. "Bakit hindi mo nalang papuntahin talaga dito ang Mommy mo? Wala ba siyang pakialam sayo gaya ng aking-" Hindi ko na ito itinuloy. She's still my mother.   "Ayokong mag-alala siya sa akin. Okay na naman ako." Sagot nito.   "That's for the doctors to say, Mateo."    "Hindi pwedeng madelay ang training ko dahil dito, ok?" Tukoy niya sa basketball training niya.   "Kahit na kaligtasan mo na ang nakasaalang alang dito?"    May dumaan na nurse kaya pareho kaming yumuko. "Pumayag na si coach dito." Mahina niyang sabi.   Tinulak ko sa kanyang dibdib ang hawak niyang clipboard at hindi ito pinirmahan. Hindi ko na din naman kailangan dahil pinirmahan na niya ito. Umatras siya at bumalik na sa desk. Pagkatapos noon ay lumabas na siya. Patakbo naman akong sumunod dahil ang lalaki ng hakbang niya.   "Sure ka bang okay ka lang?" Tanong ko ng makalabas na kami ng hospital. Worried lang ako na baka malala ang injury niya.   Sumakay na kami sa kanyang kotse. Mabilis niya itong pinaandar. Badtrip ba siya? Hindi niya kasi ako kinakausap. Kumain kami ng dinner sa samgyupsal restaurant na pinag-applyan ko. Malapit na kami sa dorm. He parked the car sabay kaming naglakad. Naagaw ng pansin ko ang magandang babae na nakatayo sa labas ng dorm nina Mateo. She's wearing a black cocktail dress revealing her long legs and black sneakers.   Ngumiti ito ng makita niya si Mateo. Tumingin naman ako kay Mateo ng mapansin kong sa akin siya nakatingin.   "She's my sister." Seryoso nitong sabi sa akin.   Parang female version ni Mateo ang kanyang kapatid. Sumenyas ako kay Mateo na tatawid na ako at tumango naman siya. "I'll see you tomorrow, Piper."  ---   Friday night ay umuwi ako sa amin dahil loong weekend at Holiday ng lunes. Nag volunteer ako kay Mommy na tutulong sa hospital para na din masanay na ako sa gawain doon. Doon din naman ang bagsak ko eh.   "Morning!" Bati ko kay Mommy at Macy. Nag-uumagahan na sila.   Umupo ako sa aking trono at sinaluhan sila sa masarap na agahan.    "Galing ka ba sa hospital noong huwebes, Piper? May nakakita daw sayo sa parking lot noong huwebes ng gabi at may kasama kang lalaki." Tanong ni Mommy. Halos hindi ko malunok ang isinubo kong garlic bread.    "Hindi po. Maaga po akong natulog noong araw na iyon." I lied at humigop ng gatas na nilapag ni Yaya Myrna.   Macy scoffed, "Of course, she's a grandma."   "Kailan ka pa natutong magsinungaling, Piper? We have CCTVs’." Giit ni Mommy. Kailan nga ba? Simula ng maging miserable ang pamilya natin? "Hindi kita pinag-aral para mag lakwatsa." Sermon niya.    Matagal ako bago nakapagsalita. "Actually, I was out and I was there." Pag-amin ko.    Kumunot ang noo ni Mommy. Tumawa naman si Macy.    "Sino naman ang magyayaya sayong lumabas? Don't tell me sa hospital pa kayo nag-date?" Tawang sabi ni Macy   "Si Mateo Axel Montemayor." Mahina kong sagot.   Parehong nakatitig sa akin ngayon si Mommy at Macy. Like they stared at me as if I am lying again. Muling tumawa si Macy at ganoon din si Mommy.   "Have some breakfast and get to the hospital." Ani Mommy habang umiiling. Mahirap bang paniwalaan ang sinabi ko?   "Kung hindi kita kapatid iisipin ko ay isa kang comedian o baliw. Go on Piper." Segunda ni Macy.   ---   Walking distance lang ang bahay namin sa hospital. Maaga pa naman kaya naisipan kong lakarin nalang ito. Exercise din at saka gusto kong dumaan sa coffee Grind. May branch din kasi dito malapit sa hospital. Coffee is life guys.   Hindi kumpleto ang araw ko kapag walang kapeng dumadaloy sa ugat ko. Haha.   Sabi ni Macy wala daw akong alam pagdating sa pakikipagrelasyon. Inungkat ko kasi kanina iyong nahuli ko siyang may kasamang lalaki sa kanyang kwarto. But I've been in a committed, monogamous relationship with coffee for the last 5 years.    Anyway, I ordered Coffee Americano.    I walked into the hospital with my coffee in hand. Masaya akong naglalakad habang kinakanta paulit ulit sa aking isip ang huling kantang napakinggan ko doon sa coffee shop.    I haven't fallen yet But I feel it comin' Tell me would it be too much to ask If you break it to me gently...   "Hey!"    Tumigil ako sa tawag na iyon. Tinusok ko pa ang tenga ko dahil baka guni-guni ko lang ang marinig ang boses ni Mateo dito sa Hospital ng ganitong oras. Before I turn back ay nasa harapan ko na siya.   "Mateo?" Gulat kong sabi. Muntik ko pang matapon ang mainit kong kape pero sumaboy na ang iba sa kamay ko. Shuta! Inet guys!   Agad na kinuha ni Mateo ang kape sa kamay ko at pinunasan ito ng towel niya mula sa kanyang gym bag.   Mateo's reflexes were insane.   "Thank you." Agad kong sabi.   Binawi ko na ang kape ko kay Mateo. Umakbay ito sa akin na ipinagwala ng aking puso. Tumingin pa ako sa mga nurse na nakatingin sa amin. Ako itong nahihiya sa ginagawa niya kaya inalis ko ang kamay niya sa balikat ko.   "Kinakahiya mo ba ako o nahihiya ka dahil kasama mo ako?" He muttered. I pursed my lips dahil nilapit pa niya ang mukha niya sa akin. Now I'm blushing.   Marahan akong umiling. "Hindi sa ganon. Ikaw ba hindi?" Balik kong tanong.   "Bakit naman?" Sagot niya. "Iniisip mo ba na ikakahiya kong ipaalam sa kanila na magkakilala tayo?" Dugtong niya. Ngumisi ito ng makita ang discomfort sa mukha ko.   "Whatever, Mateo. Wala naman akong pakialam." Pagsisinungaling ko.   Mas lalo itong ngumisi dahil hindi siya naniniwala sa sinabi ko. "Talaga?"   "Oo. Ikaw lang naman itong may paki sa sinasabi at iniisip ng iba dahil may image ka na inaalagaan." Sagot ko at lumayo sa kanya.   "So?" His dark eyebrows furrowed then he backed off.   Humakbang pa ito ng ilang beses sapat para makakuha siya ng attention mula sa mga tao na nasa lobby.   "Nag enjoy ako sayo kagabi."    SHUTA!   A nurse behind him dropped her clipboard. May mga nagbulungan, ang iba ay nakatitig sa akin. Lalo na ang mga nurse sa information desk.   "Huh?" Halos walang boses ang lumabas sa bibig ko. Did he just announce here that we had s*x?   Gusto kong ibuhos sa kanya ang kape kong hawak.    Nalaglag yata ang puso ko sa aking tiyan. G@go ka Mateo!    Nakuha niya pa talagang ngumiti sa ginawa niya? "A little less foreplay next time or I won't be able to last long."    I gulped. Gusto kong lamunin nalang ako ng lupa ngayon. Baliw kana Mateo.    "Alam mo hindi Physical therapist ang kailangan mo. Try mo ang psychiatrist!" Saad ko at nagmadaling maglakad.   Hinipo ko ang nag-iinet kong mukha. I wanted to murder him! Nakakahiya!    "Who's embarrassed of who now?" Pang-aasar niya ng mahabol ako.   Putang-   Mariin akong tumingin sa kanya at pinipigilan maging bayolente. Ngumisi ito at nag wave pa bilang paalam.    "Huwag mo akong subukan, Viper." Rinig kong sabi niya habang papalayo na ito. Fine! He won.    Ok. Pinatunayan talaga niya ang point niya? Fine. Wala siyang pakialam sa image niya. Kikiligin sana ako kung totoo eh, pero shuta, HINDI!   Tumakbo ako patungo sa opis ni Mommy. Anytime ay makakarating na kay Mommy ang kalokohan ni Mateo at alam ko naman na hindi siya maniniwala. Kanina nga hindi sila naniwala na kasama kong lumabas si Mateo, iyon pa kayang nag s*x kami? Haha.   ---   Okay na sana ang mag-hapon ko na pag tambay dito sa hospital kung hindi ko lang nahuhuli na pinagbubulungan ako ng mga nurse tapos tatawa. Nakaka-gigil mga mars. Maaga akong umuwi at hindi na sumabay kay Mommy dahil mamaya pa daw itong 10 pm makakauwi.    Dumaan ulit ako sa coffee grind. Tatambay nalang muna siguro ako dito. I ordered Mocha latte at naupo sa dulong upuan, reading my books.    I've been here for about an hours now pero hindi ko pa gustong umuwi. Mamaya nalang siguro. Dito ko na din balak mag hapunan. Nilapag ko ang libro ko at humigop sa aking mocha latte habang nakatitig sa labas mula sa glass wall na pader na nasa gilid ko. Nangalumbaba pa ako habang enjoy na pinapanood kung paano magharutan ang dalawang magkasintahan sa labas habang pinapakinggan ang mapanakit na kanta ni Moira. Walang forever!   Bitter.   Pero literal na naging bitter ang mukha ko ng makita ko kung sino ang lalaking umupo sa katapat kong sofa. Bumalik lahat sa utak ko iyong kalokohan niyang ginawa kanina. Nagpapalpitate ako. Nasobrahan na yata ako sa kape.   "Ano? Mag-aannounce ka din ba dito?!" Inis kong sabi. Padabog ko pang nilapag ang mocha latte ko sa mesa.   He smirked. "I was proving a point." Aniya at dinampot ang kape ko saka ininom.    "Binubwiset mo talaga ako no?"    "You enjoyed it."    "I did not! You lied and said we had s*x in front of the hospital. Our hospital!" Sagot ko at medyo tumaas ang boses ko sa inis.    The old lady at the next table looked horrified hearing what I've just said. Sorry na agad.   "Okay..." Luke answered smoothly, "Kung hindi mo iyon nagustuhan, why didn't you deny it?"   
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD