Bago ako umalis ng bahay ay ipinaalam niya sa akin na she already sent my allowance in my account. Alam ko iyon dahil may natanggap akong notification. She sent me enough money for my daily expenses at alam kong kaya sakto lang ang binibigay niya ay dahil naglaan lang naman siya ng pera para sa pag-aaral ko at hindi para sa mga iba ko pang gusto. Sanay na ako. Kaya last week ay naisipan ko din na mag apply ng part time job, pero wala pang tumatawag sa akin.
Wala din kasing nangyari sa science club na sinalihan ko. Ang sabi ni Vivian ay magkakaroon ako ng extra income kung sasali ako doon dahil siguradong marami ang magpapatutor sa akin but what happened was the opposite of it. No one wants to be tutored by me.
"Paalis ka?" Tanong ko kay Vivian dahil bihis na bihis ito.
Napansin ko, simula ng magkaroon ng ibang group of friends si Vivian ay nadadalas na ang pag-iiba sa pananamit niya. Uso na ito palagi. Ganoon ba kapag may bagong mga kaibigan? Nahahawa ka sa porma nila? Ano bang feeling ng may barkada?
Sumandal ako sa bintana at pinapanood siyang maglagay ng makeup. Napapasulyap naman ako paminsan sa bintana at sumisilip sa kabilang dorm. Alam kong wala doon si Mateo, nakasanayan ko na lang siguro na laging nakatingin sa kabilang dorm.
"Oo, may night out kami with the girls. Gusto mo bang sumama?" Sagot niya habang naglalagay ng lipstick sa labi.
"Hindi na. Dito nalang ako." Tanggi ko at dinampot ang cellphone ko dahil may nagtext.
Sumagot na iyong seller na pinagtanungan ko ng second hand na bike. I paid it already at idedeliver nalang daw dito at ito na nga, nagtext siya na nasa ibaba na daw siya.
"Labas lang ako. Nandyan na iyong bike na binili ko." Paalam ko kay Vivian saka nagmadaling bumaba.
Halos hindi ako makalapit ng makita ko ang bike na nasa harapan ko. Ibang iba ito sa picture na nakaupload sa f*******:. Kulay black iyong nandoon at ang nasa harap ko ay kulay pink. May unicorn na sticker pa. I can't believe it! Luminga linga ako para hanapin yung seller pero wala na siya. I tried to contact her pero mukhang naka blocked na ako maging sa kanyang f*******: account. SHUTA!
So I don't have a choice kundi gamitin ang pink kong bike papunta sa school. I'm wearing my loose jogger and loose gray shirt at itim na sneaker, ponytail na buhok at body bag na sobrang bigat dahil ang daming libro sa loob. Walang kabuhay-buhay ko na ipinark ang napaka fashionable unicorn bike ko at hindi na nag-abala pang ikadena ito dahil... Shuta! Wag na tayong naglolokohan, sino ang matinong istudyante ang magnanakaw nito?
It was a busy day. Sumakit ang ulo ko sa quiz and lalong lalo na sa biochemistry. Daig ko pa ang nagkaroon ng brain hemorrhage. Bitbit ang makapal kong libro ay tinahak ko ang napaka habang pathway ng university. May dalawang babae na naglalakad sa unahan ko, noong una ay wala akong pakialam sa kanilang pag chichismisan until I heard who they are gossiping about.
"Nakita mo ba iyong bagong upload ni Liam Iglesias sa IG?"
"Oo naman. Ang gwapo talaga ni Liam at Mateo. Nasaan ba sila? Hindi naman sa Northville court iyon eh."
"May Training sila sa South at ayon sa reliable source ko ay nagkakamabutihan daw sila ng anak ni Coach Alonzo."
"What?! Seryoso? Wala pang 3 months ng mag break sila ni Tricia diba?"
"Ano ka ba! Wala sa dictionary yan ng mga playboy."
Nag-overtake na ako sa dalawang chismosang mga anak ni Marites. So may bagong target na naman pala itong si Mateo. Ano kayang itsura nang anak ni Coach Alonzo ba iyon? Maganda din ba siya gaya ni Tricia? I laughed at my own question.
Of course Piper! Alangan naman na kasing pangit mo?
I argued with myself.
Nadaanan ko ang isang room na puno ng mga students para bang abala sila sa kung ano. Dahil malayong kamag-anak ko si Aling Marites ay lumapit ako. Nakatayo ako ngayon sa pinto. May banner sa may blackboard at nakasulat na Welcome back Northville Basketball Team.
Northville Basketball Team?
Babalik na sina Mateo?
I was not meant to be here but it's too late dahil naghiyawan na ang mga tao sa loob. I heard the party popper popped at sumabog pa sa mukha ko ang iba. Nagkakagulo sila patungo sa pintuan kaya agad akong umatras. Sinubukan kong umalis pero naipit na ako. Hindi ba nila alam na may tao dito sa pinto?
May naatrasan akong matigas na bagay pero sigurado akong hindi ito pader. It's a muscular body at hindi ko na kailangan pang lumingon para kumpirmahin kung sino ito. I've bumped into that body a couple of times before.
Isang mainit na hininga ang dumampi sa tenga ko. "Hindi ko pa nakakalimutan ang utang mong ipad." Bulong ni Mateo.
Nagwawala ngayon ang puso ko sa sobrang kaba.
Piper, Si Mateo lang yan. Kalma ka lang.
Humarap ako sa kanya. Bakit ang gwapo? I traced his chiseled bone structure with my eyes, going all the way down to his smooth, pinkish lips.
He licked his bottom lip and smiled.
I gulped and looked away. Baka saan pa mapunta ang makasalanan kong mata.
"Okay ka lang, Viper?"
Kinakabahan ako at hindi ko alam kung bakit. Si Mateo lang kasi itong kaharap ko.
"Baka pipi." Ani ng babaeng nasa likod ko.
Hindi ko na nagawang sumagot pa dahil pumasok na sa loob ang ibang ka team ni Mateo. May umakbay sa kanya kaya sumabay na din ito sa pagpasok sa loob. Hinabol ko nalang siya ng tingin habang nagkakasiyahan sila. Care to invite me?
Nah! I know it was a clear sign. Naglakad na ako palayo. Marami pa akong kailangan tapusin na projects and documentation.
---
I open my locker and literally wanted to bury my head inside like an ostrich. I groaned. Nagkalat sa paligid ang picture ko na sakay sa akin unicorn bike.
Saya nila. Kakainis!
Iyong picture ko noon sa hiking na halos hubad na ay madaling na-i-takedown sa tulong ni Mateo and I'm grateful dahil hindi ito tuluyang kumalat sa buong campus. Hindi din ito umabot sa pamilya ko dahil siguradong mag-uusok ang tenga ko sa maririnig ko na sermon mula kay Mommy.
"Piper." Tawag sa akin ni Vivia.
Isinara ko kaagad ang pinto ng locker at nakasimangot na tumingin sa kanya. Palapit na siya sa akin ng tawagin siya ni Wendy, iyong bago niyang grupong sinasamahan. They called their group WIN, Wendy - Isabel - Nina. So kapag isinali mo si Vivian sa kanila ay hindi ko na alam kung paano ito basahin.
Hilaw na ngumiti sa akin si Vivian at pagkatapos noon ay sumama na sa kanila at hindi na lumapit pa sa akin.
"Hindi ba siya iyong sinasabi kong niloko ni Jonas?" Malakas na tanong ni Isabel at alam ko naman na ako ang pinaparinggan.
And yes. Ako nga.
"Si Mateo!" Biglang kinilig ang tropang WIN sa pagdating ng kanilang kinababaliwan.
Hinubad ni Nina ang suot niyang cardigan para ipakita ang kanyang cleavage. I rolled my eyes. Nagtitilian na ang mga kababaihan sa hallway. Bitbit ni Mateo ang itim niyang gym bag at kasama niya si Jimmy at Aaron.
Huminga ako ng malalim.
Okay si Mateo lang yan. Huwag kang kabahan. He's approachable now than before dahil kahit papaano ay may pinagsamahan na naman kayo.
Yes. I cheer myself up.
Nakangiti akong nag wave sa kanya. Nagtama ang paningin namin sanhi ng pagbilis ng t***k ng puso ko, He was walking towards me...
And then he walked right past.
Napawi ang ngiti ko. Nagmukha akong tanga. Baliw. Feeling close. Ibinaba ko ang kamay ko at yumuko.
Narinig ko ang tawanan ng WIN girls except Vivian na naiilang sa pagtawa ng mga new found friends nya.
"Masyadong naging ilusyonada! Napansin lang ng konti umasa na agad. Mateo would never look twice at you." Ani Wendy.
Uminit ang ulo ko sa sinabi nya... Mateo had looked twice at me noong napa-away kami sa beach for Pete's sake!
Whatever!
He's a jerk after all.
--
After class ay sabay kaming nag lunch ni Jewel pero nauna na siyang bumalik sa klase samantalang ako ay nagpapalipas pa din ng oras dito sa cafeteria, drinking my coffee. May lalaki na nakaupo sa katapat kong upuan at nagbabasa sa kanyang History book. He doesn't care about my existence, ako din naman. Chance ko na din tingnan ang email ko kung may sumagot na ba sa mga inapplyan kong part time job. Sa dami kong inapplyan ay sana matanggap ako sa Coffee Grind dahil mas mag-eenjoy ako doon. Who wouldn't love coffee, right?
"He's here" Kinikilig na sigaw ng nasa kabilang table. Kung maka sigaw parang announcer ng barangay. Nandito ba si kapitan?
Tumingala ako para tingnan ito. Marites blood within me is alive.
Ah... Si Mateo lang pala.
Naglakad ito patungo sa likod ng lalaking nakaupo sa harapan ko at pinaalis na para bang siya ang may ari ng upuan na iyon.
Masama akong tumingin sa kanya at hindi makapaniwala na ginawa niya iyon.
"Hi, Mateo." Malanding tawag kay Mateo ng babaeng announcer ng barangay kanina.
"Hi." Bati nito at kumindat pa. Wow!
Nagiinit bunbunan ko dahil naalala ko kung paano niya akong hindi pinansin kanina. Porque maganda itong announcer ng barangay.
Umirap ako kay Mateo. Dinampot ko ang aking mga libro at naglakad palayo.
"Viper." Tawag niya sa akin. Hindi ko siya pinakinggan.
"Piper!"
Kahit pa tawagin mo ng tama ang pangalan ko ay wala akong pake!
"Hey, Hey!” Habol niya sa akin at pinigilan ako sa paglalakad. "May problema ba tayo?"
"Wow! At ngayon napapansin mo na ako. Samantalang kanina ay invisible ako sa paningin mo." Inis kong sabi.
"The real Piper I know." Wika niya at ngumiti. "Always wear that attitude." Dagdag pa niya.
"Huwag mo akong subukan."
"You know I will."
I crossed my arms yakap ang mga libro ko. Edi subukan mo!
"Ano bang kailangan mo?" Inis kong tanong.
"Yung number mo."
Lumuwag ang pagka kayakap ko sa mga libro ko. I couldn't hide my surprise.
"Give me your number." Ulit nya.
Inilahad niya ang kanyang cellphone sa harap ko.
"Relax. I'm not flirting with you. May utang ka pang Ipad sa akin and I'm going to cash in on it." Paliwanag niya.
Tinitigan ko ang kanyang cellphone. Oo nga no? Hindi pa kami nagpapalitan ng number? Anyway, who cares? Nobody care. Hindi ko lang inaasahan na si Mateo pa ang unang hihingi ng number ko. I typed my number and he saved it.
"Itetext kita kapag may kailangan ako."
"Shuta!" I growled at nagpatuloy sa paglalakad. Tumigil lang ako sa harap ng bike ko.
Gusto pa yata akong gawing utusan. It's so cliche Mateo.
Hinawakan niya ang palapulsuhan ko at iniharap sa kanya. "What's with the attitude? May deal tayo, hindi ba?"
"Oo at wala sa deal natin ang gusto mong mangyari!"
"Ano bang sinasabi mo?"
Inalis ko ang kamay kong hawak ni Mateo at sumakay sa bike. Inilapag ko pa ang mga libro ko sa basket na nasa unahan ng aking unicorn pink bike.
"Alam mo... Ang g@go mo kasi. Ang g@go mo sa teacher natin kanina, pati doon sa lalaking inagawan mo ng upuan. Ang g@go mo talaga! You ignored me when I tried to say hi kaya huwag kang umakto na mabait sa harap ko kapag walang ibang nakakakita!" Bulyaw ko sa kanya.
Napanganga siya sa mga pinagsasabi ko saka pigil na tumawa. G@go talaga!
"Hindi kita nakita kanina." Convince nito sa akin. "You're not exactly the type of girl I'm used to remembering." Dagdag pa niya.
"Akala mo ba magiging okay ako sa sinabi mo?! G@go ka talaga Mateo!"
"Okay fine. Poor choice of wording." He admitted. “Pero may kasalanan ka din sa akin. You said you checked in room 205. Alam mo bang napahiya ako?”
Natigilan ako. Umirap ako sa kanya, ignoring his last words. Hindi ko na kasalanan iyon.
"Ewan ko sayo!" Sigaw ko sa sobrang inis at aalis na sana pero humarang siya sa dadaanan ko.
And now he noticed my unicorn pink bike. Tinitigan niya ito at saka tumingin sa akin.
"Bike mo yan?"
Nakakaasar talaga!