Tumakbo ako palapit sa kanya at sa pagmamadali ko ay napatid ako sa ugat ng malaking puno kaya napaluhod ako at kung hindi nya ako nasalo ay sumubsob na ako sa lupa. Yung lakas ng impact ng pagkakatumba ko ay dapat natumba na din sya pero hindi man lang sya natinag. With one arm he kept me steady, not even looking at me.
“Ano bang nangyari? Naatrasan ba kita? Okay ka lang ba? Anong masakit?” Worried kong tanong at sobra akong nagpapanic.
“Hindi ko sinasadya. I know how to drive, hindi lang kita nakita kanina. Never pa akong nakabangga… I mean nabanga ko noon ang mga halaman ni Mommy but it’s because I tried to avoid our cute little dog. Oh my God, I can’t believe this.” I was practically hysterical now.
May mga nakakita na sa amin at umagaw na ito ng atensyon. Lahat sila nakatingin sa amin. Ang iba naman ay kinukuhanan kami ng picture. Nahihiya siguro si Mateo na makita kaming magkasama. Tumingin ako sa kanya at wala akong makitang ibang emosyon mula sa kanya. Nakatulala lang sya.
Pinilit kong kumalma at huminga ng malalim. Wala namang tao sa ilalim ng kotse kaya wala naman siguro akong napatay?
“Tapos kana?” Hinintay nya akong kumalma bago sya magsalita.
His voice… Shuta! Bakit parang nakakaakit pakinggan? I instantly and literally calmed down. I am so close to him. Grabe! Ang heaven sa pakiramdam.
“Uhm… Ah… Kasi… Ano…” Sumuko na ako sa pagsasalita dahil nabuhol na yata itong dila ko.
“Naatrasan mo yung bag ko and I think you broke my ipad.” Paliwanag nya.
Kahit papaano ay nakahinga ako ng maluwag. So hindi ko sya naatrasan? Ang sobrang OA ko lang kanina? Well, hindi naman sobra. Konti lang.
“Hindi ko talaga sinasadya.” I said, “I swear marunong akong mag drive. Naiwasan ko nga yung aso namin dati eh.”
Tinakpan nya ang gwapo nyang mukha ng kanyang kamay at napapikit. "How is that story even a story?”
“Well, kung nandoon ka lang ng mga panahon na iyon edi nakita mo at humanga ka sa pag-iwas na ginawa ko.” Sagot ko.
“What’s your name again?”
Natigilan ako at napalunok. Gosh! He asked my name.
Napailing ito ng mapansin ang reaksyon ko ng tanungin nya ang pangalan ko. Nakakahiya!
“Look, I don't care. Pwede bang bumalik kana sa sasakyan para makuha ko na ang bag ko at ng makaalis na.”
Hinding hindi talaga magiging interesado sa akin si mateo. Halata naman nung malaman palang nya na ako ang magiging roommate nya. Naging isang malaking asungot tuloy ako sa kanya ngayon.
“So…”
Nakakasama ng loob. Bumalik na ako ng kotse at pinaandar ito. Gaya ng sinabi nya kanina, dinampot nya ang bag nito saka naglakad palayo. Napaka mahiyan kong tao. Introvert. Hanggat maaari ay ayokong ako ang nauunang mag approach sa isang tao pero… I have to be brave like a lion.
Lion? Haha.
“Wait!” Tawag ko sa kanya at binagalan ko ang takbo ng kotse ng matapat na ako sa kanya. Patuloy naman sya sa paglalakad na parang walang narinig. “Mateo!” Tawag ko ulit. He stopped and confused. Bumaba ako ng kotse at lakas loob na lumapit sa kanya. “You didn't let me say sorry. Hindi ko sinasadya. It was an accident.”
He sighed. Inayos nya ang pagkakasabit ng kanyang bag sa balikat nito. His muscle is so prominent because of his fitted gray T-shirt. “Fine. Don’t try to be nice just to get my attention. Just stay away from me. Pare-pareho lang kayong mga babae.” Aniya at naglakad muli.
Pare-pareho? Siraulo ba sya? Nag sosorry ako, anong connect?
“Hoy!” Bulyaw ko. Hindi ko alam kung saan ko nahugot ang lakas ng loob ko ngayon. “I’m trying to apologize pero ang dami mo na agad nasabi! Wala akong pakialam kung sino kang VIP dito. Babayaran ko yang ipad mong nasira ko.”
Tiningnan nya ako mula ulo hanggang paa. “I doubt that.”
Tangin@!
Sorry.
Hindi ako mapormang tao… Pero mukha na ba talaga akong pulubi? Gag0 to’ ah! Tiningnan ko sya ng masama. Kulang nalang may lumabas na laser beam sa mata ko.
“Judgemental! Huwag kang mag-alala dahil babayaran ko yang ipad mo kahit hindi mo deserve. Sino ba naman kasing tanga ang nag iiwan ng bag doon at the first place? That was so stupid of-”
“Is this an apology or an insult?” Putol nya sa sinasabi ko.Umirap ako sa kanya.
“Hindi ba pwedeng pareho?”
“You broke my iPad and cursed me out? Now, who’s stupid?” He turned his back on me at naglakad sa opposite direction na tinatahak nya kanina.
“It was your fault!” I yelled out.
Ugh! Fine! I screwed up! Babayaran ko pa rin yung IPad nya kahit na isa syang malaking JERK!
--
Minsan ang buhay parang gun revolver. Hindi natin alam kung kailan natin paiikutin ang cylinder. Gaya na lang ngayon... Nandito ako kasama ng ilan sa mga campers. Ang init-init kahit gabi na pero mas nakakapag init ng tenga itong mga naririnig ko sa kabilang kumpol ng mga kababaihan.
Mateo Axel Montemayor.
Ang lalande! Sarap pag babarilin. Nagkakasala ang tenga ko sa mga naririnig ko. Sorry na po! Ang halay kasi ng mga tanungan nila. Like... Ano ba daw ang suot ni Mateo kapag natutulog? Kung giniginaw ba daw si Mateo kapag natutulog ng walang damit? Shuta! Meron pang isang bakla ang sabi kung makakatabi daw nya si mateo ngayong gabi ay daig pa nya ang nag live screening ng magic mike?
Shuta kayo girls. Na curious din tuloy ako. Haha. Lumayo na ako sa kanila bago pa tuluyang mahawa sa kahalayan nila. Naglalakad ako pabalik sa building. Doon nalang siguro ako maghihintay ng hapunan sa kwarto. Para mabigyan ko na din ng kasagutan ang mga tanong ng mga malalantod kanina. Haha. Char!
I took a deep breath.
"Anong amoy yun?" Sambit ko.
"Nature."
Nagulat ako sa biglang pagsulpot ni Mateo. Parang kabute. Sabi nya kanina layuan ko sya pero sya itong nandito ngayon sinasabayan akong maglakad. May ilang mga estudyante ang nagmamadaling tumakbo pabalik ng building. Muli akong huminga ng malalim.
"No. I really smell something." Giit ko.
"Hindi ko na problema kung may iba kang naamoy. Try mo maligo."
Inamoy ko tuloy ang sarili ko. Amoy baby cologne.
"Pwede bang umayos ka kahit ngayon lang?" Pagtataray ko sa kanya. Kairita. Pasalamat ka at gwapo ka.
"Maayos naman ako ah?" Pilosopo nyang sagit.
Ugh! Mateo.
He's wearing white sando, black short and black running shoes. Hindi maipagkakaila na athlete ang mokong. Malimit ko syang makitang pumorma ng ganito kapag sinusulyapan ko sya mula sa bintana ng aking kwarto. I know, I sound creepy.
Iba din talaga ang nagagawa ng magandang mukha no? Alam ba ng mga tao kung gaano ka feeling entitled, arrogant jerk ng lalaking ito? O baka naman sa akin lang sya ganito?
“Sunog! Tulong!” Sigaw ng isang babae mula sa first floor. Kung hindi ako nagkakamali ay sya yung nasa room 3. Sabi ko na nga ba amoy may nasusunog eh.
Tumakbo kami para tumulong. Tumigil si Mateo sa harap ng pintuan at tumitig sa naka engraved doon at hindi pinapansin ang babaeng himihingi ng saklolo. “Tortillos?” Sambit nya tapos ay tumingin sya sa ibang pinto, maging sa pinto ng kwarto namin. “Doritos?”
“Bawat group ay sinunod sa pangalan ng chitchirya.” Paliwanag ko habang pinagmamasdan ko expression ng mukha nya na nandiri.
“Tulong! Please? Tulong! May sunog!” Sigaw ulit ng babae at sa amin na ito nakatingin ngayon.
“Patahimikin mo nga ang babaeng yan.” Iritado nitong utos sa akin saka naglakad patungo sa kwarto namin. Like what the hell?
“Baliw ka ba? Humihingi ng tulong yung tao.” Hindi ko makapaniwalang bulyaw sa kanya. Well it’s too late dahil tumakbo na yung babae sa tabi ko.
“Kaya mo na yan.”
“Seriously?” I scoffed.
“Be kind to neighbors.” Habol pa nyang sabi bago isara ang pinto ng kwarto.
Tumingin ako sa babae at ngumiti. Nakita ko ang pagbabago ng expression ng mukha nya. Sumimangot pa ito.
“Ano bang nasusunog? Halika may fire extinguisher akong nakita dito malapit sa main door.” Taranta kong sabi. Hinila ko sya para samahan ako pero hinawi nya yung kamay ko.
“It’s okay. Marshmallow lang yung nasusunog.” Malamig nyang turan saka ito nagmartsa pabalik ng room 3. Naiwan akong nakatulala ngayon.
G@go!
Issaprank ba ito? Tengene! Wala ako sa sariling lumabas ng building. Masisiraan yata ako ng bait ng dahil sa camping na ito. Shuta!
--
Finally! Yes! Dinner time! Palapit palang ako sa mess hall ay may grupo ng estudyante ang lumampas sa akin na parang ipo-ipo habang binabanggit ang mga gusto nilang kainin. Excited din silang kumain gaya ko.
Pabagsak akong naupo ng nakakita ako ng bakanteng upuan. Nakakapagod na araw. Konti lang yung activities na sinalihan ko pero mas napagod ako sa mga weird kong nakakasalamuha dito. Pakiramdam ko ang haggard ko na. Hindi masyadong masarap ang mga pagkain pero pwede na. Nabusog naman ako. Inikot ko ng tingin ang paligid.
Nasaan kaya si Mateo?
The best team mate ang lalaking yun eh. Yung tipong oras ng kapagsubukan bigla nalang mawawala. Ayos no? Baka naman alam nyang baliw yung babae kanina kaya hindi nya ito pinansin? Malay mo nga naman no?
Lumabas ako ng mess hall at huminga ng malalim. Fresh air. Napapalibutan kami ng mga puno. Ang gaan sa pakiramdam.
Nagtungo ako sa wooden veranda ng building na matatagpuan sa likurang bahagi nito. Napapalibutan ng halaman ang railing ng veranda na bumagay sa design nya. Iyon nga lang mahina ang ilaw dito. Pinapanood ko ang ilang campers na nagkakasiyahan sa labas. They were drinking beer and chilling together. Wala man lang makaalalang yayain ako.
Nakita ko si Mateo sa gitna ng crowd. Nakaupo sa wooden chair hawak ang isang bote ng beer. He genuinely looked charming...
"Look." Someone is pointing in my direction. "Ano yun?" Rinig kong sabi nito.
Mukha ba akong serial killer na nagmamanman sa dilim? Napilitan tuloy akong magtago dito sa mga halaman. Madilim naman, sana hindi ako nakilala.
"Pre! Okay ka lang? Hindi ka pa lasing nag dadive kana dyan sa damuhan." Rinig kong muling nagsalita yung lalaking itinuro ako kanina.
"Gag0! May babaeng nakatayo kasi kanina sa may veranda." Sagot nito.
Ang kati ng mga halaman. Hindi ko alam na may tinik pala ito. Ang hapdi tuloy ng braso ko. Nag duck walk ako para pumasok na sa loob bago pa nila ako puntahan.
"Hey!"
Napatingala ako. Nakatayo si Mateo sa gitna ng pinto ng veranda. Mukhang hindi sya nagulat na makita ako dito. Parang inaasahan na nya talaga na ako yung nakatayo doon kanina.
"Hi. Nandyan ka pala." Saad ko at umakto na nag eexercise. Shuta! Bahala na.
"Ayos ah." aniya at saka ngumisi.
Tumayo ako at nag jumping jack papasok ng building. "One, two. One, two." Patuloy ko hanggang makabalik na ako sa kwarto.