Nasa banyo ako at ginagamot yung mga natamo kong galos kanina. Bakit kaya ang feeling ko ang ganda ng boses ko kapag kumakanta ako sa banyo? Ako lang ba?
Nag shower na rin ako habang solo ko pa ang kwarto. I play the music at ginawang concert room ang banyo.
“Please release me, let me goooo, For I don't love you anymoooore...”
Feel na feel ko yung pagkanta ko. Ganda talaga ng boses ko. Nagshampoo ako ng buhok at ginawa ko pang mic ang bote ng shampoo. Todo na natin ito!
"To live a lie would be a sin. Release me and let me love agaiiiin. I have found a new love, dear. And I will always want her near. Her lips are warm where yours are cold. Release me, darling, let me gooooo."
"May naghihingalo ba ditong pusa?”
Sa gulat ko ay nabitawan ko ang bote ng shampoo. Muntik pa akong madulas, buti nalang kumapit ako sa shower curtain. Niyakap ko yung sarili ko ng mapatay ko ang shower.
"Mateo?!"
Buti nalang may shower curtain, dahil kung wala ay baka nakita na nya ang buong pagkatao ko. Kita ko yung matangkad at matipuno nyang anino sa sahig.
"Hindi kaya magalit si Engelbert Humperdinck sa version mo ng kanta nya?" Aniya at rinig kong tumawa ito.
"Anong ginawa mo dito sa banyo?" Mataray kong tanong sa kanya.
"I have found a new love, dear."
Shuta! Gusto kong kainin ng lupa. Edi sya na ang may magandang boses! Sya na ang perfect!
Ugh! Ang dami ko ng kahihiyang inabot sa lalaking ito! Una doon sa veranda at ngayon naman ay narinig nya akong kumanta na parang naghihingalong pusa? Shuta!
"Lumabas kana nga!" utos ko sa kanya. Abnormal!
"Okay."
Kita kong hindi man lang gumalaw ang anino nya.
"Mateo! Ano ba! Lumabas kana sabi!" Ulit ko.
Ano bang trip ng lalaking ito? Don't tell me sasabayan nya akong maligo? Shuta! Hindi pa ako ready!
"Don't freak out! As if I am interested in you."
"Eh ano pang ginagawa mo dyan? Labas na." Nakakainis. napupunta na sa mata ko yung shampoo.
"I need toothpaste."
Jusko! Toothpaste lang pala ang kailangan. Akala ko ako na. Char! Pero seryoso? Inistorbo nya paliligo ko at pinasok dito para sa toothpaste?
"Hindi ka ba makahintay? Naliligo pa ako diba? Nagmamadali?" sarkastiko kong sabi.
"Baka mabingi na ako kung hihintayin pa kitang matapos."
Ugh! "Hindi na ako kakanta. Okay? At siguro ito ang unang beses na may babaeng ipagtatabuyan ka palabas ng banyo. Mateo, get the hell out of here!"
"So first time mo din ba na may makasamang lalaki sa banyo?"
Natahimik ako. Sinusubukan nya ang aking pasensya.
"Hindi!" Gigil kong sagot kahit tama sya. Dinampot ko ang toothpaste at inabot sa kanya ito.
"Hindi kita sasabayang maligo. Keep dreaming though." He smirked and get out.
Ugh! Bwiset! Next time kasi i lolock ang pinto, piper ha? Bwiseeet!
---
"Handa na ba kayo guys?" Sigaw ni Sir Dizon gamit ang microphone. Hindi ko alam kung anong trip nya o may costume party ba na nagaganap pero... Bakit sya nakapang Michael Jackson na porma? Yung totoo?
Nandito kami sa likod ng building at ginawa nilang stage ang wooden veranda. It's like a meeting na at the same time ay party na din. Nagpakilala sa amin isa-isa ang mga organizer nitong organization na ito at binigyan kami bawat isa ng mga gagawin during the camping.
Nakaupo ako mag-isa dito sa gilid. Loner lang. Nahihiya akong makipag-kaibigan eh. Feeling ko nga ayaw nila sa akin at hindi ko alam kung bakit? Daig ko pa ang may virus. Baka dahil kasama ko ang pinapangarap nilang si Mateo sa iisang kwarto?
I recognized a lot of the campers, lalo na yung mga ka-dorm ko, pero mukhang hindi naman nila ako kilala. Pinapanood ko silang lahat na nagkakasiyahan at nag kukwentuhan. Kulang nalang sa akin ay popcorn at soda. Sana all may kausap no?
Nakita ko si Mateo talking to a group of girls. Center of attraction talaga sya, kaya sobrang laki ng ulo eh. For sure saksakan ng babaero ang lalaking yun.
"Okay. Alam kong excited na kayong pumarty at makilala ang ibang members ng Northville community kaya hindi ko na pahahabain itong speech ko. Basta may mga rules tayo na dapat tandaan..." Patuloy ni Sir Dizon.
Umakyat si Mateo sa veranda at tumabi kay Sir Dizon. Natahimik ang lahat at ngayon ay nakatingin sa kanya. Umalingawngaw din ang bulungan ng ilan. May mga kinikilig at may ilan na masama ang pinupukol na tingin sa akin habang nagbubulungan.
May issue ba tayo guys?
Sanay na sanay si Mateo sa attention na natatamasa nya. Like he is used to it. All I can see is confident all over him. Ngumingiti pa ito kapag kinukunan sya ng picture ng mga kasamahan namin.
"Mateo Axel!" Announced ni Sir Dizon in a high pitch tone trying to impersonate Michael Jackson, "Welcome to the Northville Community Family. Finally! Masaya kami na pinaunlakan mo na ang imbitasyon namin na sumama ka sa weekend camp at dahil sayo mas marami ang na-enganyong sumama ngayon dito."
Wow naman! Galing din naman ng marketing strategy ni Sir Dizon. Hindi na ako magugulat kung next year ay sya na ang laman ng Northville community brochure. Napakatipid ng speech ni Mateo. Napilitan siguro at nahalata ito nina Chloe.
"Sige na Mateo, Pwede kanang maupo." Saad ni Sir Dizon, "Sino nga ulit yung ka-team mo?"
"It's uhm..."
Naningkit ang mga mata ko habang tinitingnan sya. Seriously? Hindi nya tanda ang pangalan ko? Nakita kong tumama ang mga mata nya sa akin so I mouthed 'Piper' on him.
"It's Viper." Sagot nya. Nagtawanan yung ilang students. Kahit ako natawa. Shuta! viper your ass, Mateo!
Ipinakilala din ni Sir Mateo ang pamangkin nya na si Tricia Dizon. Matunog din ang pangalan nya sa campus. Siya lang naman ang Miss Northville last year. Pang beauty queen talaga ang dating ni Tricia. Ang ganda ng smile nya at mas lalong lumawak ang ngiti nito ng ngitian din sya ni Mateo.
Bumaba ng veranda si Mateo at Tricia pero hindi ko inaasahan na uupo sya sa bakanteng monoblock na nasa tabi ko. Ngayon ko nga lang napansin na may extra palang upuan dito. Nasa amin na ngayon ang mata nila na para bang malaking kasalanan ang maging katabi ni Mateo, hindi ko nalang silang pinagtuunan ng pansin.
"Did you save this seat for me?" Tanong nya at ngumisi.
"Ofcourse... NO!" Pagtataray ko at umirap pa.
"Bakit mag-isa ka lang dito sa sulok?" Muli nyang tanong.
Hindi ko sya sinagot. Ayokong mag mukhang loser kay Mateo. Puro kahihiyan na nga ang inabot ko tapos malalaman pa nya na wala akong naging kaibigan dito sa camping na ito. Kasalanan din naman nya kung bakit ayaw nila akong kausapin. Hanggang ngayon nga nakatingin pa din sila sa amin. Nakaka-ilang while he's seemed used to it. Sana may confidence ako na katulad ng sa kanya.
--
Maganda ang gising ko. Maaga kasi akong natulog dahil hindi na ako naki-party sa kanila. It’s 7am at tulog pa si Mateo. Nakaharap sya sa pader kaya hindi ko makita ang itsura nya. Tulo laway kaya sya? May damit ba syang suot o naka boxer lang? Bakit kasi balot na balot ng kumot, sayang, pipicturan ko sana.
Binuksan ko yung bintana, sinalubong naman agad ako ng presko at sariwang hangin. Birds were chirping and I can smell nature malayo sa nakagisnan kong paligid na puro building at polusyon. Sumilay ang liwanag ng araw mula sa ibabaw ng mga puno at parang crystal na kumikinang naman ang lake.
Nagtungo ako sa kusina ng kwarto at nagulat sa nakita kong nakaupo sa small round table at kumakain ng cereals na binili ko kahapon sa bayan.
Si Tricia wearing a panty and loose t-shirt, eating my cereal.
"Akin ba yang cereal na kinakain mo?" unang tanong na lumabas sa bibig ko kahit ang dami kong tanong sa utak ko.
"Hindi ko sure. Sayo ba ito?" Wala gana nyang sagot. Pinagpatuloy pa nya ang pagkain.
Never ko pang nakausap si Tricia simula ng pumasok ako sa Northville. Nakikita ko lang sya palagi sa campus, walking with her friends and admirers... At ngayon nandito sya sa kwarto, kinakain ang cereal ko. What the eff?
"Alam ba ni Mateo na nandito ka?" Sunod kong tanong.
"What do you think?" Aniya at pinag taasan pa ako ng kilay.
Hilaw akong ngumiti sa kanya. Grabe! Wala pang 24 hours kami dito at gumawa na agad sila ng milagro. How come I didn't hear them?
"Bakit ba ang dami mong tanong?"
"Because you're half-naked in my kitchen?" Sagot ko. Eating my cereal. Gusto kong idugtong iyon pero hindi ko nalang sinabi.
I heard a deep voice laugh. Nagulat din si Tricia ng marinig ito. Inayos nya ang buhok nito at mapang-akit na umayos sa kanyang pagkakaupo ng makita si Mateo. Ang lalaking may dahilan kung bakit lahat ng mga babae dito sa camping na ito ay gustong mag sleepover sa aming kwarto.
Nakasandal si Mateo sa doorway, kanina pa yatang nanonood sa amin ni Tricia. Pinagmasdan ko ang kanyang kagwapuhan, walang kapintasan kahit bagong gising. Bakit ang perfect pa din ng mga mata nya kahit bagong gising? Samantalang yung sa akin ay parang kinagat ng ipis lalo na kapag puyat. Ang gwapo pa din nya kahit sabog ang kanyang buhok. Napahawak nalang ako sa buhok kong pwede ng itlogan ng manok anytime.
Lumampas sa akin si Mateo at naglakad patungo sa ref pero mabilis na humarang si Tricia at ipinulupot ang kanyang kamay sa leeg ni Mateo para halikan ito. Tumugon ito sa halik ni Tricia pero mabilis lang dahil binuksan na niya ang ref kaya kumalas na siya.
"Your roommate was so mean. Ayaw nya yatang nandito ako." Sumbong nya at ngumuso pa habang inaayos ang maluwag nyang tshirt na sa tingin ko ay tshirt ni Mateo.
Kumuha sya ng itlog at bacon sa ref para lutuin. "Really?"
Ngumisi ito at nagumpisang lutuin ang mga kinuha sa ref. Halatang hindi ito interesado sa sumbong ni Tricia. Dinapot ni Tricia ang asin at paminta para iabot kay Mateo saka ito sumandal sa braso ng binata. Ugh! My eyes!
"She was asking too many questions about us. She sounds jealous." Wika pa nya.
Ang kapal ng mukha. Selos nya mukha nya. Umirap ako sa kanila. I ignored them as if they are not existing here. Dinampot ko yung karton ng cereal. oh thanks God may natira pa. Nagsalin ako ng cereal sa bowl.
"Where's the ketchup, Piper?" Tanong ni Mateo sanhi ng pagkaudlot sa unang subo ko.
Tumingin ako sa kanya. First time nyang banggitin yung pangalan ko. Hindi naman sya big deal. Na-surprised lang ko ng very very light.
"Baka nasa ref." Itinuro ko ang ref with my spoon, "Paki-abot na din ng gatas?" Utos ko.
Nilagay nya sa pinggan ang bagong pritong itlog at bacon saka sya naglagay ng ketchup doon. Sunod naman nyang dinampot ang gatas at inihagis sa akin ng wala man lang warning. Shuta! Buti nalang nasalo ng kamay ko at hindi ng mukha ko. Dinig ko yung tawa ni Tricia, sakit sa tenga parang ang sarap kutsarain.
"I'm still getting used to this." Saad pa nya kay Tricia.
8am na ng umalis si Tricia. Iyon din ang oras na may mga counselor ang nagikot para gisingin kaming lahat. In 30 minutes, ready na ako sa panibagong araw dito sa camping. Sumali ako sa volleyball kasi iyon lang naman ang sa tingin ko na kaya kong gawin. I wear a completely sporty outfit. Lumabas ako ng banyo at nadatnan ko si Mateo na nakatayo hawak ang kanyang IPad.
Basag ang screen nito at kasalanan ko.
"I need a favor from you." Mahinahon nyang sabi. Nakakawala talaga sa sarili ang boses nyang iyon. Yung tipong mapapa OO ka nalang sa lahat ng sasabihin nya.
"Sorry. Wala akong dalang cash." Depensa ko agad. Naniningil na ba sya?
Mula ng mameet ko si Mateo puro nalang kapalpakan at kahihiyan ang natamo ko. Ayoko namang mapahiya ulit this time kaya inunahan ko na.
"I'm not asking it. This favor is worth of 2000." Aniya at natigilan ang pagwawala ng utak ko. "Hindi ba sabi mo babayaran mo itong ipad ko?" Dagdag pa nya.
So ayun na guys! Naalala nya iyong pinangako ko kahapon. Wala naman akong sinabi na ngayon ko babayaran eh! Ngumuso ako at pinagsalikop ang aking mga kamay.
"So you want me to do a favor... at ibabawas mo yung worth ng favor na iyon sa halaga ng ipad?"
"Exactly! Ang talino mo talaga." Sarkastiko nyang sabi. Umirap ako sa kanya.
"Ganyan ka ba mag thank you?"
"Ganyan ka din ba mag sorry?" Ganti nya.
Ipinakita pa nya sa akin ang basag nyang ipad. Tumawa sya at ipinatong ito sa bedside-table.
"Hihintayin kita sa kotse."
Shuta. Ngayon ba yung favor nya? Lagot ako nito sa mga ka volleyball team ko. Pano na yan?
"Wala ka naman sigurong naiwan na kung ano sa driveway? huh? I don't want to run anything over. I'm responsible like that." Putol nya sa pag dedecision making ko. UGH!
"At least I saved a cute little dog once." Lintanya ko at umirap sa kanya.
He didn't care what I've just said. Nilampasan ko sya at dinampot ang bag ko. "Saan ba tayo pupunta?" Inis kong tanong.
Hindi sya sumagot. Surprise nalang siguro. Gulatan, ganon! Tutal gawain naman nya iyon. Bahala na nga mamaya!