DUMATING na ang pagkakataong pinakahihintay ni Izaria. Ang pagbunga at paghinog ng mga palay. Tuwang-tuwa siyang makita ang mga naninilaw na bunga ng mga palay. Kaagad niyang ipininta ang mga ito. Kaunting panahon na lang ay makukumpleto na niya ang farming series ng paintings niya. Nakagawa na siya noon ng series pero sa Batangas. Fishing ang scenario niya roon. Nabili iyon ng pinakamayamang negosyante sa Cebu City sa halagang tatlong milyon. Medyo malungkot lang si Izaria dahil wala sa pinipinta niya ang modelo. Hindi pa kasi niya nakikita si Rainan. Inisip tuloy niya na baka inaayos na ang kasal nito sa kasintahan. Ipinagpatuloy na lamang niya ang ginagawa. Ang tunay na Izaria ay walang kahilig-hilig sa mga kulorete sa katawan. Hindi nilalapatan ng make-up ang mukha, face powder lan

