Chapter Twelve

2031 Words
“PLEASE, I want that for take-out,” pakiusap ni Izaria sa waiter. Nasalubong at ihahatid sana sa mesa niya ang in-order niya. Naki-usap na lamang na ipa-take out ito. “No problem, Ma’am!” mabilis na sagot ng waiter. Nakatayo at nakatalikod siya sa grupo ni Rainan habang naghihintay ng kaniyang inurder. Naririnig pa rin niya ang palitan ng usapan sa likuran. Pinakikinggan lang niya ang mga ito. “Excited na ako sa kasal ninyo ni Cheska, Kuya Rai.” “Hayaan muna nating makapagpasya si Rainan. Siya ang makapagsasabi kung kailan niya gustong magpatali,” anang ginoo. “Continues lang ang vitamins mo, hijo. Malaking tulong ‘yon para mapabilis ang recovery mo. Malaki ang improvement mo since nagbakasyon ka dito,” payo ng ginang. “Tama si Tita Lyn, kuya. Malaki ang chance na maalala mo ang lahat.” “Mom bought a wedding gown for me. I’m so excited, babe! Matutuloy na rin sa wakas ang kasal natin. Hindi na ako makapaghintay.” Hindi na alam ni Izaria kung sino sa mga iyon ang nagsasalita. Iba-ibang boses ang nagpapalitan ng salita. Maingay na sa pandinig niya. Hindi lang niya masabi na nasasaktan siya sa mga naririnig niya. Naguluhan din siya nang marinig na may nawawala sa alaala ni Rainan. Hindi niya maipaliwanag kung bakit parang may kumukurot sa dibdib niya. Mainit na sa pakiramdam niya kahit malakas ang air-con. Para siyang nasa loob ng sabungan. Gusto na niyang maglaho sa kinatatayuan. “Ang tagal!” reklamo niya. Ang tagal naman kasi ng take-out niya. Naiinip na siya pero pilit na hindi ipinahalata. Ilang saglit pa ay nakita na niyang paparating ang waiter. Bumuntong-hininga siya. Pagkatanggap ay dali-dali siyang lumabas ng buliding na ‘yon. Saka lang siya nakaginhawa nang madako na niya ang pinto ng kanyang van. Wala na siyang planong lumingon pa sa pinaggalingan. 'I told you, Iza! Wala kang lugar sa puso ni Rainan. Masasaktan ka lang kapag umasa ka pa. See? Ikakasal na pala siya, wala ka pang kaalam-alam? Kapag nag-push ka pa, kireda ang labas mo. Kahibangan… kahibangan talaga! He is not a poor farmer, but a rich farmer. Obvious naman sa asta ng bisita niya, tunay ang mga kulurete nila sa katawan, ikaw? Sa Divisoria ka lang namili ng mga alahas mo. But, mapera ka, why not buying those things, baka walang kasalan na magaganap at ikaw ang pipiliin ng mokong na ‘yon. Pero hindi eh, pretty in love ka lang talaga sa kanya. Malas mo lang, hindi ikaw ang nauna. Wake-up, Iza!' Halos maluha-luha siyang sinisermunan ang sarili. Bumungtong-hininga muna siya bago binuksan ang pinto sa driver’s seat. Inilapag sa katabing upuan ang supot ng in-order niya. Akmang sasampa na siya sa van nang… “Sandali!” Natigilan siya ngunit hindi muna lumingon. Boses iyon ng lalake. Hinintay niya ang susunod na sasabihin nito. “Bakit hindi ka nag-dine-in?” tanong nito. Hindi na siya nagulat. Pamilyar siya sa baritonong boses. Hindi niya alam kung lilingunin niya ito o dedmahin. “Uhm, magkakilala ba tayo?” maang na tanong niya. Wala siyang balak na harapin ito. “Oo naman,” positibong sagot nito. “Dayo lang ako rito and no one knows about me,” giit niya. “Me too!” “So, how did you know me?” Wala pa rin siyang planong humarap. “Because of your van. Your smell, and maybe, favorite mo ang love spell of ‘Victoria’s Secret’ na pabango. And also your voice, and your moves,” panghuhula nito. “Huh?” nagtaka siya. Wala siyang nagawa kung hindi ay harapin ito. Ang mapungay na tingin nito at pagsilip ng matamis na ngiti sa mga labi nito ang biglang nagpakalma sa kanina’y umaalburuto niyang damdamin. “Rainan?” sambit niya, “May mga bisita ka pa,” paalala niya rito. “Alam ko.” “Dapat nandoon ka kasama nila.” “Nagpaalam lang ako sandali.” “Para ano? Para sundan ako rito? Ano sa tingin mo ang iisipin nila kapag nakita nilang nag-uusap tayo?” paulan na tanong niya rito. Ngumisi ito. Malapit na siyang mapikon. Parang balewala rito ang mga sinabi niya. “Ano namang masama roon?” “Masama! Dahil makita tayo ng magiging asawa mo. May fiancee ka na pala, hindi mo sinasabi. Ang sabi mo, wala kang maalala na may kasintahan ka na,” hindi niya napigilang himutok. “Wala naman talaga. Naalala ko lang nang makita ko siya. Pero Hindi ko matandaan na may usapan kaming kasal.” Hindi niya napigilang matawa. “Ano ka, may amnesia?” “Oo,” seyusong sagot nito. Hindi siya nagpahalata pero nanggigil siya. Hindi niya alam kung nananadya ito o totoo ang sinabi. “Here!” anito sabay abot sa kaniya ng naputol na bracelet. Napansin niya, wala sa kaliwang braso niya ang beaded na bracelet niya. “Nahulog mo ‘yan kanina sa loob. Pinulot ko at naisipang ibigay sa’yo.” Tinanggap niya ito. “Thank you,” mahinang sabi niya. Napahiya tuloy siya sa sarili niya. Sa dami ng sinabi nito, iyon lang pala ang sadya sa kaniya. “Sige, babalik na ako sa loob.” Agad na paalam nito. “Ingat ka sa pagda-drive.” pahabol pa nito. Ang ending niya, umuwing malungkot. Wala naman siyang magawa para ipaglaban ang nararamdaman niya. Nag-aksaya pa siya ng panahon, nasaktan lang siya sa ginawa niya. 'Now I know. We’re just friends. Kailangan kong tanggapin ang katotohanan. Ikakasal na siya at matatali na siya sa iba. That’s it!' Nangilid ang mga luha niya. Pinalis ng isang kamay niya ang lumandas na mga luha. Saka tinutukan ang pagmamaneho. Hindi niya inilihim sa kaibigang si Virna ang nangyari. Gaya ng dati, nabusog na naman siya sa paninermon nito. Inaasahan na niya ang sasabihin sa kaniya ng kaibigan. Kailangan niya ng makakausap. “Ano pa nga ba ang magagawa ko? Sinubukan mo na ang lahat pero walang nangyari. Hindi kaya sinisingil ka na ni karma?” Napatingin siya kay Virna dahil sa sinabi nito. Sa kuwarto na niya sila nag-usap dahil ginabi ng uwi ang kaibigan. Malungkot siyang nakaupo sa gilid ng kaniyang kama habang si Virna ay nakahalukipkip sa harapan niya. “Grabe, karma agad? Hindi ko naman pinaasa si Jay noon,” depensa niya, “Gusto ko lang mapatunayan kung talagang totoo ang pagmamahal niya. Gusto ko naman talaga siya. Hindi ko lang akalain na magbago siya nang hindi ko siya pinagbigyan sa nais niya. But now, kakaiba ang feelings ko para kay Rainan. Nagmumukha talaga akong ewan at umaasa na magkaka-feelings siya sa akin,” sintemyento niya. “Halata nga, besh. Pero hindi kita masisisi kung ma-in love ka sa kaniya. Kaso nga lang, nabanggit mo na ikakasal na siya. So, ano’ng plano mo?” tanong ni Virna. “For now, wala pa. Kailangan kong pigilan ang damdamin ko bago pa man ako masaktan o makasakit ng iba,” malungkot na saad niya. Naupo ang kaibigan sa tabi niya. “I’m just here if you need someone to talk.” Napangiti siya sa sinabi nito. Wala naman talaga siyang ibang malalapitan maliban kay Virna. “Tama ka, besh. Masyado akong umasa na magustuhan niya ako,” aniya. “Gusto ka naman talaga niya, besh. Bilang kaibigan nga lang. Malay mo, makahanap ka pa ng lalaking hindi ikaw ang naghahabol. May magmamahal din sa iyo nang higit sa ginagawa mo,” payo ng kaibigan. “Salamat, besh. Hayaan mo, sisikapin kong kalimutan ang nararamdaman ko para kay Rainan. Malinaw naman na hindi ako ang nakalaan para sa kaniya. May mas deserving para pakasalan niya.” Binigyan niya ng diin ang huling mga katagang sinabi. “That’s nice to hear that from you. Sige na, magpahinga na muna tayo. Kuwentuhan na lang ulit tayo bukas,” anito at pagkuwa’y namaalam. “Thanks, besh!” Niyakap niya ito. Dahil kailangan na rin magpahinga ng kaibigan, pansamantala muna siyang iniwan nito. Maaga pa kasi itong bibiyahe bukas papuntang San Fernando. Habang hinihintay niya na dalawin siya ng antok ay nagpinta muna siya. Malungkot man o masaya ay tuloy ang painting niya. Sa mixed-media painting niya inilabas ang damdamin niya. Isang imahe ng babae na umiiyak habang may pares na masayang nagyayakapan sa bandang likuran. Isasama niya sa personal collection niya ang mga painting na hango sa tunay niyang karanasan. Doon makikita ang series ng kaniyang buhay. Bukod sa painting na pangbenta ay nakaipon siya ng para lang sa personal collection niya. Kabisado rin ni Virna kung paano niya nilalagyan ng palatandaan ang mga paiting niya. Sa mismong code-name o signature ng painting ay iniiwanan niya ito ng right thumb mark bago matuyo ang pintura. Pero hindi ito madaling mapansin kapag hindi kilatisin nang mabuti. Matapos magpinta ay bumalik siya sa higaan. Binasa muna niya ang mga dumating na mensahe sa messenger. Karamihan sa mensahe ay nagmula sa mga magulang niya na kasalukuyang nasa ibang bansa. Sinagot muna niya ang pangangaumusta ng mga ito sa kaniya bago siya tuluyang hinila ng antok. Nasanay na siya na virtual na pakikipag-usap niya sa mga magulang niya. Elementarya pa lamang siya nang sinundan ng daddy niya ang mommy niya sa Spain. Nais siyang kunin ng mga ito ngunit wala sa loob niya ang lumayo sa bansa. AT THE same time, nabulabog ang pamamahinga ni Rainan nang marinig ang sunud-sunod na katok sa labas ng pinto. Napilitan siyang bumangon para alamin kung sino ang naroon. “Jean?” gulat niyang sambit. Hindi pa pala nakakauwi ang kapatid nito. Ni hindi man lang niya ito pinakitaan ng ngiti. “Puwede bang pumasok, kuya?” tanong nito. Wala siyang nagawa kung hindi ay papasukin ang kapatid. Ayaw sana niyang may ibang tao na pumupunta sa bahay niya. Hinayaan na niya ito na maupo. “Anong ginagawa mo rito?” tanong niya. “Sinabi ni Tito Marco na maiwan daw muna ako para mabantayan kita.” “What?” Nabigla ito. “Hindi na ako bata para bantayan pa,” tutol niya. Humalukipkip si Jean. “Don’t worry, kuya, kumuha ako ng komportableng apartment na malapit lang dito sa farm. Or doon sa family house, kina Tita Amanda. Why not, farm din naman natin ito. Tama lang na mag-stay ako ng ilang buwan para makatulong dito sa farm,” giit nito. Hindi niya nagustuhan ang mga sinabi nito. “Hindi magandang ideya ‘yan. Wala kang kaalam-alam sa farming. Mas maraming business nina dad at mom na naiwan at ‘yon ang dapat na tutukan mo,” hindi natutuwang sabi nito. Halos ipagtulakan niya ang kapatid na umalis. Bata pa lamang sila ay hindi na naging malapit ang loob niya kay Jean. Naging paborito ito ng mga magulang niya kaysa sa kaniya na tunay na anak. “At si Cheska, she noticed,” banggit nito. “What?” napilitan na tanong niya. “She saw you and a woman na parang may something kayong dalawa.” “Hindi kita maintindihan.” Paiwas ang tingin niya. “Ang babaeng nakausap mo sa labas ng restaurant,” paalala nito. “She’s nothing. May ibinalik lang ako na nahulog niya,” paliwanag niya. “Napansin ko lang kasi na parang nagbago ang pakikitungo mo kay Cheska since napunta ka dito.” “That’s none of your business. Umalis ka na at gusto ko nang magpahinga.” Pagpapaalis niya sa kapatid. Walang nagawa si Jean, umalis ito. Alam nito na iba na ang timpla ng mood niya. Hindi sila tulad ng ibang magkapatid na may care sa isa’t isa. Basta umalis, umalis na lang. Isinara na niya ang pinto at bumalik sa higaan. Hindi niya nagustuhan ang pangingialam ng kapatid niya. Pero napagtanto niya habang nagmumuni na tama rin naman ang kapatid. Magmula nang dumating siya sa probinsiya at nang muling makita ang kasintahan ay biglang nanlamig siya rito. Pilit niyang iniisip kung ano pa ang mga nakaraan niya na hindi niya maalala sa kasalukuyan. Kilala naman niya lahat ng mga nakapaligid sa kaniya. Pilit niyang iniisip kung paano niya naging nobya si Cheska. Ngunit, wala talaga siyang maalala. May ilan pa sa mga alaala niya ang hindi pa bumabalik. Bago pa lalong sumakit ang ulo niya sa kaiisip ay minabuti na lamang na itulog niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD