UMALIS muna ni Izaria para maghanap ng CR. May nagyaya kasi kay Virna para sumayaw at siya naman ay tumanggi sa binatang lumapit sa kaniya para yayain din sana siya sa dance floor. “Sa dinami-rami nang mapupuntahang kasalan, sa kasal pa talaga ni Ex. What a coincidence. Hindi naman ako affected, nakakaloka lang isipin,” kausap niya sa sarili habang nakaharap sa salamin. Mabuti na lang at wala siyang kasama sa loob ng powder room. Walang makaririnig sa sinasabi niya. Nangingibabaw ang dagundong ng musika mula sa naglalakihang speaker. Sweet music at siguradong nag-e-enjoy si Virna sa pagsasayaw. Pero siya, sapat na ang mapagbigyan ang kaibigan. Paglabas niya mula sa powder room ay hindi muna siya bumalik sa party. Naglibut-libot muna siya sa magagandang tanawin ng landscaped garden. Ma

