HINDI makatulog si Izaria sa guestroom na kinaroroonan nila ni Rainan. Nasanay kasi siya na panonoorin muna niya lahat ng mga painting sa kuwarto niya para dalawin siya ng antok. Hindi naman pumayag si Rainan na iwanan niya ito na mag-isa sa kuwarto na iyon. Napilitan siyang linisin at iligpit ang mga gamit na naroon sa guestroom dahil lilipat siya sa kuwarto niya sa itaas. Sumama si Rainan sa kan’ya matapos siya nitong tulungan sa paglilinis. Alas-dose na ng hating gabi. Siguradong magdamag siyang nakamulagat kung hindi siya lilipat sa kuwarto niya. Tumungo sila sa kuwarto niya. “Ito ba ang kuwarto mo?” tanong nito habang nakabuntot sa kaniya. “Oo, okay ba?” aniya. Umiling ito. “Mas kuwarto pang tingnan doon sa pinanggalingan natin kanina sa baba. Mukhang stockroom yata itong silid m

