IZARIA was found her nakedness inside a thick blanket when she woke up. Nasa dibdib pa niya ang kamay ng nakadapang si Rainan at tulog na tulog pa ito. Marahan niyang inalis ang kamay nito at bumaba ng kama. Dumeretso na siya sa banyo at binuksan ang shower. Nahihimay pa rin ng isip niya ang hindi malilimutang pagsasalo nila ni Rainan. Wala siyang pinagsisihan sa nangyari sa kanila dahil pareho nilang ginusto ‘yon. Hindi na niya matanto kung gaano siya katagal sa loob ng banyo. Paulit-ulit kasi na sumisiksik sa isip niya ang tagpong ‘yon lalo na at unang pagkakataon na makaranas siya niyon. Ilang sandali pa ay isinara niya ang shower. Tinuyo ng tuwalya ang buhok at katawan saka nagsuot ng bathrobe. Nakatulog pa rin si Rainan nang balikan niya. Nasulyapan niya ang wall clock, alas-nuweb

