Inihinto ni Keith ang sasakyan sa tapat ng bahay nito. Doon muna sila dumaan para maihatid ang lalaki. Binuksan nito ang pinto ng Ford saka bumaba. "Dito na ako, Panginoon." Isinara ito ang pinto ng sasakyan. Bumaba rin ng sasakyan si Bal saka nilapitan ang lalaki. "Tandaan mo, wala kang naalala maliban sa pagbebenta mo ng sasakyan sa akin at pamamasyal mo matapos mong lumabas ng opisina ninyo. Naintindihan mo?" "Opo, Panginoon." Tumango-tango pa ito nang mabagal. "Maliwanag po." Dumukot ng pitaka si Bal sa bulsa ng pantalon niya saka binuksan iyon. Kumuha siya ng ilang piraso ng limang daang piso saka inilagay sa kamay ng lalaki. "Panggastos mo. Paggising mo bukas ay balik normal ka na. Sige na, umuwi ka na." "Opo, Panginoon." Tumalikod na ito saka marahang lumakad patungo sa inuupaha

