"Sister, nasaan ang banyo rito?" nagmamadaling tanong ni Bal. "Sa dulo, sa kanang pinto ang panlalaking banyo." Turo ni Sister Ana. "Salamat," maikling sabi nito. Lumapit ito kay Ramiel saka bumulong dito. "Bantayan mo sila." Naunawaan agad ni Ramiel ang ibig sabihin ni Bal kaya't lihim na nakiramdam ito sa paligid at naging alerto. Agad na tumalilis si Bal sa banyo saka biglang nagpalit-anyo bilang usok. Pumaimbabaw siya sa itaas ng ampunan, saka matulin niyang nilibot ng paningin ang kabuuan ng ampunan. Nakita niya ang anino na hinahanap. Gumagapang ito palabas ng ampunan sa likod na daan. Agad na bumulusok siya para sugurin ang anino. "Umbra!" sigaw ni Bal sa pangalan ng anino. Nabalik sa orihinal na anyo si Bal saka matuling nilusob ang aninong gumagapang sa lupa. Hindi tumitina

