"Sister Ana, saan po tayo pupunta?" tanong ni Angeli sa madre. Nasa hardin sila ngayon ng ampunan. Abala ang madre sa pagdidilig ng mga tanim na bulaklak ni Mother Superior. "Sa theme park, sagot ng madre. "Ipapasyal namin kayo ngayon doon, pero mangangako kayong hindi kayo magiging pasaway ha. Makikinig kayo sa amin nina Sister Mary Joy at Sister Hanna. Si Mother Superior naman ay makikipag-usap sa namamahala ng theme park para makahingi ng donasyon para sa ampunan. Kaya, behave. Okay?" "Yes po, Sister Ana. Always behave po ako gaya ng turo mo po sa akin," may pagmamalaking sabi ni Angeli. "I know, Angeli. You are always behave and obedient," papuri ni Sister Ana sa paboritong bata nito sa ampunan. Siya halos ang nagpalaki rito mula nang mapulot nila ito sa tapat ng gate ng ampunan. "

