"Kuya Bal, ang ganda niya! Kamukhang kamukha siya ni Ate Sonia!" Napatakip ng bibig si Sabel, pinipigilan ang mapatili sa labis na kasabikang mayakap ang pamangkin. "Totoo iyan. Ilong lang ang namana niya sa akin, ang lahat ay kay Sonia na." Nakamasid lang si Bal sa kinasasabikang anak. "Kailangan na nating pagbutihin pa ang pagsasanay sa panahon ngayon, at ikaw ay tumuntong sa tamang edad para makuha natin siya. Titiyakin kong walang ibang mag-aampon sa kanya kundi ikaw lang, Sabel." "Salamat, Kuya Bal. Ayokong biguin si Ate sa kahilingan niya." Muling pinagmasdan ni Sabel ang pamangkin. Nakikipagtawanan ito sa mga kasama nitong bata. Nalilibang siya sa panonood sa pamangkin nang may batang umagaw ng atensyon niya. Nakatayo ito sa di kalayuan kay Angeli, nakahalukipkip habang masama a

