Kasalukuyang nanonood ng mga nagka-caroling sina Sister Ana at ang mga bata. Nasa tapat sila ng tarangkahan nila habang masayang kumakanta ang mga kabataang nagsama-sama para mag-caroling. It's the time of the year, Where a child was born in the manger, He's the savior of everyone's sin, We all feel the Christmas spirit within. "Sister Ana," tawag ni Angeli sa madre. Nakatingala siya habang hinihila ang kamay nito. "Bakit, Angeli?" Yumuko ito saka binuhat ang bata. "Sister, si Jesus Christ po may mga magulang na tao?" tanong ng bata. "Oo, tama ka. Ipinadala siya sa lupa ng Diyos para maging tagapagligtas natin, at may dalawang taong naging ama at ina niya habang nasa lupa siya." "Ako po kaya, bakit ako pinadala ng nanay at tatay ko rito?" tanong ulit ng inosenteng bata. "Hindi k

