BOOK 2 CHAPTER 18: BROTHERS' REUNION

1148 Words

BOOK 2 CHAPTER 18 "Magpahinga na muna tayo rito," saad ni Hellion. Hindi nila alam kung saang lugar ng mga tao sila napadpad. Iba ang kaanyuan ng lupa kaysa sa impyerno. Ngayon lamang nakapunta si Hellion sa ibabaw ng lupa. Maliwanag at tirik ang araw nang mga oras na iyon. "H-hindi ko na maalala kung kailan ako huling nakalabas ng impyerno," sabi ni Laura. Hinihingal ito habang nagsasalita. "Ipagpaumanhin mo kung umabot nang ganito katagal bago kita nahanap, Laura," saad ni Hellion. Nalukot ang maamong mukha nito sa lungkot. "Wala kang kasalanan," sagot niya. "Ayaw lang talaga ng iyong ama na makatakas ako dahil ang akala niya'y alam ko kung saan naroon ang iyong kapatid." "Ayos lang ba ang mga sugat mo?" nag-aalalang tanong ni Hellion. Umupo ito sa tabi ni Laura saka ginamit ang k

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD