Nasa restaurant sila ngayon malapit sa supermarket para kumain. Kasalukuyang naghihintay ng order nilang pagkain. Nakapwesto sila sa tagong lugar ng restaurant para hindi makaagaw ng atensyon. Pinagtitinginan sila ng mga tao kanina habang nalalakad dahil bukod sa taglay nilang anyo na angat sa iba at mukhang galing sa isang fashion show, may dalawa silang kasama na kakaiba ang bihis. Ang isa ay parang gangster at ang isa ay parang maglulusong sa baha. "Kuya Bal, bilhan natin sila ng damit mamaya," saad ni Antonio. "Iyong itsura nila, agaw atensyon." Napakamot ito sa ulo. "Mamaya, dadaan tayo sa department store," sagot ni Bal. Pinagmamasdan nito ang kapatid at ang kaibigan habang tila may malalim na iniisip. "Kuya Bal, ano 'yong mga pagkaing bilnili mo?" tanong ni Hellion na tila takam

