Kasalukuyang nasa entertainment room sina Bal at nakaupo sa conference table. "Pag-usapan natin kung ano ang pinaplano ko," saad nito. "Kuya,magpapakasal din sila at mag-aampon?" tanong ni Sabel. Sa tingin niya'y alam na niya ang plano ng asawa ng Ate Sonia niya. "Anong magpapakasal? Anong mag-aampon?" naguguluhang tanong ni Laura. Napahagod sa Batok si Bal. Hindi alam kung paano sisimulan ang mga bagong salta ang plano nila. Gusto rin nitong ilihim sa dalawa na kasama ang anak sa aampunin ng grupo nila para lang masigurong ligtas ang lihim nila. Tila naintindihan ni Sabel ang ikinikilos nito kaya siya na ang sumalo. "Ganito kasi iyon," sagot niya." Hindi ba't pinapahanap ng magkabilang panig ang anak nina Kuya at Ate? Kaya ang plano namin ay mag-ampon ng mga bata para isipin nilang i

