Iniayos na nina Sabel atAntonio ang mga pagkain sa mesa. Napakaraming niyang niluto para sa pagdiriwang ng bisperas ng Pasko. Ngayon lang siya nakakita ng ganoon karaming handa tuwing Noche Buena. "Mauubos ba nating lahat ito?" tamong ni Antonio. "May mga bagong kasama tayong sobrang lakas kumain. Baka kulangin pa ito," natatawang sabi ni Sabel. Naka-order din siya ng cake at ice cream. Bigla niyang naalala ang pamangkin. "Kumusta na kaya ang pamangkin ko?" "Bisitahin natin siya sa mga susunod na raw," sagot naman ni Antonio. "Ayain natin si Kuya Bal." "Sige ba!" Lalong sumigla ang pakiramdam ni Sabel. Nasasabik na siyang makitang muli si Angeli. "Sa palagay mo, ano ang panganib na maaaring naghihintay sa kaniya?" "Hindi ko rin alam, pero ipagdasal nating huwag sanang mangyari iyo

