HALOS ayaw na naman lumabas ni Amarah sa loob ng banyo dahil sa nararamdamang hiya dahil sa kissing scene nila Daxton kanina sa labas ng garden ng mga ito. At lalo lang nadagdagan ang hiya na nararamdaman niya dahil maraming audience ang nakakita sa kissing scene nila, buong pamilya nito. Everytime yata na may family dinner ang mga ito, lagi na lang may kahihiyan na nangyayari sa kanya. Una, iyong nakita nang mga ito ang kissmark sa leeg niya. At pangalawa, iyong nangyari kanina. Ang kissing scene nilang dalawa ni Daxton. Ang intensiyon lang talaga ni Amarah ay mawala ang tampo ni Daxton sa kanya kaya sinunod niya ang sinabi ni Ate Denisse. Ang balak lang talaga niya ay smack lang ang halik na ipagkakaloob niya dito. Pero itong si Daxton, hinabol pa nito ang labi niya at saka siya n

