NAPATINGIN si Amarah sa cellphone nang marinig niya ang pagtunog niyon. Dinampot niya iyon kung sino ang tumatawag at nang makita niyang si Ate Danielle ang tumatawag ay agad niya iyong sinagot. "Amarah." "Ate Danielle," sambit nito sa kanya. "Amarah, nandito na kami sa parking," imporma nito sa kanya. "Sige, Ate. Baba na ako. Paalam lang ako kay Daxton," wika niya dito "Okay." At nang maibaba ni Ate Danielle ang tawag ay tumayo na siya para pumunta sa loob ng opisina ni Daxton para magpaalam dito. Niyaya kasi siya nina Ate Danielle na magpunta ng Mall. At ang alam niya ay kasama din sina Ate Victoria, Camilla at si Bria sa lakad nila. Kasama din sana si Mommy Dana sa lakad nila pero hindi na ito sumama. Lakad daw iyon ng mga young ones at sinabi ding may ibang lakad din ito

