PAGPASOK pa lang ni Amarah sa loob ng building ng Daxton Corp ay napansin na niya ang kakaibang tingin na ipinagkakaloob ng mga empleyado sa kanya. May naririnig nga din siyang mga bulungan, hindi lang niya masyado marinig. Pero malakas ang pakiramdam niya na siya ang pinagbubulungan ng mga ito. At nang tumingin siya sa mga ito ay nakita niya ang pandidiri habang nakatingin ang mga ito sa kanya. Napakunot naman ang noo niya doon. Bakit ganoon ang mga ito kung makatitig. Nagkibit-balikat naman niyang inalis ang tingin sa mga ito. Sa halip naman na bigyan ng importansiya ang mga ito ay nagpatuloy na siya sa paglalalad. Hindi naman nagtagal ay nakarating na din si Amarah sa cubicle niya. At gaya ng dati ay nagpunas muna siya bago umupo doon. Pero bago mag-umpisang mag-trabaho ay kinuh

