KAHIT na puyat kagabi si Amarah dahil sa kakaisip sa mga nangyari kahapon ay maaga pa din siyang nagising para pagsilbihan si Daxton, hindi dahil katulong siya nito, kundi dahil asawa siya nito...sa papel. Hanggang ngayon ay hindi pa din niya nakakalimutan ang sinabi nito sa kanya. Gawin daw niya ang trabaho niya dahil binayaran daw siya nito para doon. Sa totoo lang ay nasaktan si Amarah sa sinabi nito, hindi kasi niya inaasahan na sasabihin iyon ni Daxton sa kanya, eh, ito naman ang nagdala sa kanya sa sitwasyon na iyon. At ito din ang nagsabi sa kanya na gawin nila ang lahat para maipakita nila sa pamilya at ex-girlfriend nito na nagmamahalan silang dalawa. Kaya nga kinausap niya ito tungkol sa kinilos nito sa harap ng pamilya at sa ex-girlfriend nito nang makita nito ang huli. Ob

