MASAKIT na ang mga paa ni Amarah dahil kanina pa sila nagpapa-practice. Pero hindi naman niya magawang makapag-reklamo. Magre-reklamo ba siya, eh, sa kanilang lahat ay pakiramdam niya ay siya lang ang pabigat dahil kahit na ito ang pangtalong beses na nakipag-practice siya ay hindi pa din niya magawang maglakad ng maayos gamit ang suot na heels. Hindi pa din niya maiwasan ang matapilok kapag maglalakad siya. At ilang beses nga silang umulit dahil sa kanya. Nahihiya na nga din siya sa mga kasamahan niya, lalo na kay Chelsea na malaki pa din ang paniniwala sa kanya. Kaya kahit na nahihirapan ay hindi pa din siya sumuko. At saka pinili niya iyon, desisyon niya. Dahil sinusuportahan siya ni Daxton ay kailangan din niyang gawin ang hundred percent best niya para maging proud din ito sa kanya.

