SAKTONG paglabas ni Amarah sa banyo ng marinig niya ang mahinang katok na nanggaling sa labas ng pinto ng hotel room na kinaroroonan. Hahakbang sana siya patungo doon ng mapatigil nang makita si Naia na naglakad palapit. Pagkatapos ay binuksan nito ang pinto para tingnan kung sino ang nasa labas ng hotel room nila. "Oh, Friedrich." Kumabog ang dibdib niya nang marinig ang pangalan na binanggit ni Naia. "Why are you here?" "I'm here for Amarah," sagot nito. Pagkatapos ay napansin niya ang pagtagos ng tingin nito kay Naia para sumilip ito sa loob. Hanggang sa magtama ang mga mata nila. Pinagdikit niya ang ibabang labi ng maalala na naman niya ang ginawa nitong paghalik sa kanya sa harap ng kasama. At kahit na hindi siya nakatingin sa sariling repleksiyon sa salamin ay alam niyang pu

