Chapter 5

1507 Words
MULING pinatawag si Amarah ni Sir Daxton sa loob ng opisina nito. May sasabihin yata ito sa kanya. Sakto, isisingit din niya ang pagpa-file niya ng leave ng dalawang araw. Kailangan kasi ni Amarah na mag-leave sa trabaho para samahan ang Mama niya sa pagbabantay kay Amadeus sa ospital. Bukas na kasi ang operasyon nito at kailangan ng magulang niya ang suporta. At nangako din siya kay Amadeus na naroon siya sa tabi nito kapag ooperahan ito. At gusto niyang tuparin ang pangakong niyang iyon sa kapatid. Huminga si Amarah ng malim na buntong-hininga bago siya kumatok sa pinto ng opisina ni Daxton para ipaalam ang presensiya. Nang marinig niya ang baritonong boses nito ay binuksan na niya ang pinto at saka siya pumasok sa loob ng opisina nito. At hindi niya napigilan ang ma-conscious nang mapansin niyang nakatitig ito sa kanya ng pumasok siya sa loob ng opisina nito. "Take a seat, Amarah," wika ni Daxton sa baritonong boses. Tumango naman siya bilang sagot sa sinabi nito. "Bakit mo ulit ako pinatawag?" mayamaya ay tanong niya, alam niyang hindi tungkol sa trabaho niya bilang secretary nito ang pag-uusap nilang dalawa kung bakit siya nito pinatawag, alam niyang sa isang trabaho pa niya. Ang pagiging asawa nito. Sa halip naman na sagutin siya nito ay napansin niya ang paninitig nito sa kanya. Mas lalo tuloy siyang na-conscious sa klase ng titig na pinagkakaloob nito sa kanya ng sandaling iyon. Pasimple na lang niyang iniwas ang tingin dito, kunwari ay may tinitingnan siya sa ibaba niya. She wasn't wearing any makeup. Hindi naman siya mahilig na mag-make up. Polbo lang at liptint ang inilalagay niya sa mukha. Hindi naman kasi sa pagmamayabang ay makinis ang mukha ni Amarah, kahit na sunblock lang ang skin care sa kanyang mukha. Natural na namumula din ang pisngi at labi niya. Makapal at may curve din ang pilik-mata niya. At hugis puso ang shape ng mga mukha. Hindi din siya matangkad pero hindi din naman siya maliit. Sakto lang ang height niya. "Paano tayo paniniwalaan na mag-asawa kung hindi ka comfortable sa titig ko," mayamaya ay wika nito sa kanya. "Lift your face, Amarah. And face me," utos ni Daxton sa malalim na boses. Saglit naman niyang kinagat ang ibabang labi bago siya dahan-dahan na nag-angat ng tingin. At agad na nagtama ang mga mata nila. At pilit din niyang nilalabanan ang mainit na titig nito sa kanya. "That's good, Amarah," wika nito nang tumagal ang paninitig niya dito. "At bilang sagot sa tanong mo, pinatawag kita dahil may gusto akong i-suggest tungkol sa set-up natin," umpisa nito. Tahimik lang naman siya nakikinig sa sinabi nito. "We're married now, Amarah. I want you to live with me. I think we'll get to know each other better if we live under one roof. Kailangan nating makilalang mabuti ang isa't isa bago kita ipakilala sa pamilya ko," pagpapatuloy na wika nito. Hindi naman niya napigilan ang pag-awang ng labi sa narinig na sinabi nito. Magsasama sila? "And don't worry, Amarah. You'll have a separate room at my penthouse. We'll only share a room when we sleep over at my parents' mansion." Mukhang nabasa ni Daxton ang nasa isip niya kaya nagpaliwanag nito. "Pwede... ba akong magtanong?" mayamaya ay wika niya dito. "Go ahead," wika naman nito sa kanya. Medyo hesitant pa niyang itanong ang nasa isip niya pero para sa peace of mind ay naglakas loob na siya. "G-gagawin ba natin?" tanong niya dito. Napansin naman niya ang pagsasalubong ng mga kilay nito habang nakatingin sa kanya. "Anong gagawin?" Pinagdikit niya ang ibabang labi. At kahit na hindi siya nakatingin sa sariling repleksiyon sa salamin ay alam niyang namumula na ang magkabilang pisngi niya. "I-iyon." "Speak clearly, Amarah, so I can understand you." Halos mag-isang linya na ang kilay ni Daxton habang nakatingin sa kanya. Humugot muna siya ng malalim na buntong-hiininga bago niya sinabi ang tanong sa isip niya. "s*x. G-gagawin ba natin iyon?" tanong niya, halos hindi siya makatingin ng deretso sa mga mata nito. At mas lalo lang din yatang nag-init ang pisngi niya nang matapos niyang itanong iyon dito. Napansin niya na natigilan si Daxton sa naging tanong niya. Pero nang makabawi naman ito ng pagkabigla ay nagsalita ito. "No, Amarah," sagot nito sa baritonong boses. "But I think we need to kiss sometimes, especially in front of my family." "On the cheeks?" "Sa lips, Amarah," sagot nito. "Pero gagawin lang natin iyon kapag kailangan," dagdag pa na wika nito sa kanya. Hindi naman napigilan ni Amarah na bumaba ang tingin niya sa mapupulang labi ni Daxton. Ibig sabihin? Matitikman niya ang labi nito? Gaya na lang ng pinapangarap ng ilang kababaihan na nagta-trabaho sa kompanya nito? Mayamaya ay narinig niya ang pagtikhim ni Daxton. At hindi niya ulit napigilan ang pamulahan ng mukha nang ma-realize na nakatitig pala siya sa labi nito. And Daxton sees that! Hinintay muna ni Amarah na humupa ang pag-iinit ng pisngi bago siya nag-angat ng tingin kay Daxton. Nakahinga naman siya ng maluwag nang makita niyang walang kakaiba siyang nakita sa ekspresyon ng mukha nito or wala lang talaga siyang mabasa dahil madalas ay blanko ang ekspresyon ng mukha ni Daxton. "Kailangan po tayo magli-leave in, D-daxton?" Hindi pa talaga siya sanay na tawagin itong Daxton lang. Napansin ni Amarah ang pagtaas nito ng isang kilay. "Ang...ibig ko pa lang sabihin ay kailangan ako lilipat sa penthouse mo?" pagtatama niya sa naging tanong niya. "Your room at my penthouse is ready, Amarah. You can move in tomorrow," sagot nito na ikinakurap-kurap ng kanyang mga mata. Bilib talaga siya kay Daxton dahil bago yata siya nito kausapin ay handa na ito in advance. Gaya na nga lang alukin siya nito na maging asawa nito dahil noong pumayag siya ay ready na ang lahat. Pirma na lang niya ang kulang. "Bukas, Daxton?" ulit na wika niya. "Why? Do you want it now?" he asked, his eyes fixed on hers. Unconsciously, she moistened her lower lip with her tongue. At dahil nakatingin siya dito ay napansin niya ang pagbaba ng tingin nito sa labi niya. Napansin niya ang paggalaw ng adams apple ni Daxton at ang pagsandal nito sa kinauupuan nitong swivel chair. "Masyadong mabilis, magpapaalam pa ako sa magulang ko," mayamaya ay sagot niya sa lalaki. At hindi siya pwedeng umalis agad sa bahay nila dahil kailangan din munang magpaalam sa mga kapatid niya, lalo na si Amadeus na siguradong hahanapin siya. "Okay. Kailan mo gusto?" Nag-isip naman siya ng isasagot. "Pwedeng next week na lang? Magpapaalam pa ako at mag-iisip pa ako ng dahilan kung ano ang sasabihin ko sa kanila." Napansin ni Amarah ang pagkunot ng noo ni Daxton. "Bakit ka pag mag-iisip ng idadahilan mo? You can tell your family straight out that we're married. It's only fitting that you live with your husband." "Hindi pwede," mabilis na sagot niya. Tinaasan naman siya nito ng isang kilay. "And why is that?" "Magugulat ang mga iyon, lalo pa at alam nilang boss kita. At baka makarating sa kapitbahay namin, pag-isipan pa ako ng masama. Baka isipin nila na inakit kita." Minsan may pang-inggetera kasi ang mga kapitbahay nila. Kapag may makitang bago sa kanila ay pag-iisipan na sila ng masama. Napansin niya ang pag-isang linya ng mga kilay nito. "Sabihin mo na ako ang umakit sa 'yo." "Hindi naman maniniwala ang mga iyon," pag-amin niya sa mahinang boses, pero alam niyang narinig nito iyon. "And why is that again?" "Dahil alam nilang hindi mangyayari iyon kaya hindi sila maniniwala," sagot niya, hindi pa din nagbabago ang eskpresyon ng mukha nito kaya nagpatuloy siya sa pagsasalita. "Kasi alam nilang hindi mo magugustuhan ang isang tulad ko, Daxton. Mahirap lang kami. At sobrang yaman niyo. Langit ka," itinaas niya ang kamay para i-emphasize ang agwat nila at saka niya ibinaba ang nakataas na kamay. "At lupa ako. Tanging pagmamahalan lang ng pamilya ko ang maipagmamalaki ko. At wala naman espesyal sa akin. Iisipin lang nila na baka inakit o ginayuma kita kaya mo ako pinakasalan," pagpapaliwanag niya. Sa pagkakataong iyon ay napansin niya ang pagdilim ng ekspresyon ng mga mata nito ng matapos siyang magsalita. "And do you think I think like that? Do you think I care about a person's social status? Na kapag magmamahal o pipili ako ng makakasama habang buhay ay dapat ba sa kapareho ng estado ng buhay ko?" malamig ang boses na wika nito. Bumuka-sara ang bibig ni Amarah sa sinabi nito. Walang siyang mahanap sa boses na isasagot kay Daxton. Mukha yatang na-offend niya ito. "You underestimate me, Amarah. I'm not that kind of man. I don't look at a woman's social status. I look at her character. And if I want to fall in love again, I want to fall in love with good character, not because she's rich or a member of high society." Kinagat ni Amarah ang ibabang labi. Mukha yatang na-offend talaga niya si Daxton dahil sa unang pagkakataon ay ngayon lang niya narinig na nagsalita ito ng mahaba. He's a man of few words, though.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD