INALIS ni Amarah ang tingin mula sa harap ng computer nang marinig niya ang pagtunog ng ringtone ng telepono.
Umayos naman siya mula sa pagkakaupo niya para sagutin ang tawag.
Bubuka sana ang bibig ni Amarah para sana bumati nang marinig niya ang malamig pero baritonong boses ni Sir Daxton mula sa kabilang linya.
"Come to my office now, Amarah," wika nito sa kanya. At gaya ng madalas na ginagawa nito kapag nasabi na nito ang pakay ay hindi na nito hinintay na magsalita siya dahil ibinaba na nito ang intercom.
Iiling na lang naman si Amarah. Tumayo na din siya mula sa pagkakaupo niya para sundin ang pinag-uutos nito sa kanya. Ayaw din minsan ng boss niya na pinaghihintay ito ng matagal.
But wait? Boss na ba niya ito? As far as she knew, they were already married on paper. Nang pumayag siya sa gusto ni Sir Daxton na mangyari ay agad siya nitong pinagpirma ng marriage certificate at nang araw ding iyon ay alam niyang finile na din iyon ng lalaki dahil pumunta doon ang company lawyer nito para siguro utusan ito ni Sir Daxton na i-file iyon.
As promised, Daxton transferred the offered amount to her account.
Inakala niya ay partial lang ang ita-transfer nito sa kanya pero nagulat siya ng i-check niya ang bank account at nakita niya ang balance niya.
Tumatagingting na sampung milyon! First time na magkalaman ang bank account niya ng ganoong halaga. Gusto pa nga ni Amarah na namnamin ang halagang iyon sa bank account niya. Pero naisip niya ang dahilan kung bakit mayroon siyang halagang ganoon. Ang kapatid niyang si Amadeus. Kaya noong may pera na siya ay dali-dali niyang tinawagan ang Mama niya para sabihin dito na may pera na sila para sa heart transplant ng kapatid. At sinabi niya na ipa-schedule na ang operasyon nito. Tinanong naman siya ng Mama niya kung saan niya kinuha ang pera. Sinabi na lang naman niya na pinautang siya ng boss niya ng sabihin niya dito ang sitwasyon ng kapatid. Mabuti na nga lang at hindi na nagtanong ang Mama niya. At nang araw na din iyon ay naka-schedule na din ang operasyon ng kapatid sa susunod na araw. Iko-kondisyon pa kasi ang katawan nito bago operahan.
Humugot naman si Amarah ng malalim ba buntong-hininga bago tumaas ang isang kamay para kumatok ng tatlong beses sa pinto ng opisina ni Sir Daxton para ipaalam ang presensiya niya.
"Come in," she heard his baritone voice.
Pinihit niya ang seradura, binuksan niya iyon at saka siya pumasok sa loob ng opisina nito. Agad namang tumuon ang tingin ni Amarah kay Sir Daxton na nakaupo sa swivel chair nito. At mukhang inaabangan na nito ang pagpasok niya dahil agad na nagtama ang mga mata nila.
"Good morning po, Sir Daxton," bati ni Amarah sa lalaki.
Napansin naman niya ang pagsasalubong ng mga kilay nito. "Why did I tell you?" wika naman nito sa kanya.
"Sir?" takang tanong niya, wala pa naman itong ini-instruct sa kanya kaya hindi niya alam kung ano ang sinabi nito.
I told you, stop calling me Sir," he reminded her. "It's Daxton for you to get used to it," he added.
"Oh," sambit naman ni Amarah. "Sorry, D-daxton. Medyo hindi lang po kasi ako sanay," sagot niya.
"Kaya nga sinasanay ka," medyo may pagkamasungit na wika nito sa kanya. "And don't use po when you are talking to me. I'm your husband now."
Asawa na niya pala ito? Pwede na din ba niya itong pagalitan din kapag nagsu-sungit ito?
Lihim naman siyang napangiti sa isip niya.
"B-bakit mo pala ako pinatawag?" mayamaya ay tanong ni Amarah sa lalaki.
Sa halip na sagutin siya nito ay tumayo ito mula sa pagkakaupo nito sa swivel chair nito. Nakita nga din niya ang pagdampot nito sa bond paper at ballpen sa ibabaw ng executive table.
Sinundan niya ito ng tingin ng maglakad ito palapit sa sofa na naroon sa loob ng opisina nito.
Umupo ito doon, nakita nga din niya ang paglapag ni Daxton sa hawak nito sa ibabaw ng center table bago ito nag-angat ng tingin sa kanya.
"Come here, Amarah," tawag ito sa kanya.
Humakbang naman siya dito. "And take a seat," dagdag pa na wika nito sabay muwestra sa tabi nito.
Umupo naman siya doon. At hindi niya napigilan ang mapakagat sa ibabang labi nang maamoy niya ang mabangong amoy nito na nanunuot sa ilong niya.
Amarah really liked the scent of his expensive perfume. Hindi kasi iyon masyado matapang, sakto lang. At gustong-gusto niya iyong naamoy.
Nakita niyang dinampot nito ang isang coupon bond at ballpen at inabot nito iyon sa kanya.
Nagtataka man ay tinanggap niya ang mga iyon. At hindi nga din sinasadyang nagdikit ang mga kamay nila nang kunin niya ang inaabot nito. At sa pagdidikit ng kamay nila ay may naramdaman siyang mainit na boltahe sa buong katawan niya.
Ano iyon?
At nang mag-angat siya ng tingin kay Daxton ay nakita niyang magkasalubong ang mga kilay nito habang nakatingin ito sa kamay. He seemed to sense what she was feeling.
"Anyway, Amarah. I want you to list down the questions you want me to ask so I can get to know you better. And I'll do the same. Kailangan nating dalawa ito para mapaniwala ang mga magulang at ang ex-girlfriend ko na mag-asawa tayo," wika nito sa kanya kaya siya nito binigyan ng papel at ballpen para isulat doon ang gusto niyang itanong dito.
Tumango naman siya bilang sagot. Inalis niya ang tingin dito at itinuon ang atensiyon sa hawak para umpisahan ang pinapagawa ni Daxton sa kanya.
Nag-isip naman siya ng gusto niyang malaman tungkol dito para mas makilala niya ito. At dahil may alam na siya ng tungkol sa personal nitong buhay, gaya na lang ng age at ang pamilya nito. Mga likes and dislikes na lang nito ang itatanong niya. Gaya na lang ng anong paborito nitong kulay, mga paborito nitong pagkain ay mga disgusto. Sa sandaling iyon habang sinusulat niya ang mga iyon sa hawak na papel ay nangingiti. Para kasi siyang nagsusulat ng slambook.
Nag-isip muli siya ng gustong itanong. Do you still love you ex? Sinulat niya iyon, gusto kasi niyang malaman kung mahal pa ba din nito ang ex-girlfriend nito. Pero mayamaya ay in-erase din niya. Naisip niyang hindi na niya kailangan itanong dahil alam naman na niya ang sagot.
Mahal pa din nito ang ex-girlfriend nito.
At ang huling tanong na isinulat niya doon ay kung anong endearment ang gusto nitong itawag nila sa isa't isa. Siyempre, kung gusto nitong mapaniwala ang pamilya at ang ex-girlfriend nito ay dapat sweet sila.
"Done?" tanong nito nang matapos siyang magsulat.
Tumango naman siya. "Let's exhange our paper," wika nito. Nagpalitan sila ng hawak na papel. Akmang babasahin niya ang sinulat ni Daxtom doon ng hindi na niya nagawa ng magsalita ito.
"I'll read first your question," wika nito. Tumango naman siya.
"What's my favorite color?" basa nito sa isinulat niya. "It's blue and white," sagot nito.
Tinandaan naman niya ang mga sagot nito sa tanong niya. "I don't have specific food that I like. I'll eat kung ano ang nasa hapag. Except for seafood. And, for your information, I have an allergy to it," sagot nito sa kanya. Oh, may allergy si Daxton sa seafood pero iyon ang paborito niya kahit na bihira lang silang makatikim dahil mahal ang presyo. Gayunman ay tinandaan pa din niya ang sinabi nito.
Pinagpatuloy nito ang pagbasa sa sinulat niya at sinasagot naman nito iyon ng maayos.
Mayamaya ay napansin niya ang pagsasalubong ng mga kilay nito habang nakatingin ito sa papel na hawak. "Anong itong in-erase mo?" tanong nito ng mag-angat ito ng tingin sa kanya.
"Ah...wala iyan," sagot naman niya dito dahilan para magsalubong ang mga kilay niya. Ayaw naman niyang sabihin dito ang ini-erase niya na gusto niyang malaman.
"The next question, please?" sabi niya kay Daxton.
Saglit na natili ang tingin nito sa kanya hanggang sa ibinalik nito ang tingin sa hawak na papel.
"Is this necessary?" tanong nito ng mabasa nito ang huling sinulat niya, salubong pa din ang mga kilay.
"Oo naman. Kailangan sa mag-asawa na may endearment sa isa't isa," wika niya. "At sigurado din ako na may endearment ang mga magulang mo para sa isa't isa,"dagdag pa na wika niya.
Hindi ito nagsalita pero base sa tinging pinagkakaloob nito ay mukhang naisip nitong kailangan iyon.
"Gusto mo bang mag-suggest ako?" suhestiyon niya ng hindi pa ito sumasagot, mukhang walang maisip na endearment. Mukhang walang ka-sweet-sweet sa katawan.
"Go ahead?"
"Honeypie?" Kumunot ang noo nito, mukhang hindi sang-ayon. "Sweetypie?" Mas lalong lumukot ang mukha nito. Kaya nag-isip pa siya ng iba. "Asawa ko? Love? Mahal? Sweetheart? Darling? Honey? Baby? babe?" Lahat na lang yata ng maisip niyang pwedeng itawag nila ay binanggit niya. "Dear--
"I'll go with babe," putol nito sa sasabihin niya.
"Hmm?"
"I think, babe is more suitable," wika nito sa malamig pero baritonong boses.
"Sigurado?"
"Yes," sagot nito bago nito ibinalik ang tingin sa hawak na papel para basahin kung may nakasulat pa ba siya doon.
"Okay, babe," sambit naman niya.
At dahil nakatingin si Amarah kay Daxton ay napansin niya na natigilan ito. Dahan-dahan nga din itong nag-angat ng tingin sa kanya. And his peircing eyes fixed on her again.
Awkard naman na nginitian niya ito. "P-pasensiya. Nagpa-practice lang ako," paliwanag niya.
Daxton didn't speak, he just stared at her.