NAG-ANGAT ng tingin si Amarah Rivera nang makarinig siya nang mabibigat na hakbang palapit. At mabilis siyang tumayo mula sa pagkakaupo sa harap ng cubicle nang makita ang boss niyang si Sir Friedrich Daxton De Asis na naglalakad palapit sa cubicle niya.
As usual, seryoso naman ang ekspresyon ng mukha nito. Sa loob yata ng isang taon niyang pagta-trabaho sa Daxton Corporation, ay never pa niya itong nakitaan ng ibang emosyon. He never saw him smile. She didn't even know if he knew how to smile.
Well, hindi na din naman siya magtataka, ganoon din kasi ang ama nitong si Franco at ang mga kapatid nitong lalaki.
They had serious expressions on their faces, and there was always a furrowed brow. Taliwas naman sa ekspresyon ng mukha ng mga kapatid na babae. Ang aliwalas ng mukha ng mga ito dahil laging nakangiti, katulad na lang ng ina ng mga ito na si Ma'am Dana. Ilang beses na din kasi niyang nakita ito kapag bumibisita ito sa opisina ni Sir Daxton.
Isang taon ng nagta-trabaho si Amarah sa Daxton Corp. Secretary siya nito. At iyon ang unang trabaho ni Amarah ng maka-graduate siya ng kolehiyo. Graduate siya ng BSBA major in Marketing Management. Pagka-graduate nga ay agad siyang nag-apply sa kompanya na pag-aari nito nang nalaman niyang may hiring.
Isang malaking kompanya din ang Daxton Corporation. Ang pagkakaalam niya ay sister company ang Daxton Corp. ang De Asis Empire na itinatag ng ama nitong si Sir Franco De Asis na ang panganay na anak na si Francis ang nagma-manage ngayon ng bumaba ito sa posisyon nito bilang CEO.
Sa totoo lang ay suntok sa buwan kung matatanggap ba si Amarah sa trabaho, sigurado kasi siyang iyong may experience at galing sa kilalang unibersidad ang matatanggap sa kompanya. Gayunman ay sinubukam pa din niya ang swerte niya sa pag-a-apply. She did her best on the exam and in the interview. At hindi siya makapaniwala na sa dinami-dami ng nag-apply na magagaling ay siya pa din ang nakakuha ng posisyon bilang secretary ni Sir Daxton--karamihan ay Friedrich ang tawag sa lalaki, pero mas komportable siyang Sir Daxton ang itawag niya dito. At wala namang sinasabi ang lalaki kapag iyon ang itinatawag niya.
To be honest, Sir Daxton is not an easy boss to work for; he's very meticulous. Ayaw nito nang pagkakamali at gusto nito kapag may inutos ito ay dapat agad na sundin. And she tried her very best to meet his expectations. Kahit na may bad temper ang boss niya ay gusto pa din niyang manatili bilang secretary nito dahil malaki itong magpasahod, hindi lang iyon kompleto din ang benefits. At nakakatulong sa pamilya niya ang sinasahod niya. Siya kasi ang bread winner ng pamilya.
Mahirap lang din naman ang buhay nila. Construction worker ang Papa niya at walang trabaho ang Nanay niya, suma-sideline lang ito paminsan-minsan. At mayro'n din siyang sakitin na kapatid na kailangan palagi ng atensiyon na medical.
"Good morning, Sir Daxton," bati ni Amarah sa lalaki. Hindi siya umaasa na hihinto ito para gantihan din siya ng pagbati. Sa isang taon na pagta-trabaho niya doon ay never pa siyang binati ng lalaki. Mapa-good morning o afternoon. He was snob.
And his snobbish attitude made it hard for others to approach him. Minsan nga pati siya, kahit na isang taon na siyang nagta-trabaho bilang secretary nito ay ilag pa din siya minsan na lapitan ito.
Nakakatakot kasi ang awra nito dahil nga bihira lang itong ngumiti. Lalo na kapag tumitig na ang itim na mga mata nito na kung makatitig ay parang pati kaibuturan niya ay tinititigan nito.
Pero laking gulat na lang ni Amarah nang huminto si Sir Daxton sa paglalakad at humarap sa kanya. Nahigit niya ang hininga nang magtama ang mga mata nila. Hindi nga din niya napigilan ang mapatitig sa itim na mga mata nito ng sandaling iyon. And she couldn't help but stare at his piercing eyes.
Wala siyang mabasang anumang emosyon sa mga mata nito habang nakatitig iyon sa kanya. At bubuka sana ang bibig niya para sana tanungin kung may kailangan ito ng inalis nito ang tingin sa kanya at nagpatuloy na sa paglalakad.
At doon lang naman nakahinga ng maluwag si Amarah nang tuluyan itong makapasok sa loob ng opisina nito. Doon niya na-realize na kanina pa pala niya pinipigilan ang hininga.
Humugot naman ng malalim na buntong-hininga si Amarah bago siya bumalik sa pagkakaupo niya.
Itinuloy na din niya ang ginagawa. Inaayos kasi niya ang schedule ng boss niya ngayong linggo. Para kapag tinanong siya nito ay okay na ang lahat.
Pero mayamaya ay nagulat siya ng biglang tumunog ang intercom niya. Agad naman niya iyong sinagot. "Daxton Corp. Good morning--
"Come to my office, Amarah." Hindi na natapos ni Amira ang ibang sasabihin ng marinig niya ang baritonong boses na iyon ni Sir Daxton.
"Sige po, Sir," sagot naman niya dito. Hindi na nga din niya narinig na nagsalita ang boss niya dahil ibinaba na agad nito ang intercom.
Tumayo na si Amarah mula sa pagkakaupo niya para pumasok sa opisina nito.
"Come in," narinig niya ang baritonong boses nito mula sa loob. Pinihit niya ang seradura pabukas at saka siya pumasok sa loob.
Nakita naman niya si Sir Daxton na nakaharap sa laptop nito. Humakbang siya palapit. "Sir?" pagkuha niya sa atensiyon nito.
At that moment, he looked up. He gazed at her for a moment before speaking. "Take a seat, Amarah," he ordered.
Kahit nagtataka ay sinunod niya ang utos nito. Naupo siya sa visitor chair sa harap nito. At nang sandaling iyon ay ang dami-daming pumasok sa isip niya.
Tatangalin na ba siya ni Sir Daxton sa trabaho? Iniisip nga din niya kung may nagawa siyang mali o hindi ba niya nagawa ng maayos ang trabaho niya. Pero sa tingin naman niya ay nagawa niya ng maayos ang trababo dahil iniiwasan niyang magkamali.
But she was taken aback when Sir Daxton spoke to ask her, "'Do you have a boyfriend, Amarah?" in a serious tone.
Bumuka-sara naman ang labi niya sa tanong na iyon ni Sir Daxton sa kanya. Hindi kasi niya inaasahan na itatanong nito iyon.
"I'm asking you, Amarah," untag ni Sir Daxton ng hindi pa siya sumasagot.
"W-wala po, Sir," sagot niya. No boyfriend since birth si Amarah, marami namang nanliligaw sa kanya pero wala siyang ini-entertain dahil focus siya sa pagta-trabaho.
"Someone you like?" tanong ulit nito.
"Crush lang po," sagot lang naman niya.
Napansin niya ang pagsasalubong ng mga kilay nito. "Who?" tanong nito sa kanya.
"K-kuya niyo po," halos pabulong lang na sagot niya.
His brow furrowed even more. "Kuya Francis o Kuya Ford?"
"Kay Sir Francis po," sagot niya, halos hindi siya makatingin ng deretso sa mga mata nito.
"My brother is in love with someone else, Amarah," he said in a cold, baritone voice.
Bahagya naman nanlaki ang mga mata. "A-alam ko po, Sir. Pero crush lang naman po. Humahanga lang ako kay Sir Francis," mabilis niyang paliwanag.
Hindi naman ito sumagot. Sa halip ay tumitig lang ito sa kanya. Napalunok naman siya dahil sa nararamdamang kaba, lalo na sa titig na pinagkakaloob nito sa kanya. "Bakit niyo pala ako tinatanong, Sir?" curious na tanong niya. Hindi kasi niya sukat akalain na magtatanong ito tungkol sa personal na buhay niya.
"I have a proposal to you, Amarah."
"Ano po iyon, Sir?"
Saglit itong hindi nagsalita pero nang bumuka ang bibig nito para sabihin ang proposal nito sa kanya ay hindi niya napigilan ang manlaki ng mga mata.
"I want you to marry me, Amarah."
Napaawang ang labi niya sa gusto nitong mangyari. At nang ma-realize kung ano ang naging reaksiyon ay agad niyang itinikom ang bibig. Napakurap-kurap din siya ng mga mata habang nakatitig siya sa lalaki.
Kahit na gulat na gulat ay hindi inalis ni Amarah ang tingin kay Sir Daxton, tinitingnan kung nagbibiro ba ito. Pero kilala niya ang lalaki, never itong nagbiro lalo na sa bagay na iyon. Seryoso nga ang ekspresyon ng mukha nito habang nakatingin sa kanya ng sandaling iyon.
Pero bakit gusto nitong pakasalan siya. May gusto ba ito sa kanya? At sa isiping iyon ay mas lalong nanlaki ang mga mata niya.
Is Sir Daxton like her?
At mukhang nabasa nito kung ano ang nasa isip niya dahil nagsalita ito.
"I don't like you, Amarah."
Ouch.
Itinikom niya ang bibig dahil medyo na-o-offend siya. Alam naman kasing hindi siya magugustuhan ni Sir Daxton, simple lang kasi siya at hindi naman siya mayaman katulad nito.
"I just need a wife to pretend in front of my family and my ex," he said to her.
Hindi naman siya agad makapagsalita dahil hindi pa nagsi-sink in sa isip niya ang sinabi nito.
"And I give you ten million, Amarah. You just need to marry me on paper," he offered, his tone as detached as a business proposal.
Her jaw dropped when he offered her ten million pesos!