Chapter 78

1631 Words

HINDI alam ni Amarah kung lalapit ba siya o hindi kina Daxton. Pero napagpasyahan niyang lumapit hindi dahil kailangan niya iyong gawin dahil nga nagpapanggap sila na mag-asawa nito kundi dahil gusto niyang bakuran ito mula kay Naia. At hindi nga din maintindihan ni Amarah si Naia kung bakit lumalapit pa ito kay Daxton kahit na alam nitong taken na ito, kahit na alam nitong may asawa na ito. Oo, alam niyang mahal pa din nito si Daxton pero kahit na mahal pa din nito ang lalaki ay dapat alam nito kung saan lulugar, kahit na mahal pa nito ang lalaki ay dapat ay hindi na ito lumalapit pa para walang masirang pamilya. At kung mahal pa din pala ni Naia si Daxton ay bakit hiniwalayan nito ang lalaki? Sa totoo lang, hindi masyadong malinaw kay Amarah ang dahilan ng paghihiwalayan ng dalawa.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD