"AMARAH." Napatingin si Amarah sa kanyang likod ng marinig niya ang boses na iyon na tumawag sa pangalan niya. At nang tumingin siya sa kanyang likod ay nakita niya si Ate Denisse na naglalakad palapit sa gawi niya. "Oh, Ate Denisse," banggit naman niya sa pangalan nito. Nagpatuloy naman si Ate Denisse hanggang sa huminto ito sa harap niya. "What are you doing here?" tanong nito sa kanya. "Nagpapahangin lang," sagot naman niya dito. Pagkatapos kasi nilang kumain ng dinner ay pumuslit siya para magpahangin at para magpababa na din ng kinain. Hindi nga din siya nagpaalam kay Daxton baka kasi sumama ito sa kanya. At ayaw iyon ni Amarah dahil gusto niyang mapag-isa. Sa kabila ng nangyari ay narito pa din sila sa resort sa Batangas kung saan sila nag-a-outing. Pagkatapos ng nang

