Chapter 8

1415 Words
"Hi! Nice to finally meet you Ms. Atheena" Nakangiting wika ni Dominique sabay mahigpit na niyakap ito "Ma... Maria!"- Mahinang bulong ni Tina "Ha?"- Takang tanong ni Dominique at napatitig sa kanya na tila naluluha na "Hoy! Girl! Ok ka lang?''- Tanong din ni Lucy "Ah... Wa... Wala may... May naalala lang ako sa kanya! Kamukha nya kasi yung dati kong kaibigan na si Maria! Yung isa sa naikuwento ko sa yo kanina Lucy" Nanlaki naman ang mga mata ng kaibigan at napaawang ang labi "Really? Kaya pala... Anyway since this is our first meeting together Ms. Atheena alam mo ba ang saya ko kasi gustong gusto ko mga gawa mo at gusto kong sabihin na hindi ako makapag hintay na makita ang mga shots na gagawin mo sa pictorial at sa mismong kasal namin ng fiance ko"- Nakangiting wika parin ni Dominique "Ahh... hehe.. O.. Oo naman itong Bestfriend ko ang pinaka magaling na photographer di ka bibiguin nito Ma'am Dominique hindi ba Tina?"- Siniko pa ni Lucy si Atheena at pinanlakihan pa lalo ng mata "Ha? Ahh... Oo naman!"- Agad ding tugon ni Tina "Anyway anong atin bakit napadaan ka? May kailangan ka ba? May gusto ka ba sa photoshoot? Sana minessage mo nalang kami sa page namin para kami na mismo nag punta sayo''- Wika ni Lucy "No! It's ok actually naisipan ko lang din bisitahin kayo personally dito sa set nyo kasi gusto ko rin kayo makausap and actual na makita yung pagpreprepare nyo alam nyo na medyo di maalis sakin yung kilig factor sa possible na maging outcome sa wedding pictorial namin and nabanggit din sakin ni Sirc na nakausap nya kayo the day after maka recover nila Kuya Simon and si Ms. Atheena so sabi ko sayang naman chance ko na rin sana yun parang nakaramdam kasi ako ng konting inggit dahil di ko manlang kayo nakausap nung nasa hospital pa kasi sila pareho hanggang silip lang din ako medyo may guilt feelings pa din alam nyo na!" "Ano ka ba! Wala yun walang may gusto sa nangyari" "Tama si Lucy! Aksidente lang yun wala kang dapat ika guilty" "Hay! Kahit papaano nakahinga na ako ng maluwag! Anyway Ms. Atheena hindi ko alam kung bakit pero ang gaan gaan ng loob ko sayo even before pa nung makita ko kayo sa page nyo sabi ko mukha kang mabait bukod sa maganda eh ang amo kasi ng itsura mo at ang gaan gaan ng awra mo" "Ako din! Actually alam kong mabait ka talaga kahit noon pa!" "Ha?" "I mean... Diba nga nakakausap mo naman itong friend ko na si Lucy via chat and naku kuwento ka rin nya sa akin kaya alam kong mabait ka!" "Aww.. Thank you thank you talaga!" "Anyway Ms. Dominique what do you want? Coffee? Juice? Soda? what else?"- Singit pa ni Lucy "No! Don't bother Ms. Lucy Ok lang ako siguro just a glass of water nalang" "Oh... Sure! Wait kuha kita! Girl asikasuhin mo muna ang bisita natin ha! Huwag ka maging exaggerated please.." "What do you mean?"- Tanong pa ni Tina kay Lucy "Alam ko iniisip mo pero don't! Si Ms. Dominique yan at hindi kung sinong tao na nabuhay sa unang panahon ha!"- Pinandilatan pa ni Lucy ng mata ang kaibigan habang pabulong na sinabi ito "Fine! Don't worry!" "Ok! Ahmm... Ms. Dominique labas lang po ako saglit"- Paalam pa nito "Sige!" "Ahmm .. Ms. Atheena?" "Yes?" "Wala!" "Ha?" "Ahh.. Ano kasi... Hindi ko ma explain eh pero can i hold your hands?" "Ha?" "Sorry.... Hindi ko rin mapaliwanag nung nakita kitang nakaratay sa hospital sabi ko sa sarili ko you don't deserve that kind of pain! I don't know pero nakaramdam ako ng sakit sa puso ko na di mapaliwanag" "Baka kasi sinisisi mo parin ang sarili mo sa mga nangyari?" "Maybe!" "Akin na ang kamay mo!"- Inilahad pa ni Tina ang kanyang mga palad para akayin si Dominique at hindi naman nagdalawang isip ang babae "Thankful ako dahil masaya ka! Nakikita ko ang pagmamahal sa mga mata mo! At masaya ako dahil nasa maayos kang kalagayan!"- Di mapigilang maluha ni Tina, Para sa kanya ang nakikita niya ng mga sandaling iyon ay ang kanyang naging matalik na kaibigan at tapat na taga silbing si Maria "Ms. Atheena!" "I'm sorry you reminded me so much of my friend back then! I'm really sorry!" "It's ok!" "Can I hug you?" "Ofcourse!" Pagkatapos na magyakap ng dalawa ay nagkatawanan nalang sila pareho. Pareho kasing may luha na sumilay sa kanilang mga mata ng di nila pareho maipaliwanag ang dahilan "Ano ba naman yan? Nakakaloka bakit ako naiiyak?"- Wika pa ni Dominique "Oo nga eh"- Sagot pa ni Tina habang natatawa pang nagpupunas ng luha "Para bang may connection talaga tayo sa isat-isa ano?''- Tugon ni Dominique "Meron talaga! I mean siyempre from now on friends na rin tayo! Hindi ba?" "Oo naman!" "Hi! Here's you water Ms. Dom... Oh bakit? Anong nangyari? Bakit parang nagka iyakan kayo? Anong meron?"- Tanong pa ni Lucy habang may hawak ng pitchel ng tubig at sandwiches "Wala naman! Masaya lang kami pareho"- Sagot naman ni Dominique "Oo nga!" "So pag masaya kailangan umiyak?" "Gaga! Di ba puwedeng nadala sa bugso ng damdamin?" "Ahh ganun?" "Lets talk about the wedding na siguro baka kung saan pa tayo mapunta at lalo tayong magka iyakan eh!" "Ok!" Isang oras din ang itinagal ng pag-uusap nila tungkol sa lahat ng plano ng bride sa kanilang gaganaping kasal at maging sa pictorial nila next week, Napag-alaman din nila na magkababata pala sina Sirc at Dominique. Childhood sweethearts ika nga kaya very memorable dapat lahat ang mangyayari sa kanilang kasal dahil gusto nila itong ipagmalaki maging sa kanilang ka apo apohan kapag sila ay tumanda na "True love! Sana makahanap din ako ng ganyan!"- Wika pa ni Lucy habang nakatanaw sa papalayong sasakyan ni Dominique "Hindi ko nakilala ang naging nobyo noon ni Maria! Pero malakas ang kutob ko na siya rin yung nobyo nya ngayon!" "Si Mr. Sirc Morales?" "Oo!" Tinignan pa ng nakakaloka ni Lucy ang kaibigan "Ayan ka na naman!" - Halata ang frustration sa tinig ni Tina "Hindi ko kasi talaga alam kung dapat ba kitang paniwalaan eh!" - Paliwanag pa ng kaibigan "Alam ko mahirap paniwalaan pero totoo lahat ng sinasabi ko friend! Sumama ka sa akin sa bahay!" "Fine! Pero not now!" "Bakit?" "Lilinisin ko kasi yung condo ko!" "Ha? Eh bakit? Nasan yung jowa mo?" "Wala na kami!" "What?" "Gulat na gulat?'' "Malamang wala ka namang nababanggit sa akin no!'' "Bago palang naman din kasi! Kakabreak lang namin 3 days after mong lumabas ng hospital" "Bakit? Anong nangyari?" "Nahuli ko siyang may babae at dinala pa niya mismo sa condo ko! Ang kapal ng mukha! Kaya feeling ko tuloy ang dumi na ng condo ko'' "What? Tsk! Hindi na siya nahiya sa mismong condo pa na pagmamay ari ng girlfriend nya? Di nya naisip na ikaw na nga itong nagmagandang loob na patirahin siya doon at halos ikaw na tong nagpapalamon sa kanya tapos nagawa nya pang mambabae?" "Exactly! Kaya gigil na gigil talaga ako eh! Sayang ang tatlong taon namin!" "Friend hayaan mo na baka talagang hindi kayo para sa isat-isa" "Ano pa nga ba? Nakakainggit tuloy sila Sirc at Dominique!" "Buti pa sila may forever? Ganun?"- Pang-aasar ni Tina "Oo!" "Sa dinanas ba naman niya sa unang panahon deserved nilang maging masaya ngayon!" "Wala ba ako sa panahong sinasabi mo? Kaya di ko deserve ang happy ending?" "Gaga!" "Seryoso ako!" "Ibig bang sabihin nyan naniniwala ka na sa akin?'' "Ahmm... 50/50!'' "50/50?" "Oo.. Medyo naniniwala kasi na parang hind! Ang hirap kasi eh!" "Hindi naman kita masisisi eh!" "Ano nga? Wala ba ako sa panahong tinutukoy mo?" "Sabi ko sayo hindi ba mga alaala ni Celestina yun! Hindi lahat! Parang pili lang yung nasaksihan ko kaya sana gusto kong makausap yung mismong nagbenta nung lumang aparador na may lamang sulat para maunawaan ko ng tuluyan ang kuwento" "Pero sabi mo napapanaginipan mo na si Sebastian even before pa dumating yung kabinet at yung sulat!" "O.. Oo simula nung birthday ko!" "So paanong naconnect yung sulat sa panaginip mo?'' "Hindi ko rin alam eh!" "Weird!" "Sinabi mo pa!'' "Oh siya umuwi ka na at magdidilim na! Gogora na din ako!'' "Ok! Sige kita tayo tomorrow" "Nakaleave ka parin tomorrow huwag kang assumera! Dalawin kita bukas sa inyo!" "Nyek! Ganun?'' "Oo! Huwag ka ng makulit ok?" "Sige na nga! Bukas ha!" "Oo na!" "Bye!" "Bye!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD