Chapter 7

2043 Words
Awang ang bibig at titig na titig parin si Tina sa lalaking kaharap, Hindi siya makapaniwala pero totoo ang nakikita niya ang mukha tindig at boses nito ay si Sebastian ang kaibahan lang ay nakasuot ito ng moderno at tila ba matagal na rin itong nakatira sa panahong kinabibilangan din niya idagdag pa dito na animoy nahahanay ito sa mayayamang tao base sa pananamit at postura nito. "Miss?"- Untag pa nito sa kanya na ngayon ay naka kunot narin ang noo na nakatitig din sa kanya "Ha?"- Tanging sambit lamang ni Tina "May problema ba?" "Ha? Ahh... Wa.. Wala! A.. Ano kasi..." "Sir! Tumawag po ang Daddy nyo! Kailangan po kayo sa office asap na daw po!" - Biglang singit ng isang lalaki na sa wari ni Tina ay driver nito "I see... Salamat! Miss may I go ahead?" Nakaawang parin ang bibig niya at tumango lamang ng dahan dahan bilang pag sang-ayon Isang ngiti naman ang sumilay sa mga labi ng lalaki bago ito tuluyang tumalikod "What the?? To.. Totoo ba to? My God! Si Sebastian? Nandito sa panahon ko? Humihinga kami sa parehong hangin sa mundo ko? Te... Teka! Kung nandito siya ibig bang sabihin nito nandito rin si.... Si Celestina? Posible kaya na dito nila ituloy yung love story nila?"- Tila baliw na kausap pa ni Tina sa sarili habang sapo sapo pa ang noo "Sir? Mukhang ngayon nalang ulit kita nakitang ngumiti ng ganyan ah! Ayos yan mukhang bumabalik ka na sa dati" "Bakit ho? Ano po ba ako dati? "Naku Sir! Bago ang aksidente eh lagi kayong malungkot at nakasimangot halatang stress na stress kayo" "Talaga po?" - Bumuntong hininga pa muna bago muling nagsalita si Simon "Alam nyo naman po ang pinagdadaanan ko hindi ba Mang Domeng" "Ay Oo naman Sir! Naiintindihan ko naman po kayo, Eh Sir, Si Mam Ana po?" "Ayoko muna po siyang pag-usapan" "Sabi ko nga eh! Hehehe Kamusta ang pag sho-shopping mo?" "Nagtingin tingin lang po ako kung may magandang coat na susuutin ko sa Wedding Photoshoot ni Sirc nasira kasi yung dapat na isusuot ko nung araw na naaksidente ako eh! Kaya lang mukhang wala namang maganda! Siguro dun nalang nga ako sa kakilala ni Dominique na Stylist" "Ganun ba? Hind kasi natin nalibot pa eto kasing Daddy nyo! Pagkalabas na pagkalabas mo ng hospital gusto negosyo agad ang pagtuunan mo ng pansin! Di manlang maawa sayo at pagpahingahin ka!" "Alam nyo naman po kung ano lang ang papel ko sa buhay ni Dad!" "Naku.. Sir hayaan mo pasasaan ba at matatauhan din yang Daddy nyo!" "I doubt it!" "Huwag kang mawalan ng pag-asa! Eh maiba tayo bakit nga pala nakangiti ka paglabas kanina sa mall?"- Usisa parin ni Mang Domeng habang patuloy sa pag mamaneho "Ahh.. Wala ho! Ano kasi yung babae kanina" "Babae? Naku..."- Panunukso pa nito "Wala ho yun! Natawa lang ako sa kanya! Para kasing nakakita ng kung ano! Grabe makatitig" "Asuss... Eh hindi ka pa ba sanay? Eh halos lahat ng mga babae naman na mamagnet sayo!" "Mang Domeng talaga! Palagay ko naman po hindi ganun! Ewan medyo kakaiba lang yung babaeng yun kanina" "Maganda ba?" Ngumiti muli ng nakakaloko si Simon "Naku... Alam ko ang mga ngiting iyan! Nakuha mo ba ang pangalan?" "Hindi nga po eh!" "Asuss... Bakit naman? Ano ba naman yan? Pagkakataon na eh! Kailan ka pa naging mahina sa babae?" "Mang Domeng talaga! May girlfriend po ako! Hindi nga kami ok ngayon pero hindi po kami hiwalay" "Naku.. Alam mo yang si Mam Ana ganda lang ang ambag nyan pero sa totoo lang di ko nakitaan ng concern sayo yan isa pa pera at pangalan lang ang habol sayo nyan maniwala ka! Pasensiya ka na ha! Pero palagay ko wala talagang pagmamahal sayo ang babaeng yun!" "Maluho lang ho talaga si Ana! Pero magtatagal po ba kami ng limang taon kung hindi nya ho ako mahal?" "Puwedeng noon oo o sabihin na nating siguro nga minahal ka niya pero baka nag-iba na ang pagtingin niya sa iyo ngayon hindi lang niya magawang aminin sa iyo dahil natatakot siyang mawala sa kanya ang lahat! Mano bat pati condo at allowance nya sayo nya kinukuha samantalang puro pagpapaganda at pagpapaseksi lang ang alam niyan" "Mang Domeng talaga! Model po kasi siya!" "Alam mo sayang ka! Guwapo! Mayaman! Matalino pero tanga ka pagdating sa babaeng yun!" "Hindi lang po kayo ang nagsabi nyan!" "Ewan ko ba sa iyo! Mula nung maaksidente ka ni kamustahin ka hindi niya nagawa eh!" "Tumawag naman po siya nung pagkalabas ko ng hospital" "Siyempre alam niyang may mahihita na siya ulit sayo!" Ibinaling nalang ni Simon ang tingin sa may bintana at nakita naman ito ni Domeng kaya bumuntong hininga rin ito "Pareho kayo ng Mommy mo!" "Sabi nga po nila''- Tugon ni Simon kasabay ng ngiting hilaw sa mga labi Ilang Saglit pa ang nakalipas at nakarating na sila sa building na pag-aari ng mga Morales "Simon! Mabuti at narito ka na! Magsisimula na ang meeting!" "Kumpleto na po ba ang lahat Dad?" "Kanina pa! Ikaw nalang ang kulang! Bilisan mo kailangang mai-close deal mo ito at medyo malaki ang nasayang sa atin nung mga panahong nasa hospital ka!'' "Yes Dad!" Iiling iling nalang si Mang Domeng habang inaayos sa table niya ang ibang gamit ng batang amo. Samantala... Nakarating na sa Parke si Tina ng di niya namamalayan kanina pa siya naglalakad ng wala sa sarili at di alam kung saan tutungo nasa isip pa rin niya ang lalaking nakita niya at pilit na tinatanong sarili kung si Sebastian nga ba iyon kung ganun kasi posibleng may connection nga ang nakaraan at kasalukuyan posibleng ang mga naranasan niya nung panahong comatose siya ay hindi talaga gawa gawa lang ng kanyang isip pero paano niya ito maipapaliwanag sa iba? Paano din niya muling makakausap ang lalaki at kung makausap niya ito maniniwala rin kaya ito sa kanya? Paano niya mabibigyang kasagutan ang mga tanong sa kanyang isip? At paanong nangyari ang lahat ng ito? "Kailangan kong malaman kung sino ang nagmamay ari nung kabinet! I mean oo si Celestina ang nagmamay ari nun noon pero... Sino ang nagbenta nun sa shop nila Mama? posible kayang kamag anak siya? Baka may makuha akong sagot sa kanya! Hindi ko pa rin naman alam kung ano na ang nangyari kay Celestina simula nung mawala si Sebastian Buo na ang pasya ni Tina isipin man ng iba na nasisiraan na siya ng bait ay wala na siyang pakialam ang mahalaga ay mabigyang kasagutan ang lahat ng tanong sa kanyang isip kaya naman kinabukasan din ay nagtungo siya sa shop na pinagtatrabahuan ng ina upang alamin nga sa mga ito ang pangalan at address ng nagbenta sa kanila ng antigong kagamitan at ganoon nalamang ang tuwa niya ng sa wakas ay nakuha rin niya ang gusto niya, Napag alaman niyang Melanie Paras ang pangalan nung mismong kumontak sa shop para ibenta nga ang mga ito at sila ay taga Cavite kaya naman nagpasiya si Tina na maglaan ng tamang oras at araw para bisitahin ito. "Girl? Bakit andito ka?" - Tanong pa ni Lucy "Binibisita ka!"- Nakangiting tugon naman ni Tina "Wow ha! Na touch naman ako! Parang totoo ah!" "Gaga! Di ba ako pwedeng pumunta dito sa set nyo? Ayaw nyo ba akong makita?" "Hindi naman sa ganun kaloka to! Eh bakit nga kasi?" "Nabuburyong na ako! Gusto ko ng magtrabaho hinahanap hanap na ng daliri ko ang pagpitik sa camera ko gusto ko na ulit kumuha ng magagandang shots!" "Kaya mo na ba?" "Hoy! Anong palagay mo sakin?" "Hello! Comatose ka for two months remember? Aba malay mo biglang nanibago ang mga kamay mo!" "Tse! Kahit ilang taon pa akong macomatose yung passion ko sa pagkuha ng magagandang litrato hindi magbabago!" "Ayy... Wow! Parang pinariringgan mo naman si Stacey nyan!"- Buwelta pa ni Lucy sabay baling sa babaeng kararating lang din at may hawak din na camera at malaki ang pagkakangiti sa kanila "Naku... Oo naman alam ko naman mas magaling talaga sakin tong si Atheena!"- Sagot pa ni Stacey "Kita mo na!"- Agad na pagmamayabang pa ni Tina "Naku... Stacey ginatungan mo pa yan mangungulit na talaga yang pumasok!" "Hahaha... Ok lang ba sayo girl?"- Tanong ni Tina kay Stacey "No problem! As long as your ok na talaga!" "Yes I'm ok na talaga!" "Aba eh! Kung ganun ikaw ang bahala! Ako eh nagmamagandang loob lang naman din dito since friend ko rin kayo at dagdag raket din naman to pero kung talagang gusto mo ng pumasok syempre eskapo na ako diba?"- Sagot naman ni Stacey "Thank you talaga Stacey ha!" "Nah... Don't mention it! Wala lang yun sinu-sino pa ba ang magtutulungan kundi tayo tayo rin naman hindi ba?" "The best ka talaga girl!" "Oh siya tapusin ko lang tong last set ko ha para kung gusto mo bukas mag start ulit eh sayo na yung next project" "Sure..." "Alright!"- Bumeso pa ito sa dalawa bago muling umalis "Ikaw talaga ang tigas ng ulo mo!"- Sita muli ni Lucy "Ok na nga sabi ako eh!" "Ano bang pinagkaka abalahan mo? Mukhang di ka nga napipirmi sabi ni Tita Merly lagi ka nga raw wala sa inyo?" "Inaaliw ko lang ang sarili ko!" "Asuss .. Buti sana kung sa pag-aaliw mo eh makatisod ka na ng boyfriend!" "Baliw!" "Oh bakit?" "Walang ganun" "Eh bakit? Anong pumipigil sayo? Maganda ka! May magandang trabaho naman kahit papaano, Mabait medyo maldita lang pero ok na rin! Kaya di ko maintindihan bakit ba? Ayaw mo ba o sadyang walang nagkakamali?" "Ewan ko din eh! Pero siguro...." "Siguro ano?" Saglit na nag-isip pa si Tina kung sasabihin ba sa kaibigan ang tungkol sa nakaraan "Ano?"- Untag pa muli ni Lucy "Ahmm.. Wala lang! Naisip ko lang paano kung... Paano kung meron pala akong unfinished business sa past life ko?" "What? Saan galing yun? Ano yun?" Napa roll eyes naman si Tina "What if kaya di ako makahanap ng boyfriend dito kasi may kailangan akong tuklasin sa past life ko?" "Girl! Feeling ko kulang ka pa sa pahinga talaga!" "Makinig ka! Pero promise me di mo ako pagtatawanan ha!" "Ano? Well depende sa sasabihin mo" "Ganito kasi...." At ikinuwento nga nito sa kaibigan ang lahat ng naranasan niya mula pa noon bago siya ma comatose at yung mga naranasan niyang paglalakbay sa panahon nila Celestina at Sebastian nung panahon na wala siyang malay "Teka! Teka! So you mean? Naniniwala ka na ikaw si Celestina?" "No! Hi... Hindi naman sa ganun! Ewan ko!" "Girl sabi mo nakita mo sa salamin ang sarili mong reflection sa mismong salamin din na kung saan nakatingin si Celestina? Mukha mo yun hindi ba? So meaning maaaring ikaw yung katauhan na yun noon? Umamin ka? Umaasa ka diba?" "Ha? Eh..." "Alam mo ikaw! Ang tindi ng ilusyon mo! Dala lang yun ng gamot! Nag-aagaw buhay ka nung mga panahon na yun kaya kung anu-anong akala mo eh nangyayari sayo" "So hindi ka naniniwala sakin?" "Girl! Mahirap paniwalaan!" "Eh yung sulat? Tama... Baka maniwala ka pag nakita mo yung sulat!" "Anong sulat?'' Muling nagkuwento si Tina "I... I don't know what to say!" "Diba?" "Ewan ko! Sumasakit ang ulo ko sayo!" "Pupuntahan ko yung Melanie Paras aalamin ko ang lahat" "Seryoso ka?" "Oo! Sasamahan mo naman ako diba?" "What?" "Please..." "Ke.. Kelan ba?" "Siguro after nalang ng sched natin kina Sirc and Dominique" "O..Ok.. Di ako sure sa gagawin natin pero bahala na! Pati ako feeling ko nababaliw na rin sayo" "Ipapakita ko sayo yung sulat pag dumaan ka sa bahay para maniwala ka! Pero please secret lang natin to huwag mo narin banggitin kay Mama dahil sigurado mag-aalala yun!" "Malamang! Baka isipin nun bakit biglang nabaliw ang anak niya!" "Lucy!" "Fine! Para magtigil ka na!" "Si Sebastian yun malakas ang kutob ko si Sebastian yun!" "Oh tapos?" "Kailangan kong tuklasin kung nasaan si Celestina!" "Hay naku! Oh siya tumabi tabi ka na dyan! Magliligpit na ako"- Akma pang tumayo si Lucy para iayos ang ibang nakakalat na gamit doon "Nak! Nak!" "Yes? Oh... Miss Dominique? Naparito ka? Anong atin?"- Gulat na tanong pa ni Lucy ng makita ang fiance ni Sirc "Do.. Dominique? I...Ikaw?"- Utal na tanong ni Tina "Oo girl! Siya yung fiance ni Mr. Sirc! Diba sobrang bagay sila!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD