Chapter 6

2014 Words
"Mahal ko! Nandito ako!" "Sebastian?' "Tina? Dok! Dok! Ang anak ko!" Narinig niyang nagkakagulo ang lahat mabigat ang talukap ng kanyang mata pero pilit niyang ibinubuka iyon hanggang sa unti unting nagliwanag ang kanyang paligid "Anak? Tina?" "Ma? Mama?...." "Tina! Diyos ko salamat po! Nagkamalay na ang anak ko Atheena!"- Umiiyak pang napayakap si Merly sa kanya "Mrs. Tumabi po muna kayo susuriin pa po namin siya!" "Sige po Doc!" "Ano pong nangyayari? Mama? Nasan po tayo?" "Anak!" "Natatandaan mo ba kung ano ang nangyari sayo?"- Tanong pa ng Doktor "Ano pong ibig nyong sabihin? Ano po bang nangyari?" "Anak! 2 months kang naka confine dito! 2 months kang comatose!" "Po?" Pinalabas muna saglit si Merly para masuri ng maayos si Tina ng Doktor, Maya maya nga ay lumabas na rin ang doktor at sinabing ok na nga si Tina magaling na siya kailangan nalang niya magpahinga pa ng isang araw pero maaari na siyang iuwi "Ma! Ano pong ginagawa ko dito?" Tanong kaagad ni Tina pagkapasok ng ina "Tama nga si Dok! Hindi mo nga maalala ang nangyari sayo nung naaksidente ka" "Ano pong aksidente? Ano pong sinasabi nyo? Di ko.."- Unti unting nag flashback sa kanya yung araw na umalis siya ng bahay "Iyon ba? Kasi..." "Ang tagal naming naghintay na magising ka anak! Kung alam ko lang na maaaksidente ka sana pala hindi na kita ginising para pumunta sa wedding pictorial na yun!" "Wedding pictorial?"- Kunot noo pang tanong ni Tina "Oo! Iyon yung araw na naaksidente ka!" "What? Teka! Mama! naguguluhan ako!" "Nagawa ko pang tawagan ka nun para ipaalam sa iyo na nasa kuwarto mo na yung nagustuhan kong kabinet na may salamin pero bigla kang nawala sa linya! Di na kita ulit makontak iyon pala ay nabangga na ang sasakyan mo! Kaya pala bigla nalang akong kinabahan matapos kong makarinig na parang may sumabog" "Imposible!" "Anong imposible?" "Ok pa ko nun Ma! Nakauwi pa ako nun eh! Nakapag-usap pa nga tayo eh! Isa pa matagal na yun ang dami pang nangyari!" "Ano bang sinasabi mo? Mukhang epekto ng gamot yan kaya ka nagkakaganyan" "Ma! Totoo po ang sinasabi ko!" "Ang importante anak! Magaling ka na! Makakauwi ka na!" "Ma!" "Ayos na anak! Masaya si Mama kasi ligtas ka na!"- Niyakap pa ni Merly ang anak kaya hindi nalang umimik si Tina kahit na sobrang gulong gulo na siya alam niya sa sarili ang mga nangyari, Alam niyang totoong lahat yung mga naranasan niya! "Tina! Omg! Girl!" Naiiyak pang binuksan ni Lucy ang pinto at kumaripas ng takbo sa kanya at napangiti na lamang si Merly habang nililigpit ang mga gamit ng anak "Oh? Anyare sayo?"- Wika pa ni Tina "OMG! OMG! Ok ka na nga talaga! Thank you Lord talaga! Diyos ko ginulat mo kami sa nangyari" "Talaga bang yung accident na nangyari eh yung araw ng Wedding pictorial natin with ano ngang name nila?" "Yup! Sila Mr. Sirc Morales and Dominique Jacob ang masama pa nyan yung kapatid nya ang kasalpukan mo si Simon Morales kaya ayon postpone yung wedding nung magkasintahan" "What?" "Oo girl! Pero mukhang ok na rin siya nadaanan ko kanina mukhang masaya at maaliwalas na ang mukha nung mag-asawa!" "Talaga Lucy? Aba'y ibang klase talaga magbiro ang tadhana ano? Sabay silang naaksidente at sabay din silang gumaling?"- Singit ni Merly "Oo nga po Tita eh! Anyway sa akin na kayo sumabay! Dala ko yung Van ko!" "Sige! Mabuti pa nga Hija!" Matapos mag-ayos ng mga gamit at maayos ang bill sa hospital ay lumabas na sila para tuluyan ng umuwi. Sa kanilang pag labas ay naabutan naman nilang nagkakagulo at tila may mga media pang nakapalibot sa kung sino man ang iniinterview "May artista ba dyan?"- Tanong ni Merly "Ewan!"- Sagot lamang ni Tina "Ahh... Si Simon Morales siguro! Sabi ko naman kasi sa inyo sikat na business man yun!" "Tapos?"- Tanong pa ni Merly "Big deal sa kanila yung pagkaka aksidente nya at ngayong magaling na siya syempre isang malaking balita na naman yun mabuti na nga lang at lumabas talaga sa cctv footage na accident talaga yung pagkakasalpukan ninyo dahil kung hindi lagot na talaga!" "Ano bang nakita sa cctv?" "Parehong mabilis yung takbo nyo! Sabi pa ng mga pulis baka dahil sa parehong mabilis yung takbo nyo eh pwedeng pareho daw kayong nawalan ng preno!" "Pero hindi naman ganun kabilis yung takbo ko nun ah!"- Pangangatwiran pa ni Tina "Ssshh.... Tumahimik ka girl! Baka may makarinig deretso nalang tayo huwag na tayong makiusyoso pa!" "I'm still Blessed! Kasi hindi ako iniwan ng Diyos! Salamat po sa mga nagdasal para sa akin" Narinig pa nilang wika ng lalaking iniinterview "Bakit parang narinig ko na ang boses nya somewhere?"- Sabi pa ni Tina "Malamang baka sa mga seminars madalas din siyang mainvite para maging speaker tsaka baka sa tv na rin sabi sayo sikat siya girl! Guwapo din kasi" "Ahh... Baka nga!" Matagal bago sila tuluyang nakalabas ng hospital dahil kinailangan pa nilang sumingit sa mga tao doon makadaan lang "Wait! Miss Lucy!" Narinig pa nilang tawag ng isang lalaki bago ni Lucy tuluyang mabuksan ang pinto ng sasakyan "Mr. Sirc? Kayo po pala bakit po?" "Thank God! Naabutan ko kayo! Ang bilis nyo!"- Medyo hinihingal pa ito "Ayy bakit po? May kailangan po kayo?" "I'm glad that your friend is ok now! Miss?" "Atheena po Sir Sirc?"- Si Tina na mismo ang sumagot "Ahh yes Atheena! Mabuti at pareho na kayong ok ni Kuya! Hinabol ko kayo para sana i settle yung naudlot nating pictorial? Yung photoshoot para sa wedding namin ng fiance ko!" "Really? Seryoso po kayo? After what happened willing parin po kayong kunin kami? - Namimilog pa ang mata ni Lucy sa labis na pagkatuwa "Why not? Hindi naman natin pareho ginusto ang nangyari and besides they are both ok now! Thanks to God! And sobrang gustong gusto ni Dominique yung fiance ko? Yung shots ni Miss Atheena and yung mga designs ninyo sa pag hahandle ng mga event since pina follow din kayo ng fiance ko sa page nyo" "Talaga po? Su... sure po! Kelan nyo po ba gusto?"- Sagot ni Lucy "Maybe 2 weeks from now iaayos pa din kasi ni kuya ang sched nya! Alam nyo na marami rami din siyang na missed sa works na kailangang tapusin" "Ahh... I see... Ok po basta message nyo lang po kami sa page namin once may exact date na po para di na po kami makapag compromise sa iba na katulad ng date na napili ninyo" "Ok! Thank you so much!" - Nakipagkamay pa ito sa kanilang dalawa "Thank you din po for trusting us"- Sagot pa ni Lucy habang nakangiti lamang si Tina "No worries my pleasure... Sige alis na ko yun lang naman mas ok na kasi na makausap ko kayo in person kesa sa phone para mas sure and para din mabati kita Miss Atheena! Nakakakonsensya din kasi kahit sabihin nating walang may gusto sa nangyaring accident since sa amin yung event kami yung dahilan nung pagpunta mo doon parang kami tuloy yung naging way of accident ninyo" "Hala! Ok na po Sir Sirc! Huwag na po nating pag-usapan yun ang importante ok na po ako at ok narin ang kuya mo!" "Thank you!" "Thank you din sir" "Sayang di ko nahila si Kuya! Para sana magkakilala kayo!" "Ok lang po! May next time pa naman!" "Tama! Tsaka magkikita din naman sila sa pictorial!"- Wika ni Lucy "Sabagay! Sige! Bye!" "Bye Sir!" "Mahal parin talaga tayo ni Lord! Akalain mo yun sa kabila ng lahat tayo parin ang gustong gawing event organizer and photographer nung mag jowa"- Di mapigilan ang ngiti ni Lucy "Oo nga eh! Mukhang mabait talaga sila"- Sagot naman ni Tina "Sinabi mo pa!" "Ang guwapo din ano?"- Singit pa ni Merly "Ayy.... Tita! True! Wapak na wapak sa kaguwapuhan, Maganda din kasi yung girlfriend bagay sila pero huwag ka Tita si Simon Morales kung naguwapuhan ka kay Sirc mas guwapo yung kuya! Yummy! Talaga kaya kung sakaling na dead yun ang laking sayang talaga!" "Ha? Totoo ba? Kaya pala panay sabi nila Tonyang na sana gumaling si Pogi! Pogi pala talaga?" "Oo Tita! Walang walang sinabi yung mga artista sa kanya! Kaso may jowa din na model eh! Pero sabi pa ng mga nurse na mga maritess din ni minsan daw hindi sumilip o bumisita yun baka daw kasi hiwalay na!" "Ohh? Talaga? Baka nga!" "Mag chismisan talaga?"- Singit pa ni Tina "Ayy... Girl! Totoo kasi kung ako jowa nun araw araw ko siyang bibisitahin kahit gaano ako ka busy!" "So saan tayo bukas?"- Pag-iiba pa sa usapan ni Tina "Ha? What do you mean?" "Work? Malamang?" "Hoy! Kakalabas mo lang sa hospital magpahinga ka muna ano ka ba? Di mo ba narinig sinabi ni Sirc? 2 weeks from now daw... So meaning magiging busy ulit tayo kaya no! Magpahinga ka muna at baka mamaya mabinat ka!" "Kaloka! Ok na ako! Wala namang masakit sa akin noh!" "Ang tigas ng ulo! Tita oh! Pagsabihan mo nga tong anak mo!" "Tama si Lucy anak! Total naman 2 weeks from now na yun kaya samantalahin mo muna ang bakasyon!'' "Haist!" "Ano yan? Bakit?"- Tanong pang muli ni Lucy "Wala!"- Ang totoo ayaw ni Tina mapirmi sa bahay dahil masyadong magulo ang kanyang isip hindi niya masabi sa mga ito ang nararamdaman kasi di rin niya kayang i explain at hindi rin niya alam kung paniniwalaan ba siya ng mga ito. Pagdating sa bahay ay dumeretso na siya sa kanyang silid at tumambad agad sa kanya ang kabinet na ibinida pa ng kanyang ina "Opo! Ma! Sige po alam ko na po! Magpapahinga na po ako! Salamat po!"- Putol pa nito sa mga sinasabi ng ina tungkol sa Kabinet "Ano ka ba namang bata ka! Di pa nga ako tapos mag explain eh" "Alam ko na po lahat Ma! Don't worry iingatan ko po ito! Promise!" "Sige na nga bababa na ako! Kung may kailangan ka tawagin mo lang ako ha!" "Opo!" Hinimas pa ni Tina ang Aparador at humarap sa salamin nito "Celestina! Sebastian! Totoo kayo hindi ba?"- Naluluha pang wika ni Tina Maya maya pa ay naisipan muli niyang buksan ang drawer na dati kinalalagyan ng sulat at doon nga ay natagpuan niya ito. "Sabi ko na eh! Hindi yun ilusyon! Totoo yung mga naranasan ko! Yung mga nakasulat dito nabasa ko na to eh! Sabi ko na! Pero bakit? Paanong nangyari lahat yun? Kung naaksidente pala talaga ako? Sebastian? Sana mapanaginipan ulit kita! Kayo ni Celestina!" Isang linggo na mula ng lumabas si Tina sa Hospital ngunit isang linngo na ring di ginugulo ng tinig ni Sebastian ang dalaga at unti unti naring nawawalan ng pag-asa si Tina na malaman ang kasagutan sa mga nagyayari sa kanya iniisip na lang niya na marahil nga ay ipinasilip lang sa kanya ang mga nangyari sa past nya kaya marahil hindi niya magawang mag nobyo sa kasalukuyan ginagawa nalang niyang biro ang lahat para di na rin siya ma disappoint sa sarili. Isang araw naisipan nalang ni Tina mamasyal sa labas dahil naiinip na rin talaga siya sa loob ng kanilang bahay, Napag pasiyahan niyang magpunta sa Mall at manood ng movie para aliwin ang sarili. "Akala ko pa naman maganda yung movie na yun eh ang boring naman pala sayang lang ang pera ko dun ah! Haist! Ano naman kaya ang susunod kong gagawin? Saan ako pupunta?" Ilang saglit pang naglakad lakad si Tina at sa kanyang pagtitingin tingin sa loob ng mga kilalang clothing brand sa mall ay may pigura siya ng isang pamilyar na lalaki ang umagaw ng attention niya. Isang matangkad, Matipuno, Moreno matangos ang ilong at magandang mga mata.. Isang lalaki lang ang kilala niyang may ganitong anyo, Hindi siya maaring magkamali ilang beses pa niyang ipinikit dilat ang mga mata pero hindi nawawala sa kanyang paningin ang lalaki kaya naman dahan dahan siyang lumapit dito at pinakatitigan ito. "Miss? May... May dumi ba ako sa mukha?"- Wika ng malalim na tinig nito at oo ito ang tinig ng lalaking iyon "Se.... Sebastian?"- Garalgal pang tinig ni Tina
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD