Naging kapansin pansin ang pagbabago ni Tina ng mga sumunod na araw, Naging malulungkutin siya at bihira lang kung kumibo hindi din siya sumasama na sa mga lakad nila ni Lucy kapag may mga event silang pinupuntahan lagi lamang siyang nagkukulong sa kanyang kuwarto
"Anak! Aalis na ako! Di ka parin ba papasok sa work mo?"- Tanong pa ng ina niya
"Hindi po Ma!"
"Ayos lang ba kay Lucy? Di ba siya nagtataka? Mag-iisang linggo ka ng ganyan! Nag-aalala na ako sayo! Gusto mo ba dalhin na kita sa hospital?''
"Ayos lang po ako Ma!"
"Bakit ba kasi ayaw mo magsabi sa akin kung ano ba talaga ang nangyayari sayo?"
"Ma! Sige na po! Pumasok na po kayo huwag nyo na po akong intindihan ok lang po ako!"
"Atheena!"
"Ma! Ok lang po ako!"
Huminga muna ng malalim si Merly
"Oh siya sige! Huwag mo kalimutang kumain ha! Aalis na ako"
"Sige po Ma!"
Hinalikan pa ni Merly sa pisngi ang anak bago tuluyang umalis
Mag-iisang linggo na mula nung masaksihan ni Tina ang nangyari sa nakaraan ni Celestina ngunit parang para sa kanya ay kahapon lamang ang lahat, Mula din nung gabi na yun hind na niya napanaginipan pa sina Sebastian man o Celestina pati ang liham na nakatago sa drawer ay hindi na rin luminaw pa ang ibang natitirang bahagi ng sulat na nakalagay doon, Marami pa sana siyang katanungan na magpahanggang ngayon ay walang kasagutan kaya labis siyang nalulungkot dahil gusto niyang malaman kung ano ang nangyari matapos na magdesisyon ng magkasintahan na magtanan, Paanong naikasal si Celestina kay Delfin? Anong nangyari kay Sebastian at ano din ang sumunod na nangyari kay Celestina matapos siyang gahasain ng asawa niya noon? Iniisip rin niya na kung siya si Celestina sa panahong iyon ano ang dahilan bakit ipinapakita muli ito at ibinabalik sa kanya ang tungkol sa kanyang nakaraan?
"Kamusta ang Kuya mo?" - Tanong ni Roberto sa anak na si Sirc
"Wala parin Dad! Hanggang ngayon hindi parin po siya nagkakamalay! Nagtataka na nga rin po ang mga Doktor kasi ok naman na daw lahat ng vital signs nya"
"What is going on? How come that he's still not awake? Ang daming pending na transactions ngayon sa opisina!"- Tila dismayado pa si Roberto
"Dad! Kuya is still unconscious because of the accident that he went through tapos business parin ang iniisip nyo? Bakit hindi nyo isipin muna ang tuluyang pag galing nya? Magpakita ka naman sana ng kahit na konting concern sa kanya!"
"I am!"
"No your not Dad! Wala kang ibang iniisip kundi ang negosyo! Si kuya? Siya ang nagpakapagod at gumapang para mapalago ang negosyo kaya kailangan mo siya pero kahit kailan hindi mo siya trinatong anak!"
"Sirc! Huwag mo akong sabihan sa kung ano ang dapat kung gawin!"
"Bakit Dad? Totoo naman diba? Ginagawa ni Kuya ang lahat maibigay lang lahat ng gusto mo! Kahit yung mga bagay na labag naman talaga sa kalooban niya ginagawa at sinusunod parin niya kasi yun ang gusto mo! Dahil iniisip ka nya! Iniisip nya ang mga bagay na makakapag pasaya sayo dahil gusto nya matutunan mo siyang tanggapin siya bilang anak mo! At hindi bilang bunga ng pagkakamali lang ni Mom noon!"
"Shut up! Sirc!"
"Dad! Mahal ka ni Kuya! Kahit parati mo siyang pinapakitaan ng hindi maganda! Ikaw ang kinikilala nyang ama! Pero bakit ganyan ka sa kanya? Hindi kasalanan ni Kuya kung naging anak siya ni Mommy sa iba! Dad!"
"Aalis na ako balitaan mo nalang ako oras na magkamalay na siya!"
Lumakad na palayo si Roberto
"Hon!"- Agad na nilapitan ni Dominique si Sirc at niyakap
"I hate him"- Sagot pa ni Sirc
"No! Please don't! He's your father! Hindi rin magugustuhan ni Kuya Simon na magalit ka sa ama mo!"
"Bata palang kami sinasaktan nya na si Kuya! Pero hindi nagpakita ng masama si Kuya! tapos nung nakakatulong na si Kuya sa negosyo? Oo medyo naging ok ang treatment nya pero hindi bilang anak kundi bilang parte lang ng negosyo! Pera! Yun lang kasi ang mahalaga sa kanya!"
"Hon! Kailangan ka ng kuya mo higit kanino man!"
"Anong sabi nila Mommy Ynez? Ok lang ba sa kanila na ituloy nalang ang kasal natin next year?"
"Ayos lang sa kanila Hon! Don't worry!"
"Iyong nakabangga ni Kuya? Hindi parin ba nagigising?"
Umiling iling pa si Dominique
"Katulad ng kuya mo hanggang ngayon! Nananatiling comatose din siya!"
"Ganun ba?"
"Kumain ka na ba? May dala akong pagkain dito''
"Busog pa ako Hon!"
"Naku.. Baka ikaw naman ang magkasakit nyan eh! Sumubo ka kahit ilang kutsara lang ako pa naman nagprepare nito para sayo tapos hindi mo titikman?"- Paglalambing pa ni Dominique sa fiance niya
"Sige na nga! Kung hindi lang talaga kita love eh!"
"Hmmp... Alam ko namang hindi mo ako matitiis eh!"
"Salamat Hon ah! Hindi mo ako iniwan! Palagi kang nandyan sa tabi ko!"
"Ano ka ba? Magiging asawa na kita kaya bakit kita iiwan? Ngayon pa ba kita susukuan? Ikaw talaga! Tsaka lahat ng mahal mo at mahalaga sayo mahal ko din at papahalagahan ko din!"
"Napakasuwerte ko talaga sayo! Hindi ka katulad nung Ana na yun!"
"Hindi pa rin ba siya bumibisita dito?''
"Mula ng maaksidente si Kuya never pa siyang sumilip!"
"Mahal na mahal pa naman siya ni Kuya Simon!"
"Kaya nga eh!"
"Baka naman busy lang siya?"
"Uunahin nya pa talaga kung ano mang pinagkakaabalahan niya kesa sa boyfriend nya na nakaratay sa hospital?''
"Hay! Ewan ko ba? Pero sana sa pag gising ng kuya mo matauhan na rin siya na hindi si Ana ang babaeng nararapat sa kanya!"
"Sana nga! Sana matauhan na siya sa babaeng yun!"
"Girl! Ano na? Kamusta ka na? Kelan ka babalik? Miss na kita!"
"Pasensiya ka na talaga Lucy ha! Di ko pa kaya eh!"
"Ano bang problema mo kasi? Nag-aalala sayo si Tita Merly!"
"Mahirap ipaliwanag eh! Kasi kahit ako sa sarili ko hindi ko na rin alam kung ano ba talagang nangyayari sa akin! Hindi ko rin alam kung kelan ako magiging ok!"
"Bakit hindi ka muna mag unwind? Try to go somewhere else! Mag beach ka! O di kaya naman ay umakyat ka ng bundok! Huwag mong isipin kung ano man yang gumugulo sa isip mo! Relax!"
"Sinusubukan ko naman eh! Sa totoo lang! Gusto kong bumalik sa dati pero paano? Pakiramdam ko ibang tao na ako! Hindi ko na kilala ang sarili ko!"
"Try mong magpa counselling girl! Baka need mo yun! Para mailabas mo kung ano man yang nasa sa loob mo!''
"Salamat sa pagtawag Lucy ha! Salamat sa pag-intindi mo sa akin pasensiya ka na rin kung nahihirapan ka man sa mga events natin! Sorry talaga!"
"Gaga! Wala yun! Mabuti nga at always available si Stacey kaya may photographer parin ako pero syempre iba parin ang shots mo! Kaya please maging ok ka na sana!"
"Susubukan ko! Sige na! Kailangan ko ng magpahinga!"
"lumabas labas ka ha! Huwag puro kulong sa kuwarto"
"Sige!"
"Bye!"
"Bye!"
Ilang minuto na ang nakaraan mula ng tumawag si Lucy pero nanatiling nakatunghay parin si Tina sa kawalan hawak parin ang kanyang cellphone.
"Wala ka man sa ala-ala koy habang buhay kitang mamahalin"
Biglang nagulantang si Tina sa narinig oo matapos ang halos isang linggo na hindi niya narinig ang tinig na iyon ay muli siyang nabuhayan
"Sebastian?"- Nangingilid luhang wika niya
Bigla niyang naalala yung Liham kaya agad niyang tinungo muli ang lagayan nito at doon nga ay muling lumiwanag ang bahagi ng malabong linya ng sulat
"Hangad ko ang iyong labis na kaligayahan! Magkalayo man tayong dalawa alam kong ako parin ang nasa puso mo at ikaw ay ganun rin sa akin! Tibayan mo nawa ang iyong kapit pasasaan ba at matatapos din ang lahat ng ating unos, Aking Mahal! Pasensiya ka na! Kung sakaling di ko matagalan matibay ang aking puso na lumaban ngunit bumibigat na masyado ang aking katawan, Balewala sa akin ang lahat ng suntok at tadyak pero tila akoy namamanhid sa bawat tabletas na pilit nilang ipinapainom sa akin sa bawat paglipas ng araw unti unting nawawala sa aking gunita ang mga ala-ala kaya akoy labis na nangangamba na baka isang araw bukas makalawa di ko na namamalayan pa na maging ang iyong mukha'y limot ko na! Pero huwag kang mag-alala makalimot man ang aking isip ngunit hindi ang aking puso ngayon palang humihingi na ako ng tawad at huwag kang mag-alala naiintindihan ko na hindi mo magawang sagutin ang bawat liham ko sa iyo pero hindi ako magsasawa na ipaabot sa iyo ang aking mensahe sa pamamagitan ng aking mga liham salamat sa mga taong ating pinagkakatiwalaan sa kabila ng lahat nanatili silang tapat sa atin ingatan mo sana palagi ang iyong sarili mahal ko hanggang sa muli."
Lalong bumigat ang pakiramdam ni Tina lalo niyang gustong malaman kung ano ang tunay na sinapit ni Sebastian
"Hindi ko na maintindihan! Bakit iba iba ang message nitong sulat niya para kay Celestina?"
Hinaplos pa ni Tina ang sulat at doon niya napagtanto na hindi pala buo ang liham na iyon
"Ano to?"
Nakita pa niya na tila may umbok ang isang bahagi doon
"Ahh.. Kaya naman pala pinagdugtong dugtong lang ito! Hindi siya isinulat ng isang buo! Kung ganun nasan ang mga karugtong nito?"
Biglang nakaramdam si Tina ng pagkahilo sa di niya mawaring dahilan at malubhang sumakit ang kanyang ulo ang kanina'y mabigat na pakiramda ay lalo pang bumigat
"Ahh..."- Sigaw pa niya habang namimilipit sa sakit kaya naman napapikit nalamang siya
"Ayan! Yan ang nararapat sayo! Masyado ka kasing makasarili!" - Sigaw pa ng isang babae dahilan para muli siyang mag mulat ng mata
"Ano? Mabuti nga iyan sayo! Binalaan na kita na layuan mo si Sebastian! Ngunit hindi ka nakinig! Ipinahamak mo pa siyang lalo sa pagsama mo sa kanya! Lalo mong inilagay ang buhay niya sa panganib!"
"Tumigil ka Dolores! Ikaw ang may kasalanan kung bakit galit sa kanya si Papa! Masyado mong binilog ang ulo niya pinaniwala mo siya sa lahat ng iyong kasinungalingan!"- Sagot pa niya
Oo isang bahagi na naman sa nakaraan ni Celestina ang kanya ngayong nasasaksihan
"Hahaha... Tsk! Tsk! Masyado ka kasing mahina aking pinsan! Hindi ka marunong mag-isip!"
"Akala ko bay iniibig mo rin si Sebastian kung gayon bakit mo ito ginagawa sa kanya? Pinahihirapan siya ni Papa!"
"Kung hindi rin lang siya mapupunta sa akin mas mabuti pang mamatay siya kesa mapunta siya sa iyo!"
"Napaka walanghiya mo! Hindi mo na siya inisip!"
"Dahil napalitan na ng galit ang dati pagmamahal ko sa kanya dahil ikaw ang mas pinili niya kesa sa akin!"
"Ano ang nangyayari dito?"- Pareho pang nagulat ang dalawang babae sa pagdating ng Don
"Tiyo Roman!"
"Dolores makakalabas ka na!"
"Opo Tiyo!"
"Papa! Papa! Parang awa nyo na! Palabasin nyo na po ako ng kuwarto palayain nyo na po ako!"
"Tumigil ka! Celestina! Hindi ka maaaring lumabas ng silid na ito hanggat hindi ka naikakasal kay Delfin"
"Hindi ko po siya mahal Papa!"
"At sino ang mahal mo? Ang hampaslupang magnanakaw na iyon?"
"Hindi po totoo ang ibinibintang ninyo sa kanya! Wala po siyang kasalanan!"
"Sinunog niya ang taniman! At ninakaw niya ang mga ari-arian ng pamilya natin at ng iyong pinsan tingin mo bay makalalabas pa siya sa piitan? Hindi ko siya hahayaang makalaya mananatili ang bandidong iyon hanggang sa siya ay agawan ng buhay!"
"Ano ang ibig mong sabihin Papa?"
"Bukas na bukas siya ay hahatulan na!"
"A-Ano?"
"Maghanda ka! Ilang araw mula ngayon ay gaganapin ang inyong kasal ni Delfin! Maria! Maria!"
"Opo! Don Roman? Narito po ako!"
"Huwag mong hahayaang makawala itong iyong Señorita! Isa pang pagkakamali ay ipadadakip din kita! Huwag mong sayangin ang isa pang pagkakataong ibinigay ko sa iyo"
"Opo Don Roman! Patawad po!"
Malakas na ibinagsak pasara ang pinto ni Don Roman
"Señorita! Paumanhin po! Hindi ko ginustong ituro ang inyong pinagtataguan ni Ginoong Sebastian ngunit hawak ng inyong Papa ang buhay ng aking pamilya! Wala po akong magawa pasensiya na!"
"Nauunawaan ko Maria! Patawarin mo din kami dahil hindi namin naisip ni Sebastian na maaari ka ding mapahamak!"
"Señorita!" - May kinuha mula sa kanyang bulsa ang babae
"Ano ito?"- Iniabot ni Maria ang isang nakatuping papel
"Ipininaaabot sayo ni Ginoong Sebastian!"
"Paano?"
"Nobyo ko ang isa sa mga guwardyang nagbabantay sa kanya pinakiusapan ko siyang ibalita sa akin ang kaganapan doon kaya nakausap ko din si Ginoong Sebastian at pinakiusapan niya akong iabot sa iyo yan!"
"Kamusta siya?"
"Hindi po maganda ang kanyang kalagayan Señorita! Araw araw siyang pinahihirapan!"
"Panginoon ko iligtas mo po siya!"
"Hayaan mo Señorita! Nangako sa akin ang aking nobyo na iaabot nya sa akin ang bawat liham na gagawin sa iyo ng Ginoo"
"Salamat ng marami Maria!"
"Ganun pala! Ganun pala ang nangyari!" Agad na wika ni Tina sa kaloob looban niya
"Ahh...." - Muli na namang sumakit ang kanyang ulo at sa pagmulat muli ng kanyang mata ay nasa ibang bahagi na naman siya ng kuwento
"Sige dakpin ninyo ang babaeng iyan!"
"Huwag po Don Roman! Maawa po kayo!"
"Maria! Maria! Papa! Huwag po!"
"Dito ka lang Celestina!"
"Bitiwan mo ako Delfin!"
"Sinabing dito ka lang! Masasaktan ka sa akin kapag di mo ako sinunod!"
Tinignan pa ni Celestina ng masama si Delfin
"Anong klaseng tingin iyan? Ganyan mo tratuhin ang iyong asawa? Huh! Sabagay isa ka nga palang taksil!"
"Ang kapal ng iyong mukha para paratangan ako ng salitang yan gayung kahit na kailan ay hindi kita minahal at hindi kita kailan man mamahalin"
Nag smirk pa sa kanya si Delfin saka muling nagsalita
"Anong ipinagmamalaki mo? Eto? Eto ba? Ang may ari ng mga liham na ito?"- Kinuha pa nito ang mga sulat ni Sebastian sa kanya sa kanyang tukador
"Anong gagawin mo?"- Sigaw pa ni Celestina habang pilit na inaagaw sa kanyang asawa ang mga ito
"Akala mo ba'y makakapaglihim kayo ng matagal? Puwes nagkakamali kayo! Eto? Eto ang nararapat dito!"
"Huwag! Parang awa mo na Delfin!"
Isa isa pa niyang pinunit sa harapan ni Celestina ang lahat ng sulat na iyon ni Sebastian kaya napahagulgol nalamang muli siya
"Yan! Yan ang nararapat dyan! Puwee.... Humanda muli sa akin ang lalaking iyon!"
"Saan ka pupunta?" Habol pa niya
"Babasagin ko ang mukha ng lalaking iyon!"
"Maawa ka sa kanya nasa piitan na siya hindi ba? Tigilan nyo na siya!"
"Wala ka ng magagawa! Siguro naman nasabi na niya sa iyo ang tungkol sa kanyang kamatayan hindi ba? Ang mga tabletas na iyon ang unti unting papatay sa kanya! Tama ang iyong Papa! Mas maigi na unti unti niyang nararamdaman ang kamatayan para mas matagal ang kanyang paghihirap!"
"Napakasama ninyo!"
Sa halip na sumagot ay tinawanan lamang siya nito at saka lumabas ng kanyang silid
"Sebastian! Mahal ko!" Tuloy tuloy sa pag-iyak si Celestina habang pinupulot ang pira piraso sa natirang sulat ni Sebastian pinilit niya itong pag dugtong dugtungin pero hindi na niya magawa pang hanapin ang pagkakasunod sunod kaya naman ang ibang may malinaw at nababasa pa ang kanyang kinuha at ipinagdikit dikit sa iisang malinis na puting papel
"Diyos ko! Ganun pala!"- Muling saad ni Tina at muli siyang ibinalik sa realidad
Itinapat pa niya sa kanyang dibdib ang sulat at niyakap habang umiiyak
"Malapit na ang ating pagtatagpo"- Muling tinig ni Sebastian
"Sebastian?"- Di napigilang naisatinig ni Tina
"Magtatagpo tayong muli"- Muling tinig ng lalaki
"Sebastian? Nasaan ka?"- Pakiramdam ni Tina ng mga sandaling iyon ay malapit lamang ito sa kanya
Lumabas siya ng kuwarto at lumabas na ng bahay hindi niya alintana ang itsura nagmaneho siya na hindi alam kung saan patungo hanggang sa makarating siya sa pamilyar na lugar napatingin siya sa itaas dahil muling nagdilim ang langit kinuha niya ang kanyang cellphone upang tawagan si Lucy ngunit biglang nadulas sa kamay niya at nahulog kaya tinangka niyang abutin ito pero sa pagbalik niya sa pagkakaupo ay may sasakyan na biglang sumalpok sa kanyang harapan.