Chapter 4

1914 Words
"Ang tahimik mo friend! Naninibago ako sayo!" Wika ni Lucy habang nagmamaneho ng sasakyan "Wala naman may iniisip lang!"- Sagot ni Tina "Like what?" "Paano kung tama ka? Baka nga may papel ako sa magiging takbo ng buhay nila Celestina at Sebastian!" "Ha? Sinong Celestina at Sebastian? Sino ang mga yun?"- Naka kunot noo pang tanong ni Lucy "Ano ka ba? Yung mga tauhan sa panaginip ko!" "Anong panaginip? Teka naguguluhan ako sayo! Ano ba yang pinagsasabi mo?" Bigla pang napatingin si Tina sa kaibigan "Ano?"- Asik pa ni Lucy na halata ang pagka irita "Diba nabanggit ko na sayo kanina?" "Anong nabanggit ba? Wala naman tayong napagkukuwentuhan about dyan! Sino ba yang mga tinutukoy mo? Anong panaginip?" Maging si Tina ay naka kunot narin ang noo sa kaibigan na animoy na amnesia "Se.. Seryoso ka? Wala kang maalala?" "Wala!"- Seryosong tugon lamang ni Lucy "How about dun sa shop? Sa antique shop na pinagtatrabahuan ni Mama? Nagkuwentuhan din tayo dun! Nabanggit ko din sayo yun!" "Wala akong matandaan girl!" "What?" "Ikaw nga tigil tigilan mo pagkakatol mo ha masyado ng iba yang pag-iisip mo!" Natahimik nalamang si Tina at nagmumunimuni, Iniisip niyang mabuti kung ano ang nangyayari? Bakit biglang walang maalala ang kaibigan sa mga naging usapan nila kanina at nung nakaraan? Bakit bigla nalamang nabura sa isipan niya ang kuwento niya tungkol kina Celestina at Sebastian? "Hindi mo ba talaga matandaan?" "Ang ano nga kasi?"- Naiirita at nawi weirduhan na talaga si Lucy sa inaasal ng kaibigan "Wala! Wala!" - Nanahimik nalamang muli si Tina "Pagod lang yan girl! Ang mabuti pa matulog ka ng maaga pag-uwi mo dala lang yan ng matinding puyat!" - Ngingiti ngiti pang wika ni Lucy pero di nalang ito pinansin ni Tina at muli nalamang niyang itinuon ang tingin sa bintana ng sasakyan pinagmasdan ang lugar na dinadaanan "Wait! Dito yun!"- Naalala nya pa ang tagpo kung saan siya kamuntik maaksidente papunta sana sa wedding pictorial nung nakaraang araw "Anong meron?"- Tanong muli ni Lucy "Dito ako kamuntik maaksidente eh! May sasakyan na pala sa harap ko di ko pa namalayan nalaglag kasi yung cellphone ko kaya dinampot ko pag angat ko nasa harap ko na yung sasakyan buti nakapag preno ako kaagad" "Seryoso ka? Eh dyan din naaksidente yung kapatid ng client natin eh! Yung sinasabi ko sayong mayamang businessman!" "Di... Dito?" "Oo! Comatose nga hanggang ngayon! Siguro sa lakas ng impact ng pagkakabagok nung ulo" Bumalik sa kanyang ala-ala ang sandaling muntik na siyang maaksidente "Imposible naman! Kung sakaling iyon yung sasakyan na yun? Hindi naman nagkasalpukan ang mga sasakyan namin? Baka iba yun? Tama! Baka nagkataon lang na parehong lugar?" "Ayos ka lang?"- Untag muli ni Lucy "Ha? O... Oo tama ka! Kailangan ko ngang matulog ng maaga!" "Mabuti pa nga!" Ilang saglit pa ay nasa bahay na si Tina at paakyat na siya ng kanyang kuwarto pagod na siya sa kaiisip kung tama pa ba ang mga nangyayari kung bakit sa isang iglap lang hindi na matandaan ng kaibigan ang lahat? Naisip niyang tawagan ang ina sa kung ano ang gusto niyang ulam dahil wala parin naman siya sa bahay at naisipan niyang siya nalamang ang magluluto para sa hapunan nilang mag-ina "Oh anak?"- Tinig ni Merly sa kabilang linya "Ma .. Anong oras ka po uuwi?" "Andyan ka na ba sa bahay? Naku.. Maya maya pa siguro ako! Medyo madami pang buyers eh! Nasira na naman ba ang sasakyan mo at hindi mo ginamit?" "Hindi naman po! Kapapa ayos ko palang naman po! Mas gusto kasi ni Lucy na sasakyan niya ang gamitin namin para mas mabilis at sirain nga daw yung sa akin" "Bakit kasi ayaw mo pang palitan?" "Si Mama talaga! Parang ang dami nating pera ah!" "Puwede namang mag loan sa bangko!" "Huwag na po! Dagdag isipin lang po yan sa bayarin mapagtitiyagaan pa naman eh!" "Ikaw talagang bata ka! Mapapakinabangan mo din naman eh!" "Hayaan po muna natin yun saka na siguro pag talagang di na madadala sa paayos" "Ang kuripot mo talaga!" "Hindi naman po sa ganun gusto ko lang paghandaan ang future natin Ma! Kaya imbis na gumastos ako sa ibang bagay eh ilalaan ko nalang sa savings natin sa bangko mahirap na! Paano kung biglang may mangyari? Atleast kahit papaano may mabubunot tayong pera! Hindi naman po tayo mayaman eh!" "Dyan naman ako belib na belib sayo manag mana ka talaga sa Papa mo sa mga ganyang klase ng pag-iisip" Napangiti naman si Tina sa sinabi ng ina "Ano pong gusto nyong iluto ko?" "Gusto ko ng maasim at mainit na sabaw nak!" "Ahh... Sinigang na hipon po ba?" "Ayy nadale mo nak!" "Sige po! May mga rekados pa naman tayo sa ref! Ahmm.... Mama?" "Yes nak?" "Natatandaan nyo po ba yung sa kinukuwento kong lagi kong napapanaginipan?" "Alin dun nak?" "Yung sa boses ng lalaki sa panaginip ko?" "Boses ng lalaki? Meron ka bang nakuwento? Parang wala akong matandaan!" "Po?" "Ewan ko! Baka nakalimutan ko na! Anong meron dun?" Nabigla pa si Tina ang alam kasi niya ay palagi niya itong binabanggit sa ina sa tuwing gigisingin siya nito tuwing maririnig siyang umuungol dahil sa panaginip "Nak? Andyan ka pa ba?" "Po? O .. Opo!" "Anong meron sa panaginip mo?" "Wa... Wala po Ma! Nakalimutan ko na rin po eh!" "Naku... Ikaw talagang bata ka! Oh sige tinatawag na ako ni Tonyang ibaba ko na to ha!" "Sige po bye" "Bye!" Lalong nagugulumihanan si Tina! At napaupo sa kanyang kama "Yung sulat!"- Agad niyang naisip yung sulat na nasa drawer Para siyang nabunutan ng tinik ng makitang naroon parin ang sulat "Kung ganun totoo ang mga nangyari! Hindi ako basta pinaglalaruan ng aking isip" Muli niyang binuklat ang sulat at tumambad sa kanya ang isa na namang malinaw na bahagi ng liham "Huwag mo sanang isipin na akoy nagalit o nagtatampo sa iyo batid kong ginawa mo ang lahat ngunit sadyang naging malupit sa atin ang tadhana! Ikaw ngayon ay nakatali na sa iba! Ganun paman ako ay patuloy na aasa na sa huli ikaw at ako parin tuluyang magkakasama iibigin kita hanggang sa akoy humihinga! Iibigin kita maging sa huling sandali ng pagtibok ng aking puso at iibigin kita hanggang sa hinaharap ikaw lamang at wala ng iba pa! Ikaw lamang ang bukod tanging sinisinta nitong yaring puso ikaw lamang mahal kong Celestina" Nanlaki ang mga mata ni Tina, Nanginginig ang mga kamay na nakahawak sa sulat na iyon kung ganun tama si Lucy sa hinala niya may connection nga ang sulat sa mga panaginip niya! Panaginip pa nga ba? "SB? S for Sebastian? Ano yung B? Ano bang last name ni Sebastian? Nagkahiwalay sila? Teka sandali nakatali na sa iba? Ibig bang sabihin ikinasal sa iba si Celestina? Eh diba nagtanan sila? Anong nangyari?" Biglang naisipang tawagan muli ni Tina ang kanyang ina. "Hello Nak? Bakit na naman? Buti nakaalis na yung customer ko!" "Ma! Anong pangalan nung nagbenta sa inyo ng kabinet na to? Saan po siya nakatira?" "Ha? Eh bakit mo naman biglang naitanong yan?" "May contact number ka po ba niya?" "Wala! Ang sabi mag ma migrate sa America bakit ba? Anong kailangan mo sa kanya?" "Wala po kayong kahit na anong info? Tungkol sa may ari ng kabinet na to?" "Wala! Bakit nga?" Napapikit nalang ng mata si Tina "Wala po! May ... May gusto lang sana akong itanong sa kanya eh!" "Ahh... Ganun ba? Naku pasensiya ka na wala kaming alam nak!" "Ok po!" Napahilamos pa ng mukha si Tina at muling tinignan ang sulat dalawang parte nalang ng sulat ang malabo siguro sa susunod na araw kumpleto na din ito at maliliwanagan na siya Inabala nalang niya ang sarili sa pagluluto at dahil maaga parin naman ay naglinis na din siya ng kanilang bahay para pag-uwi ng kanyang ina ay wala na itong iisipin pa Dahil sa pagod nakaramdam siya ng pagbigat ng mata at maya maya ay ipinikit na niya ito Nagmulat siyang muli ngunit mabigat ang pakiramdam niya at sa labis na pagtataka ay nasa ibang bahay siya naalala niya na baka nasa mundo marahil siya nila Celestina kaya ikinalma niya ang kanyang sarili napalingon siya sa kanyang gilid at nanlaki ang kanyang mata ng makita ang kabinet na kaparehong kapareho ng kabinet na nasa kanyang kuwarto pero mas mukha nga lang itong bago at talaga namang maganda pa naisipan niyang silipin ang nag mamay ari ng katawang kinalalagyan niya ngayon gusto niyang makita ang mukha ni Celestina kaya naman dali dali siyang humarap sa salamin at ganun nalang ang pagka gulantang niya ng wala siyang ibang taong nakita sa harap ng salamin kundi ang reflection niya bilang si Atheena ngunit naka suot lamang ng sinaunang kasuotan o filipiñana "Hindi maaari! Ako? Ako to! Ang ibig bang sabihin? Si Celestina ay ako? Ako at si Celestina ay iisa?"- Tila naluluha pang wika ni Tina "Mabuti naman at tumigil ka na sa pag ngangangawa mo riyan!"-Tinig ng isang lalaking punong puno ng autoridad Hindi niya ito kilala bago lamang ito sa kanyang paningin Ngumisi pa ito ng nakakaloko sa kanya "Sumuko ka nalamang Celestina! Wala ka ng magagawa pa! Wala na siya! Wala na ang pinakamamahal mong si Sebastian Baldemoro!" "Anong ibig mong sabihin? Anong ginawa mo sa kanya? Anong ginawa nyo sa kanya?"- Sigaw ni Celestina "Ano ba ang akala mo na sasapitin niya? Siya ang pumili niyon! Naging mapangahas siya at mas pinili ang mamatay kaya sino ba naman ako para ipagkait sa kanya ang kanyang nais hindi ba?" "Hayop ka! Hayop ka!"- Lumapit pa si Celestina at pinaghahampas ang lalaki habang patuloy sa pagdaloy ang kanyang luha "Tumigil ka!"- Isang sampal sa kaliwang pisngi ang iginawad sa kanya ng lalaki dahilan para mapadapa at tumilapon siya sa kama "Bagay lang yun sa kanya! Dahil habang nariyan ang lalaking yun hindi mo ako mapapansin! Ako ang asawa mo Celestina! Dapat lang na sa akin ang puso mo at wala sa hampaslupang iyon at ngayong wala na siya sa landas ko maangkin na kita ng tuluyan akin ka! Akin ka lang ikaw at ang katawan mo!" Marahas na pinunit ni Delfin ang kasuotan ni Celestina "Huwag! Huwag! Parang awa mo na Delfin! Huwag!" "Akin ka! Asawa kita! Kaya may karapatan akong angkinin ka!" "Huwag!!!!!" Kahit na anong gawin ni Celestina ay hindi niya mapaglabanan ang ginagawang iyon sa kanya ng asawang si Delfin bukod sa hapong hapo ay nagdadalamhati rin siya sa pagpanaw ng kanyang pinakamamahal na si Sebastian wala na siyang lakas pa! Tanging pag-iyak nalang ang kanyang nagawa at tuluyan ngang nagawa ni Delfin ang kanyang plano sa asawa inangkin niya ito ng paulit ulit ng gabing iyon nilapastangan niya ang pagka babae nito kinuha ang pagka birhen ng wala sa loob ni Celestina at tanging ang apat na sulok lamang ng kuwartong iyon ang naging saksi ng kawalanghiyaang ginawa ni Delfin sa kanya. "Atheena! Atheena! Atheena!" "Mama! Mama!"- Umiiyak na niyakap ni Tina ang ina "Anong nangyari? Bakit ka umiiyak? Mabuti nalang at dumating ako! Kanina ka pa umuungol may luha pa yung mata mo ano ba ang napapanaginipan mo?" "Mama!"- Wala ng ibang nabanggit pa si Tina humihikbi lang siya habang mahigpit na nakayakap sa ina at tuloy tuloy na umaagos ang luha "Sshh... Tahan na anak! Panaginip lang iyon! Kung ano mang masamang panaginip iyan wala yan! Hanggang doon lang yun tama na anak ko!" Matagal bago tuluyang tumigil sa pag-iyak si Tina at hindi naman siya iniwan ni Merly na patuloy lang din sa pagyakap sa anak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD