Chapter 3

1842 Words
Dahil sa mga naranasan ng gabing iyon ay nahirapang makatulog si Tina magdamag niyang inisip kung ano ang kinahinatnan ni Sebastian at Celestina maging ang nabasang sulat ay bumagabag pa sa kanya para bang gusto niyang gumawa ng time machine at kilalanin ang mga taong iyon at balaan sila sa mga mangyayari sa kanila sa hinaharap pero paano? Kung bahagi nalang naman sila ng nakaraan? Hindi na niya namalayan pa na maga-alas kuwatro na pala ng umaga pero mulat na mulat parin ang kanyang mga mata kaya naman habang nasa gitna sila ng trabaho ng kaibigang si Lucy ay panay hikab na niya dahil tinamaan na siya ng antok ng mga sandaling iyon "Huwahh..." Pang-ilang hikab na iyon ni Tina "Antok na antok yarn?"- Sita pa sa kanya ni Lucy "Oo eh!" "Bakit? Dinalaw ka na naman ba nung misteryosong lalaki sa panaginip mo?" "Di nga ako nakatulog eh!" "Bakit?'' "Ang hirap isipin kung ano talaga ang nangyayari sa akin pero alam mo bang naniniwala ako na sadyang may mission ako dun sa lalaking nasa panaginip ko at dun sa babaeng mahal niya!" "Ayy... Wow! Talaga? So ano to? Gumawa ka pa ng story? Ano to magiging direktor ka na? Gagawa ka ng sariling plot twist ganern?" "Tsk! Hindi ganun! Tumigil ka nga mamaya ikukuwento ko sayo sigurado ako kahit ikaw ang nasa situwasyon ko maiisip mo rin yun!" "Patingin nga ako ng mga shots mo! Oh kita mo na! Wala ka sa hulog ang pangit kaloka ka! Tingin mo papasa yan dun sa client? Malilintikan tayo nyan eh! Ulitin mo yan!" "Ha? Pangit ba? Omg! Oo nga! Patay!" "Ikaw kasi di ka nag fofocus wait kausapin ko ulit yung parents nung mag dedebut para ulitin ang mga shots sasabihin ko nalang na bad lighting" "Sige friend! Thank you!" "Umayos ka ha! Mamaya na yang problema mo sa kung ano man yang panaginip mo! Dito muna tayo sa realidad!" "Ok! Sige!" Tumalikod naman si Lucy at saglit na kinausap ang magulang nung babaeng nagpapa photoshoot para sa kanyang debut at base naman sa expression ng mga ito nakita niyang ok lang sa kanila na ulitin ulit ang mga scene at posing na ginawa nila kanina kaya nakahinga din siya ng maluwag dahil hindi naman ito nagalit. "Ok! 1 2 3 smile! Good take! One more ibang pose naman! Yan! Ganyan nga! 1 2 3 very good! Sa flowers naman ang tingin ayan ganyan nga that's it! Bongga!"- sa wakas natapos na rin sila "Haist! Ang sakit ng likod ko ha!"- Reklamo pa ni Tina "Eh paanong di sasakit? Di mo inayos yung una!"- Buwelta naman ni Lucy "Oo na! Oo na! Magsesermon ka na naman eh! Ok na nga diba?" "Hmmp... Ikaw naman kasi oras ng trabaho lumilipad ang isip!" "Tsk! Sinabi ko naman kasi sayo ang dahilan diba?" "Ewan ko sayo! Pero kasi kung totoo yun bakit?" "Anong bakit?" "Bakit kailangang sayo sila magparamdam? Sino ba sila? Mga totoong tao ba talaga sila?" "Yun ang aalamin ko!" "Ha? Paano?" "Kapag nagpakita sila ulit sa panaginip ko!" "Bakit may kontrol ka na ba sa panaginip mo?" "Hindi ko pa nata try pero malay natin!" "Sige! Sabihin na nating nagawa mo na silang kausapin? What if... What if di ka na makabalik? I mean ma lock ka sa panaginip mo alam mo na imbis na panaginip lang eh mauwi sa bangungot!" "Grabe ka naman! Hindi naman siguro! Teka! Mamaya samahan mo ako sa bahay may ipapakita ako sayo! May isa pang gumugulo sa isip ko!" "Ha? Ano na naman ba yun?" At ikinuwento nga lahat ni Tina sa kaibigan maging ang tungkol sa sulat na nakita niya sa drawer "Interesting!"- Tanging sambit lamang ni Lucy "Diba? Ang hiwaga?" "What if? May connection yung sulat dun sa sinasabi mong mag jowa sa panaginip mo?" "Ano? Paano? Eh wala pa naman yung sulat napapanaginipan ko na yung lalaki I mean yung boses ni Sebastian!" "Oo nga ano? Pero malay natin yung taong nasa panaginip mo at taong may ari ng sulat ay iisa?" "Girl! Kinikilabutan naman ako sa sinasabi mo! Paanong mangyayari yun?" "Sabi mo nga diba? Sa panaginip mo kinakausap ka ni Sebastian na parang ikaw talaga si Celestina? At sumasagot ka rin ayon sa kung anong nararamdaman ni Celestina sabi mo pa parang may ibang tao sa katawan mo? Paano pala kung ikaw pala yung pumasok sa katawan ni Celestina? or paano kung pinapakita sayo ni Celestina ang lahat kasi may gusto siyang gawin mo? Tapos yung sulat? Paano kung nakatakda pala talagang mapunta sayo yung kabinet para makita mo yung sulat?" "Girl! Ikaw yata ang may balak mag direktor eh! Ang dami mo ng nabuong conclusion eh!"- Atungal pa ni Tina "Hahaha well.... Malay mo lang naman! Teka ipa sketch kaya natin yung mukha ni Sebastian ng makita ko rin kung anong istura niya?" "Puwede! Basta natatandaan ko guwapo siya!" "Ayy... Pak! Sana all guwapo!" "Sana nga nabuhay siya ulit! Sana makita ko rin siya dito sa mundo natin!" "Kung sakaling nabuhay siya ulit sigurado ako pagtatagpuin sila ulit ni Celestina!" "Sabagay!" "Oh bakit parang may panghihinayang?" "Ha? Wala ah!" "Naku... Siguro iniisip mo siyang agawin kay Celestina no? Naku huwag! Bad yun! Pinaghiwalay na nga sila sa nakaraan pati ba naman ngayon?" "Loka! Ginawa mo pa akong kontrabida!" "Ayy hindi ba?" "Ewan ko sayo!" "Oh sige na! Maya ulit tayo mag chikahan tungkol dyan sa kakaiba mong karanasan i ayos ko lang yung mga gamit natin"- Paalam ni Lucy "Sige maglalakad lakad lang din muna ako sa banda dun!" "Sige!" Kasabay ng pag lalakad at paglilibot ni Tina ay kumukuha din siya ng magagandang litrato ng mga bulaklak at ibat-ibang scenery mula doon, Maging ang mga nagliliparang ibon at paru-paro ay kinunan niya ng litrato bagay na nagpapagaan ng kanyang loob. Maya maya lamang ay nakita niyang kumulimlim ang kalangitan "Mukhang uulan pa ata!" Dahan dahan siyang naglakad pabalik ngunit nabigla siya ng pagbalik niya ay wala ang mga taong kanina lamang ay kasama niya maging si Lucy at ang sasakyan nila ay wala din bahagyang nag-iba din ang paligid bagamat naroon parin ang nag gagandahang tanawin at mga bulaklak pero nawala ang malaking bahay at venue na pinagdausan nila kanina sa kanilang photoshoot kaya naman nakaramdam siya bigla ng kaba "Ano to? Anong nangyayari?"- Tanong pa niya sa kanyang sarili "Dumating ka!"- Nagulat pa siya ng biglang may magsalita sa kanyang likuran at nang lingunin niya ito ay nanlaki pa ang kanyang mga mata "Sebastian?" "Mahal ko!"- Nakangiti sa kanya ang lalaki at agad na lumapit sa kanya at niyakap siya "Anong ginawa ni Papa sayo? Punong puno ka ng pasa! Ang akala koy hindi na kita makikita pang muli"- Tila ibang tao na naman ang may kontrol sa katawan ni Tina habang nanonood lamang siya ng eksena na dati rati ay akala niya sa pelikula lamang niya makikita. Dahil iba naman ang lumalabas sa kanyang bibig sa gustong sabihin ng kanyang isip pati ang kilos nito ay ibang-iba sa gusto niya kaya hinayaan nalamang niya na manatiling ganun dahil sa totoo lang gusto rin niyang tuklasin ang nangyari sa kanila "Patawarin mo ako aking mahal! Ako ay malaking pasakit sa iyo" "Sshh... Celestina irog ko! Huwag mong sabihin iyan! Wala kang kasalanan!" "Paano mo nga pala nalamang naririto ako?" "Eto ang ating paboritong tagpuan! Bata pa lamang tayo ay ito ang ating nagiging tagpuan! Kapag nais nating mapag-isa dito tayo tumatakbo hindi ba? Dito rin tayo unang nagkakilala kaya batid kong espesyal ang lugar na ito para sa ating dalawa" "Sebastian! Nais akong ipakasal ni Papa sa anak ng kanyang kumpadre!" "Ano? At ano ang iyong naging tugon?" "Siyempre ayaw ko! Hindi ako pumayag sa gusto ni Papa! Ayaw kong matali sa isang taong hindi ko naman iniibig" "Ano ang kanyang naging reaksyon?" "Nagalit siya pinagbantaan niya akong ikukulong sa aking silid, Mabuti nalamang at naawa sa akin si Maria at pinatakas niya ako kaya naman nag-aalala din ako sa kanya paano kung matuklasan ito ni Papa? Isa siyang tapat na taga silbi sa akin kaya nangangamba ako na baka kung ano ang gawin sa kanya ni Papa!" "Bakit napakatigas ng puso ni Don Roman? Bakit hindi nalamang niya tayo hayaang dalawa?" "Mahal ko! Huwag ka sanang mamuhi sa kanya! Ama ko parin siya" "Alam ko! Hindi ako namumuhi sa kanya labis lang ang pagtataka ko! Alam kong wala akong yamang maipagmamalaki gaya ng inyo isa lamang akong hamak na alipin ngunit tunay at tapat naman ang pag-ibig ko sa iyo, Wala akong balak na angkinin ano man ang inyong ari-arian!" "Alam ko yun! Pero sadyang nadungisan ang pagakakilanlan ni Papa sa iyong pagkatao dahil narin kay Dolores" "Dolores? Ang iyong pinsan?" "Oo! Alam mo bang may pagtingin sa iyo si Dolores?" "Ha? Wala! Hindi ko alam ang iyong sinasabi mahal ko!" "Inamin niya sa akin mismo na matagal ka na nga rin niyang tinatangi at ayaw niyang mapunta ka sa akin kaya gumawa siya ng kuwento at sinira ka niya kay Papa!" "Anong kuwento iyon?" "Sinabi niya kay Papa! Na balak mong gamitin ako para mapunta sa iyo ang aming kayamanan at ginamit mo din daw siya para mapalapit sa amin at sinadya mo din siyang paibigin para makuha ang kanyang loob at tuluyang makalapit sa amin, Alam mo ba ang masama pa sa lahat ng kanyang kasinungalingan? Pinagtangkaan mo daw siyang gahasain!" "Ang walang hiya! Imposible ang lahat ng iyon" "Alam ko hindi naman ako naniwala sa kanya! Kilala kita higit kanino man!" "Itinuring ko siyang mabuting kaibigan ngunit ganito lamang pala ang ginawa niya sa akin! Sa atin!" "Dahil ayaw niya tayong lumigaya!" "Kakausapin ko siya pakikiusapan ko siyang bawiin ang lahat ng kanyang kasinungalingan!" "Hindi na mahal! Imposible ang sinasabi mo! Nabilog na niya ng tuluyan ang ulo ng aking Papa! Maging sa akin ay hindi na nakikinig ang sarili kong ama! Wala ng saysay pa ang pakikipag-usap sa kanya" "Kung ganun ano ang balak mo?" "Magtanan tayo!" "Ano? Pero.." "Wala ng ibang paraan! Paghihiwalayin nila tayo! Kaya pakiusap lumayo na tayo dito" "Sige! Kung iyan ang iyong nais! Pero sigurado ka ba? Handa ka bang maghirap sa piling ko?" "Lahat ng paghihirap ay titiisin ko basta ikaw ang nasa aking tabi" "Salamat Celestina! Salamat at nanatili ang iyong pagmamahal sa akin" "Walang hanggan ang pagmamahal ko sa iyo Sebastian!" Yumakap pa si Celestina kay Sebastian Isang malakas na kulog ang narinig ni Tina kaya naman napatingin siya sa kalangitan at nakita niyang biglang nag-iba na naman ang lahat "Tina! Lets go! Tawag pa ni Lucy sa kanya "Lucy?" "Oh ano? Para kang nakakita ng multo dyan? Kanina pa kita hinahanap andito kalang pala! May nangyari ba?" "Wa... Wala! Wala tara na!"- Minabuting huwag nalang sabihin sa kaibigan ang muli niyang nasaksihan dahil baka hindi rin siya paniwalaan nito at minabuti nalamang niyang sarilinin kung ano man ang mga natunghayan niya at pinili na rin niyang huwag ng ungkatin dito ang mga nangyayari sa kanya sa halip ay tutuklasin nalamang niyang mag-isa ang hiwagang bumabalot sa kanya at sa magkasintahang sina Celestina at Sebastian.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD