Epilogue

4048 Words

Parang piniga ang puso ko ng makita ko si Brix na naka endotracheal tube. Para bang unti-unting nanghihina ang mga tuhod ko at hindi agad ako makapag lakad ng maayos tungo sa kanya. Napahawak ako sa aking dibdib at iyong isang kamay ko'y itinakip ko sa aking bibig. Ayokong marinig niya akong umiiyak. Ayokong maramdaman niyang pinanghihinaan ako ng loob dahil baka maisip niyang sinusukuan ko siya. Umupo ako sa tabi ng kama niya at hinawakan ang kamay niya. Marahan ko iyong hinaplos at saka hinalikan ng masuyo. "I'm sorry..." Pigil ko ang aking pag hikbi. "I'm sorry if I didn't believe in you. I'm sorry if I didn't even tried to listen.. I'm sorry my love." Pinipigilan ko ang mapahagulgol pero parang hindi kaya ng sarili kung kontrolin ang bigat sa loob na nararamdaman ko ngayong nakikita

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD