Chapter 40: Part II

2673 Words

Nang idinilat ko ang aking mga mata'y agad na bumungad sa akin ang napaka maliwanag na ilaw. Inilibot ko agad ang tingin ko't nakita ko sila Mama at Papa na may kinakausap na matangkad na babae. "Her condition is now doing good and I assure you that she'll wake up in no time kaya wag na po kayong mag-alala ginang at ginoo," rinig kong sabi nong babaeng matangkad na nakatalikod mula sa akin. Umawang ang mga labi ni Mama ng magtama ang mga mata namin. "Daphne? Anak! Naku... Anak," humagulgol itong napalapit sa akin. "Akala namin hindi kana magigising. Sobrang nag-alala kami," niyapos niya ako't marahan niyang sinuklay gamit ng mga daliri niya ang aking buhok. "Salamat sa Diyos at dininig niya ang aming panalangin," lumuluhang sabi ni Papa habang hawak nito ang kamay ko. "Anong nangyari?

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD