Hindi ko na inexpect na susundan ako ni Brix dahil alam kung mas mahalaga sa kanya ang kaibigan niya kaysa sakin. Sino ba naman kasi ako para mas paniwalaan niya e ngayon niya lang ako nakasama at 'yong sinungaling hashtag p*****t na Kyle na 'yon ay best buddy niya.
Hindi na muna ako dumeretso sa bahay dahil ayokong datnan ako ni Brix na umiiyak pa rin. Mas mabuti pa siguro na pumunta muna ako sa isang tahimik na lugar para makapag-isip. Pumara ako ng taxi at nang may tumigil sa harap ko'y sumakay agad ako at nagpahatid.
Ilang minuto lang din ay narating ko ang Sacred of Moonlight. Ito ang lugar na madalas kong pinupuntahan sa tuwing malungkot ako o di kaya ay gusto kong mapag-isa. May wishing well kasi at ang ikinaganda nito ay dahil sa isang kwento.
Ang Sacred of Moonlight daw ay isang lugar noon kung saan unang nagtagpo si Damihan at Greko. Si Damihan ang nagmamay-ari ng wishing well. Isa siyang Diyosa at ang wishing well ay patunay ng kanyang angking kapangyarihan. Sino man ang humiling sa wishing well ay matutupad pero tanging mga taong may mabubuting hangarin lang ang may chance na magkatotoo ang panalangin. Si Greko naman ay isang simpleng binata. Isang araw daw ay pumunta si Greko sa wishing well upang humiling na sana ay marami ang kanilang maani sapagkat kabuhayan ng pamilya nila ay ang pagsasaka. Biglang lumitaw si Damihan at tinupad ang panalangin ni Greko pero laking gulat ni Greko ng makita niya si Damihan. Nabighani siya sa ganda nito. Hindi nagtagal ay nagkaroon sila ng relasyon pero hindi rin naging madali ang lahat dahil isang trahedya ang sumira sa mga pananim nila Greko at sinisi ng magulang nito si Damihan. Pinaghiwalay sila ng pagkakataon pero sumumpa silang dalawa na sa susunod nilang buhay ay itutuloy nila ang kanilang pag-iibigan.
"Pati sa fairytale ay sad ending pa rin no?" sabi ko saking sarili habang umupo ako sa wishing well.
Natapos na ang aking pagluha pero 'di pa rin nawawala ang sakit. Sakit na tratohin ka ng gano'n ng lalaking mahal na mahal mo.
Naisip ko tuloy, paano kaya kung bumitaw nalang ako sa agreement? Pero hindi maaari dahil naka perma na ako doon at isa pa, parang hindi ko naman kayang basta nalang itapon ang chance na meron ako ngayon.
Kumuha ako ng isang peso coin saking maliit na purse. Hawak ng dalawang kamay ko sabay ng pagpikit ng dalawang mata ko ay sinimulan kong sinambit ang aking hiling.
"Sana dumating ang araw na mamahalin ako ni Brix. Mamahalin niya ako sa paraang paano siya tunay na magmahal."
Kasabay ng pag-ihip ng malamig na hangin ay hinulog ko ang peso coin.
Nang matapos kong humiling ay tumayo na ako at medyo ramdam ko na ang malamig na simoy ng hangin. Tiningnan ko ang langit at nakita ko ang maraming bituin. Maganda sana kung kasama ko si Brix dito habang humihiling pero alam ko na sa oras na ito ay masaya pa rin siyang nakikipag-usap sa mga kaibigan niya.
Nakarating ako ng bahay na wala pa rin si Brix at tanging si Manang Melbie na mahimbing ang tulog sa sofa lang ang naabotan ko. Kumuha ako ng kumot at kinumutan siya. Hindi ko nalang siya gigisingin dahil mukhang masarap na ang tulog niya.
Kinabukasan, ganon pa rin na nagising ako dahil sa malakas na sound trip ni Manang Melbie. Bumangon na ako at tumayo sa'king kama. Inayos ko muna ang aking higaan matapos ay lumabas din ako ng aking kwarto. Pinuntahan ko si Manang Melbie sa sala dahil doon ko narinig ang kanyang pagkanta. Pero halos mapalundag ako ng makita ko si Brix.
"You're finally awake. Kumain ka na dahil maaga tayong aalis," saad nito saka ako nilagpasan.
Hindi agad ako nakasagot dahil nalilito ako sa kinikilos niya. Noong isang gabi lang ay galit siya sakin ngayon naman mahinahon lang siya.
Nilapitan ko nalang si Manang Melbie na ngayo'y sumasayaw sa tugtog ng disco music.
"Good morning po Manang Melbie," bati ko.
"Good morning hija! Kumain ka na. Ipinagluto ko kayo ng agahan dalawa kaso nauna ng kumain si Brix e," saad niyang habang patuloy pa ring kumikembot. 'Di ko tuloy mapigilan ang mapatawa gayon din siya.
"Okay lang po. Tara po kumain na po tayo Manang Melbie," aya ko sa kanya saka binigyan ko siya ng matamis na ngiti.
"Naku hija, diet ako e. Sige kumain ka na roon at papasok pa kayo ni Brix sa trabaho."
Napapailing nalang ako sa mga kinikilos ni Manang Melbie. Mas feeling bagets pa kasi 'tong kumilos kesa sakin.
Pagkatapos kong kumain ay naligo rin agad ako. Buti nalang kanina pa tapos si Brix maligo kung 'di baka makita ko na naman 'yong six packs abs niya. Wala kasing sariling comfort room ang kwarto ko. Mayron sa labas, sa tabi ng kwarto ko na kanina ko lang nalaman kaso sira naman ang shower. Itatawag pa raw ni Manang Melbie sa tubero para mapaayos ito kaya kailangan ko munang makigamit sa comfort room ni Brix.
Same routine kahapon. Matapos kong maligo ay agad nagbihis ako. Nagulat pa ako at marami ng damit, sapatos at sandals sa dalawang malaking cabinet sa kwarto ko.
Nagpaalam din ako kay Manang Melbie bago lumabas ng bahay. Nakabukas na ang pinto ng kotse no'ng paglabas ko kaya sumakay din agad ako. Pagpasok ko sa loob, hindi ko magawang tumingin kay Brix dahil natatakot akong makasalubong 'yong mga mata niyang puno ng inis at galit sakin. Tahimik lang kami hanggang sa nakarating kami ng opisina niya.
Muntik pa akong makaposan ng hininga ng hinawakan niya 'yong kamay ko at ngumiti siya sakin ng pagkalapad. Nginitian ko rin siya dahil ganon naman talaga, kailangan naming magpanggap. Pagkapasok namin sa room ng office niya ay agad niyang binitawan ang kamay ko. Pero di paman ako nakaka-upo ay tinawag niya muli ang pangalan ko.
"Ano po 'yon?" tanong ko habang nakayuko 'yong ulo ko.
"Will you chin up?" malamig at kalmado na ang tono ng boses niya.
Itinaas ko bahagya ang aking ulo para magtapat ang aming mga mata. Sa isang malalim niya lang na tingin e parang natunaw lahat ng sakit kahapon. Biglang bumilis ang pagtibok ng puso ko na gusto ko ng hawakan dahil sa tingin ko'y sasabog na ito dahil sa titig niya.
"For you. And I'm sorry about last night."
Inabot niya sakin ang isang pulang rosas at pagkatapos ay basta-basta rin lang akong iniwan at bumalik sa kanyang upuan at tumingin pabalik sa kanyang laptop.
Gusto ko na atang tumalon ng tuloyan pero 'di ko magawa dahil pinanatili kong maging mahinahon kahit gustong-gusto na talagang sumabog sa kilig itong puso at sistema ko!
Nakakainis talaga siya! Nadala lang ako sa isang pulang rosas? Essh! Pero hindi bale na, ang mahalaga ay galing ito sa kanya.
"Sa-salamat."
Saka lang ako nag bitiw ng malawak na ngiti sabay inamoy 'yong rosas pagtalikod ko sa kanya.
Pinilit kong maging mahinahon at bumalik din sa aking trabaho. Buong araw naka ngiti ako habang ini isa-isa ang pag check ng mga papeles na kailangang permahan ni Brix.
Pagkatapos naming mag lunch ay bumalik din agad kami sa opisina at ganon pa rin, trabaho ulit.
Pero may inutos sakin si Brix sa Verandal Company kaya kailangan ko munang umalis ng office. Hinatid ako ni Ambo at mabilis lang at nakarating din kami. Pero natagalan ang pag-uusap namin ni Mr. Verandal ng inusisa niya ako dahil nalaman nitong ako ang bagong girlfriend ni Brix.
Pagkatapos ng halos dalawang oras ay natapos din ang pag-uusap namin pero biglang dumating ang anak nitong babae at inaya akong mag coffee.
Hindi naman ako maka hindi dahil baka magtampo ang Verandal Company sa company nila Brix. Sobrang bait ng anak ni Mr. Verandal, si Stacy. Sobrang ganda pa nito at sosyal pero sobrang kalog din. Matapos ang halos isa at kalahating oras ng aming pag-uusap ay nakalaya rin ako sa mga Verandal.
Tiningnan ko ang oras at laking gulat ko na alas siete na pala ng gabi. Mabilis kong tinawagan si Ambo para sunduin ako dito sa cafe kung saan iniwan ako ni Stacy. Nag alok naman siyang ihatid ako pero tumanggi lang ako dahil naghihintay sakin si Ambo doon sa Verandal Company. Hindi rin nagtagal ay dumating si Ambo at sumakay ako. Dumeretso na'ko ng bahay pero pagdating ko ay nagluluto pa lang ng ulam si Manang Melbie.
"Manang Melbie, wala pa po ba si Brix?" sabay latag ko sa bag ko at iilang folders ng mga papeles sa couch.
"Naku hija, wala pa eh. Diba magkasama kayo?"
"Iyon nga po. Di bale po Manang Melbie, baka po e may inasikaso siyang iba."
Tumungo ako sa fridge para kumuha ng tubig dahil parang natuyo ang lalamunan ko sa mahabang chikahan ko mula sa mga Verandal.
"Sya sige. Umupo ka na diyan at malapit ko ng matapos itong adobong manok."
Nagutom tuloy ako bigla. Di kasi ako masyadong kumain kanina dahil sa sobrang kadaldalan ni Stacy na halos hindi nauubusan ng kwento at tanong sakin. Ilang sandali rin lang ay luto na ang adobong manok ni Manang Melbie at sabay kaming kumain dahil pareho na kaming gutom. Tinirhan lang namin si Brix ng ulam at kanin.
Simple kung maituturing ang buhay dito sa malaking bahay ni Brix kompara sa buhay niya doon ng naninirahan pa raw ito sa mansion nila kasama ang kanyang isang kapatid at mga magulang. Kaya daw ganito ka simple dahil gusto maging independent ni Brix. Kaya lang kahit gusto ni Brix maging independent ay hindi siya pinahintulutan ng magulang niya na manirahan mag isa sa bahay kaya't kasama niya ngayon si Manang Melbie.
Tinulungan ko si Manang Melbie magligpit at nang matapos na lahat ay nauna na itong natulog sakin.
Naiwan akong nanood ng isang korean drama series. Kahit ilang ulit ko na itong pinanood ay di parin ako nagsasawa. Kung wala lang siguro si Brix malamang itong male lead ang crush na crush ko!
Type ko talaga ang lalaking tahimik at mysteryoso kabaliktaran ni Brix noon na sobrang cheerful at palatawa pero parang ngayon, para na siyang itong male lead sa series. 'Yong walang imik at parang ang laki ng galit sa mundo. 'Yong parang walang nakikita at naririnig. Sobrang Cold!
Naka ilang episode na'ko pero wala pa rin si Brix. Nasaan na kaya 'yon? Wala akong ibang maisip na tawagan dahil hindi ko naman alam ang numero ng pamilya at mga kaibigan niya. Sino ba? Hmmm... Sino ba ang maaaring tanongin ko? Si Ambo? Eh siya ang kasama ko kanina. Si Manong Bert kaya? Eh wala rin naman din 'yong cellphone. Hays sino ba?
"Ah! Alam ko na!" Agad na dinial ko ang number ni Brix. "Sumagot ka Brix..." Ilang sandali pa ay sumagot rin ito. "Hello, Brix? Nasaan ka?"
"You! Hey... Hawsh are yow?"
Lasing ba 'tong si Brix? Bakit utal-utal siyang magsalita?
"Brix lasing ka ba?" Tumayo ako at lumabas ng bahay dahil nawawala 'yong signal.
"Whaat?! Indi ah! Bashh ka tawag ha?"
Lasing nga! "Asan ka ba ngayon? May kasama ka ba?"
Tumawa lang ito at parang natigilan sandali.
"I'm with dzaa wind.. Sa roptap!" sabay tawa nito.
"Ano Brix?"
Sinong wind ang pinagsasabi niya? Ngayon lang ako nakarinig ng wind na pangalan. At rooftop? Ang daming rooftop dito sa Manila. Paano ko siya mahahanap? Saan ba? Saan?
"Heey Dzapney! Come here and let's celebrate!" sabay tumawa uli ito at pinatayan ako ng cellphone.
"Hello Brix? Brix?"
Mabilis akong napatayo at pinatay 'yong panonood ko sa tv. Wala na akong pakialam sa suot ko. Ang mahalaga ay mapuntahan ko ngayon si Brix.
Habang nag da-drive ako, pinag-iisipan ko kung saang rooftop siya naroroon.
"Rooftop ng bahay nila? Rooftop ng club? Anong club? Saan ba talaga kasi? Rooftop... Roof–" Natigilan ako ng may naisip akong isang lugar." Tama! Baka nando'n siya."
Mabilis kong pinaharurot ang sasakyan. Ilang minuto lang din ay narating ko na ang Montejo Empire. Nagbabakasali akong sa rooftop ng building na ito namamalagi sa mga oras ngayon si Brix. Gaya kasi noong unang kita ko sa kanya ay nandoon siya sa rooftop at umiinom. Sumagi tuloy ulit sa isip ko ang muntikan niyang pagtalon.
Mabilis akong nakapasok ng building ng makilala agad ako ng mga security guard. Kinumperma ko kung nandon pa ba si Brix pero hindi raw nila alam dahil hindi pa sila nagroronda sa loob ng office. Sinamahan nila ako pero nasa second floor pa lang ay lumabas agad sila ng elevator dahil ngayon pa raw nila uumpisahan ang pagroronda.
"Tsk! Ang tagal! Come on!"
Hindi na ako makapaghintay mahanap si Brix at baka ano na naman ang ginawa niya. Ilang minuto lang ay naabot ko na ang last floor. Sobrang dilim pero buti nalang at nakahiram ako ng flash light sa mga security guard.
Nakakatakot talaga ang daan patungo ng rooftop! Para tuloy akong nasa isang horror movie. Samahan pa ng malamig na hangin.
Naabot ko rin ang rooftop at agad kong nilibot ang aking paningin.
"Tsk. Sabi ko na nga ba..."
Nakita ko si Brix na nakaupo habang nasa tabi nito ang ilang bote ng alak. Dahan-dahan ko itong nilapitan at ng makalapit ako ay agad ko siyang tinabihan.
"Kanina pa kita hinahanap. Tatalon ka na naman ba?" tanong ko sa kanya.
Naawa ako sa kanya. Magulong-magulo ang buhok niya at gusot-gusot ang kanyang damit. Halos wala ng laman ang bote ng alak. Hindi siya sumagot at hindi na rin ako nagsalita pang muli. Tinabihan ko lang siya at pinagmasdan.
"I'm not ssstupid," sabay tawa nito.
Pinakinggan ko lang siyang tumatawa hanggang sa 'di ko napigilang tumawa na rin kasabay sa kanya. Natigil lang ako ng tumingin siya sakin.
"Bakit?" tanong ko sa kanya.
"Sana ikaw nalang 'yong minahal ko. Sana ikaw nalang," sabay pag luha nito.
Hindi ko rin tuloy mapigilan ang mapaluha. Masakit. Sobrang masakit marinig ang mga salitang iyon mula sa kanya. Siguro nga as what they say, first love never die. Mahirap kalabanin ang first love. Bukod sa walang-wala itong itsura ko kay Jertrude e mas malalim pa ang meron sila kaysa sakin.
Para na 'kong baliw na umiiyak habang tumatawa ulit. Pero natigilan ako ng biglang..... biglang hinalikan ako ni Brix. Nagkatitigan ang aming mga mata habang magkadikit ang aming mga labi. Nandon pa rin ang pagpatak ng aking luha. Kasabay ng hindi mabuwag naming mga labi ang pagpikit ng aking mga mata.
Pinapakiramdaman ko kung paano kasaya sa tuwing magkadikit ang aming mga labi. Pakiramdam ko na rin na kahit hindi maging akin si Brix ay natikman ko ang tamis ng kanyang halik. Ang isang halik niyang puno ng pait at hinanakit mula sa babaeng mahal na mahal niya pero tinalikuran siya.
Matagal din kaming naka steady sa ganoong pwesto. At nang idilat ko ang aking mga mata ang siyang pagpikit ng mga mata ni Brix.
Humiwalay ang labi niya sakin at saka inihilig nito ang kanyang ulo sa aking balikat. Nanatili kami sa ganoong pwesto habang inalalayan ko lang siyang makatulog. Hinawakan ko ang kanyang kamay at hinalikan ito. Inamoy ko ang ulo niya na kahit buong araw na sa trabaho ay parang amoy bagong ligo pa rin.
Tinitigan ko ang langit na puno ng bituin. Pinikit ko ang aking mga mata at muling humiling. Hiniling ko na sana, bukas pag gising ni Brix ay matutunan na niya akong mahalin.