Chapter 4

2279 Words
Nagising ako ng dahil sa malakas na music. Agad akong napalabas ng kwarto at nadatnan si Manang Melbie. Si Manang Melbie, ang nanny ni Brix. Kilala ko siya dahil noong high school pa man kami, nakikita ko na siya minsan na umaattend sa parents meeting. At kaya nakita ko ngayon si Manang Melbie dahil nakatira na ako ngayon sa bahay ni Brix. "Brix? Hijo? Bakit ngayon ka lang? At sino 'yang kasama mo?" Marahil ay nagtataka sakin ngayon ito dahil sa biglaan na pag uwi ko sa bahay ng alaga niya. Tumingin sakin si Manang Melbie at ngumiti. "She's my girlfriend and she'll stay here. Kindly lead her to her room Manang," malamyang sagot ni Brix matapos ay dumeretso lang ito sa ikalawang palapag ng bahay niya. "Ha? Saang kwarto ko siya dadalhin? At bakit siya dito titira?" nalilitong nagpalipat-lipat ng tingin si Manang Melbie. "Manang, I'm tired. I'll talk to you tomorrow. Goodnight," sagot ni Brix matapos ay tuluyan na itong pumasok sa silid niya. Samantalang naiwan ako kasama si Manang Melbie. Lumapit ito sa akin at nagpakilala gayon na rin ako. Dinala ako ni Manang Melbie sa kwartong di kalayuan sa kwarto ni Brix. "Bukas hija, ituturo ko sayo lahat ng parte ng bahay. Ngayon, magpahinga ka na muna at marahil ay pagod ka sa'yong trabaho." "Sige po. Maraming salamat po Manang Melbie," magalang na sagot ko sa kanya. "Sya sige hija. Good night." "Good night po," sagot ko at agkatapos ay isinara ko na ang pinto at tuloyang humiga na saking bagong kama. "Gising ka na pala hija. Pasensya ka na sa lakas ng music. Ganito talaga pag umaga. Para maingganyo ako sa pag gawa ng mga gawaing bahay," saad nito sabay bitaw ng malapad na ngiti sakin. "Ganon po ba. Sige po tulungan ko na po kayo Manang Melbie." Aakma sanang kukuhanin ko 'yong walis pero agad niya itong hinawakan. "Ay hindi na hija. Kumain ka na ng agahan mo at pagkatapos ay maligo ka na." Oo nga pala. May trabaho pa pala ako. Pero nasaan si Brix? "Okay lang naman po Manang. Tsaka maaga pa naman po eh." "Ay hindi pwede sakin 'yan hija. Ako ang silbidora dito at ako ang masusunod," sabay tawa nito. Sumunod nalang ako at kumain. Itatanong ko sana kung nasaan si Brix pero hindi nalang dahilan sa abala si Manang Melbie sa paglilinis. Pagkatapos kong kumain ay bumalik ako sa kwarto para kunin ang pang ligo ko. Nag suot lang ako ng bathrobe at nag dala ng iilang gamit panligo. Pagkatapos ay binuksan ko ang kabilang pinto patungong shower pero laking gulat ko nang bumungad sa mga mata ko ang half naked na katawan ni Brix! Kitang-kita ko ang pagbagsak ng mga tulo ng tubig sa kanyang balikat mula sa kanyang basa na buhok. Lantad din sa dalawang singkit kong mata ang mala six pack na abs niya! Nakakatawa man pero huli na kung mag re-react pa ako dahil nakita na niyang nakatitig ako sa kanya. "Damn what are you doing here?" inis na tanong niya sakin. Umagang-umaga pa lang ay inis na naman siya sakin kahit wala pa akong ginagawa o sinasabi sa kanya. Ano nga ba ang ginagawa ko dito? Ah.. Ah.. Ano ba? Syempre maliligo rin Daphne! "Ah maliligo. Ano pa ba? Hindi ko naman ala-" Hindi ko naman alam na interconnected pala ang pintong ito sa shower room niya no! "Whatever," malamyang sagot nito habang nakasimangot na naman ang kanyang mukha at nilagpasan ako. Nang makalabas siya'y napahawak agad ako sa dibdib ko upang pigilan ang kilig na nadarama ko. Hindi ko talaga kinaya makita ang katawan niya! Pakiramdam ko tuloy malalaglag na yong panty ko kanina. Naligo rin agad ako at matapos ay bumalik sa'king kwarto upang mag bihis. Hindi rin naman mahirap maghanap ng damit dahil may dinala si Manang Melbie saking iilang mga damit na pwede kong maisuot. Pagkatapos kong mag ayos ay lumabas din agad ako at nagpaalam kay Manang Melbie. Naabotan ko si Brix na nakasimangot habang naghihintay sakin. "What took you so long? Do you really want me to wait for you?" Hindi agad ako nakasagot dahil matapos niya itong maitanong ay pumasok rin agad siya ng kotse at padabog na isinara ang pinto. Wala akong ibang nagawa kung 'di ang sumunod na rin lang dahilan sa rule nga na bawal mag reklamo. Minsan, hindi, KADALASAN talaga nakakabwiset ang ugali ni Brix! Ibang-iba sa Brix noon. Pero siguro nga, people change. Nakarating kami sa loob ng opisina na magka-holding hands dahil ika nga, dapat malaman ng maraming tao na naka move on na siya at meron na siyang bagong girlfriend. And its none other than me! Hawak ni Brix ang kamay ko ng mahigpit na hindi sweet na pagkahigpit ah. Mahigpit as in masakit na pagkakahawak niya kaya minsan pinipiglas ko 'yong kamay ko pero tumitingin siya sakin sabay tumataas ang dalawa niyang kilay at ngumingiting aso. Pinilit ko na rin ngumiti at umayon sa acting niya. Pagpasok namin sa office niya ay agad din niyang itinanggal ang kamay niya sa pagkakahawak sakin at dumeretso lang sa upuan niya at agad binuksan ang kanyang laptop. Samantalang naiwan naman akong nakatunganga. Pero pagtalikod ko ay palihim kung inamoy ang kamay ko na hawak niya kanina. Gosh! Ang bango at parang kumukuryente sa buong sistema ko ang mga eksena kanina kahit medyo nasaktan ako sa higpit ng pagkahawak niya. Natapos nalang ang araw at nandito pa rin ako nakatunganga habang pinapanood ang umiikot na Santa Claus sa loob ng crystal ball. "Ms. Alcantara, come with me." "Po?" Agad napatingin ako kay Brix na ngayo'y nag-aayos ng necktie niya. "Nakakaintindi ka ba ng english?" "Opo." Syempre naman! Makaka graduate ba ako ng kolehiyo kung hindi? "Then why are you always asking me po whenever I say something?" saad ni Brix sa nakasimangot nitong mukha saka naglakad patungo sakin. "Now what? Let's go!" sigaw niya na siyang nagpatayo sa'kin bigla. Mabilis na sinundan ko siya. Pero bago kami lumabas ng kwarto ay agad hinawakan niya ang bewang ko. Nagtataka naman akong napatingin sa kanya. "What?" sabay napakunot siya ng noo. Umiling nalang ako at umayon sa gusto niya. Ika nga, gagawin ko ang lahat ng gusto at iuutos niya. Pero okay na rin ito! Nakakakilig kaya eh! Lumabas kami dala ang malalaking ngiti naming dalawa habang sinasalubong kami ng bati ng mga employado niya dito sa Montejo Empire. Kahit na may ibang nakataas ang mga kilay at ng lo-look down ng tingin ay nginitian ko pa rin sila. Mabilis namin narating ang ground floor at paglabas ng elevator ay sinalubong din kami ng dalawa niyang bodyguard. Sumakay din kami uli ng sasakyan niya. Bumalot na naman ang katahimikan sa pagitan naming dalawa. Di rin malayo ang biyahe namin at napatigil uli kami sa botique na pinuntahan namin kahapon. Pumasok ulit kami at gaya ng nangyari kahapon ay pinasuot na naman ako ni Brix ng isang sexing damit na halos kita na ang kabuoan ng likod ko. Pagkatapos kong masuot ay lumabas din kami at sumakay ulit sa sasakyan niya. Gusto ko sanang magtanong kung saan uli kami pupunta ngayon dahil pinasuot niya ako ng ganitong damit. Halos kalahating oras lang ay narating namin ang isang mala palasyong bahay. Maraming sasakyan ang nakapila sa labas ng gate. Pinarking lang ni Ambo, 'yong isang bruskong bodyguard ni Brix ang sasakyan bago kami lumabas. Sa muling pagkakataon ay hinawakan ni Brix ang kamay ko at inilalayan ako papasok sa loob ng mansion. Napakadaming bisita na magaganda rin ang suot at mukhang mga mayaman dahil sa mga suot nitong alahas. Maraming magaganda at matitikas na mga lalaki ang sumalubong samin at bumati. Matamis naman ang pagbati na ibinigay sa kanila ni Brix at ako tanging tango lang ang naibigay ko dahil sa nahihiya ako sa ganitong klaseng senaryo. Maya-maya'y may sumalubong samin ni Brix na isang lalaking may kahabaan ang buhok na hanggang balikat. May sumunod pang dalawa at puro matitikas at gwapo rin. Matapos nilang mag-usap at magbatian ay napatingin naman sakin 'yong isang lalaking may dimple at may kulay blue na pares na mga mata. "Well, will you introduce us kung sino tong bagong dini-date mo Brix?" tanong ng lalaking kanina pa nakatingin sakin–si Mr. Blue eyes na may dimple. "She's my girlfriend," walang ka buhay-buhay na sagot ni Brix at agad itong nag-iwas ng tingin sakin. "So she's the one," saad naman ng lalaking mahaba ang buhok. Hindi naman sumagot si Brix at sumimsim lang ito ng wine. "Well what's her name?" singit ulit ni Mr. Blue eyes. Napabuntonghininga naman si Brix at matapos ay lumingon sakin. "Daphne." "Oh Daphne... I'm Kyle, Brix buddy," sabay abot ng kamay sakin ni Kyle. Ito pala ang name ni Mr. Blue eyes na may dimple sa kaliwang pisngi. Nag abot din naman ako ng kamay at nagpakilala. Sunod na nagpakilala sakin ay si Jared, 'yong mahaba ang buhok na pinsan pala ni Brix at si Wayne naman na kaibigan ni Jared. Umupo kami sa sofa at hinayaan ko lang silang magkakaibigan na nag-uusap. Nagugutom ako pero parang ang hirap kumain sa ganito ka daming tao at medyo nakakahiya dahil kahit isa ay wala akong kilala. "Hey, are you really over with Jertrude?" panimulang tanong ni Kyle habang naka crossed legs ito. "Or is this something you do para pag selosin siya?" tanong naman ni Wayne na marunong pa lang magsalita. Hindi ito sinagot ni Brix at patuloy lang itong sumimsim ng wine na para bang walang naririnig. "Let's not talk about that. How about playing golf this sunday?" singit ni Jared. "I'm not free this Sunday. I have a getaway with Amanda," sagot ni Wayne. "Amanda? You mean that hot chic we met at a club?" gulat na tanong ni Kyle habang suminyas ito sa dumaan na waiter at kumuha ng bagong inumin. Tumango naman si Wayne na tila ba proud itong ipinaalam na may get away siya sa isang babaeng nagngangalang Amanda. "Too good dude! If you're done with her, give her to me," nakangiting saad ni Kyle. "The heck? Kakainin na nga niya tapos kakain ka pa ng tira?" tila iritang sagot ni Jared. "It doesn't matter dude. The important is we will both enjoyed her goddess body. Right Wayne? If that's okay?" sabay ngumisi ng nakakaloko ni Kyle habang naghihintay ng sagot kay Wayne. "Whatever dude," naka ngiting sagot naman ni Wayne kay Kyle samantalang napailing lang si Jared at nanatiling walang imik si Brix. Dahilan sa nayayabangan at nawawalan ako ng respeto sa kanila kaya napag-desisyonan ko nalang tumayo para magpahangin sa labas. Hindi rin naman nag reklamo si Brix at hinayaan lang ako. Pumunta ako malapit sa pool dahil hindi gaano marami ang tao at isa pa, gusto kong ilublob yong mga paa ko sa tubig. Pero bago ako tuluyang tumungo ay kumuha muna ako ng iilang marshmallow at nilagay sa maliit na platito. Masaya akong kumakain ngayon mag isa dito sa pool. Pero hindi nagtagal, nawala 'yong ganda ng scenery dahil kay Kyle. "Hi Daphne. Why are you alone here?" Napilitan akong ngumiti sa kanya. "I just needed air to breathe." "I see. So may I join you?" Paano pa ako hihindi e tumabi na agad siya sa akin at kumuha pa ng iilang marshmallow at kinain. Walang imikan ang nangyari dahilan sa nagiging uncomfortable ako sa presensya niya at isa pa, sa tipo pa lang ng pag-uusap nila kanina, alam ko na kung anong klaseng lalaki siya. "So Daphne, did you do it already?" Agad naman napalingon ako sa kanya na may halong pagtataka sa expression ng aking mukha. "Ang alin?" "You know the thing. With Brix?" tanong nito na may ngiting bumakas sa kanyang mga labi. "Ang alin nga?" nakangiting tanong ko rin sa kanya. "s*x? What else would be?" Bigla tuloy napaubo ako. "Ano? Hindi ah!" Pero instead na magseryoso siya ay tinawanan niya pa ako. "I don't believe you. With a body like that, you think you could fool me? But yeah maybe, I guess you're just shy to admit it." Naloloko na ata 'tong lalaking to ah? Aba kung makapanghusga, akala niya e mabilis lang ako makuha gaya ng mga babaeng dini-date niya! Hindi ko nalang siya sinagot at tumayo ako upang iwanan siya pero hindi pa ako nakakalayo ay agad hinawakan niya ang kaliwang braso ko. "Bitawan mo ako Kyle," paki usap ko. "Maybe we could? Hindi naman natin sasabihin kay Brix. It's just between the two us," malanding pakiwari nito sabay nag wink sakin. Agad kong ipiniglas 'yong braso ko at sinampal siya ng pagkalakas-lakas. Napatingin din naman 'yong ibang mga tao at biglang napatalon sa kaba ang puso ko ng marinig ko ang pamilyar na boses. "Daphne! What the hell?" bulyaw ni Brix. "Damn dude! Your girlfriend is rude! Sinabi ko lang naman sa kanyang bagay 'yong damit sa kanya and then she just slap me," galit na sumbong nito kay Brix habang hinihimas-himas nito ang pisngi niyang nasampal ko. Napatingin naman ng masama sa'kin si Brix maging ang ibang mga tao. Sasagot sana ako pero sumapaw agad siya. "I didn't bring you here to make a scene! What's wrong with you?!" sigaw niya sakin. Napaluha nalang ako sa galit. Galit na hindi ko maipagtanggol ang sarili ko kahit hindi iyon ang tunay na nangyari. Maraming tao ang lumapit at napahiya ako dahil sa akusasyon ni Kyle at paninigaw ni Brix sakin. Tumakbo nalang ako at sa pagtakbo ko ay nabangga ko pa ang waiter na may dalang mga alak. Patuloy pa rin ako sa pag-iyak pero hindi ko na magawang tulungan ang waiter dahil sa sakit at hiya na nararamdaman ko. Patuloy ako sa pagtakbo at tuluyang umalis sa party.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD