Wala akong ibang ginawa kung 'di ang tumunganga. Matapos kasing natapos ko lahat ng reports ay wala ng inutos saking iba si Brix. Maghapon na laging nagnanakaw lang ako ng tingin sa kanya. Siya naman, walang ibang ginawa kung 'di ang tumutok sa laptop niya.
Hay... Ang gwapo niya pa rin. Parang walang nag bago sa kanya. Pero parang 'yong awra niya, ang layo-layo no'ng high school days pa kami. Lagi kasi siyang naka ngiti dati at kailanman, hindi mo siya makikitang nakasimangot pwera ngayon.
Sa tuwing may tawag na dumadating, para siyang natataranta at kapag naman nakausap na niya ay binababaan niya lang agad. Para talaga siyang ewan. Hindi ko siya maintindihan. Dahil pa rin ba kay Jertrude?
I wonder kung ano ang nangyari sa kanila. Bakit kaya sila nag break? At sa dinig ko pa kagabi, tinurn down daw ni Jertrude 'yong proposal niya for marriage. Sus! Kung ako 'yon? Maaga pa sa alas kwarto, nag yes nako kay Brix!
Natigilan ako sa pag-iisip ng biglang nag vibrate ang cellphone ko. Agad ko itong tiningnan at nakita ang pangalan ni Cristy.
"Hello? Cristy?" sabi ko sa mahinang boses. Nakakatakot kasing istorbohin si Brix.
"Hooy! Gaga! Asan ka na? Di ka ba sasama samin sa club?"
Parang rapper naman sa bilis kapag nag salita 'tong si Cristy.
"Hindi kasi ako pwede e. May trabaho pa ako," halos pabulong ko ng sagot.
"Akala ko ba leave for vacation ka?"
"Parang ganon. Pero..."
"Anong parang? Wala ng pero-pero. Nangako ka 'di ba?"
Nalilito tuloy ako kung o-oo ba ako o hindi. Paano ba naman kasi ako magpapaalam kay Brix kung mukhang biyernes santo ang mukha niya? At paano ako makakahindi kina Cristy e for sure baka magtampo ang buong barkada kung hindi ako pupunta.
Wala akong ibang choice kung 'di ang umu-o nalang kay Cristy para matapos na 'tong pangungulit niya. Tiningnan ko ang oras at mag a-alas sais na. Siguro naman pwede na akong umalis dahil kaninang alas singko pa ang uwian.
Inayos ko muna ang desk ko saka ko kinuha ang bag at tumayo. Tumungo ako sa direksyon ni Brix na hanggang ngayon ay naka simangot pa ring nakatitig sa kanyang laptop.
"Sir Brix," panimula ko. Pero parang wala ata siyang narinig kaya inulit ko. "Sir Brix? Pwede po ba-"
"Kung magpapaalam kang aalis ka, hindi pwede. I already told you that you'll be working with me 24/7."
Hindi pa rin siya tumitingin sakin pero ramdam kong parang may halong pagkairita sakin ang boses niya.
"Pero po kasi–"
Napatigil ako dahil sa tingin niyang para bang sinusunog niya ang aking kaluluwa. Para tuloy akong isang preso na nahuli ng police dahil hindi agad ako makapalag. Napabuntonghininga nalang ako at ngumiti ng pilit sa kanya.
Pabalik na sana ako sa upuan ko ng bigla niyang tinawag ang pangalan ko.
"Ms. Alcantara, I want you to come with me."
"Po?" ang tanging nasambit ko.
Hindi na naman siya sumagot at basta nalang tiniklop nito ang kanyang laptop at pagkatapos ay basta nalang akong hinila.
Sumunod din agad 'yong mga bodyguard niya samin papasok ng elevator. Walang imikang naganap. Bigla ulit nag vibrate ang cellphone ko at nang hinugot ko ito at aakma sanang sasagutin ko ay bigla niyang hinablot at inabot sa bodyguard niya.
"Sir Brix bakit niyo po 'yon ginawa? Akin na po 'yong cellphone ko."
Pero katulad nong nauna, tiningnan niya lang ako ng masama at pagkatapos ay nag-iwas ng tingin. Nang bumukas na ang elevator ay iniwan niya lang ako. Hindi na sana ako susunod pero sininyasan ako ng mga bodyguard niyang sumunod ako kaya wala akong ibang nagawa kung di ang sumunod na rin.
Sumakay kami sa loob ng kotse niya. 'Yong dalawang bodyguard nasa harap at 'yong isa ay nagmamaneho. Habang kami ni Brix dalawa sa likod. Wala ring open conversation ang nangyari dahil sino ba ako para kausapin siya?
Tumigil kami sa napakalaking boutique. Hindi sana ako lalabas pero tiningnan na naman ako ng masama ni Brix kaya agad akong sumunod.
Pagpasok namin sa loob ay sobrang namangha ako sa interior designs nito at sa dami ng magagandang damit na iba't iba ang kulay. Suminyas lang si Brix sa isang magandang babae at ilang segundo lang ay bumalik na ito na may dalang isang kulay red na dress. Pilit pinapasuot ito sakin ng babae kaya napilitan akong pumasok sa loob ng Dressing Room.
"Ano ba naman to! Hindi ko ata 'to kayang suotin. Diyos ko! Tulongan niyo po ako," reklamo ko sa harap ng salamin.
Hapit na hapit lang kasi sakin 'yong damit. Ang mas nakakapanibago kasi, open na open 'yong likod nito so ibig sabihin halos kita na 'yong backbone ko! Maikli rin lang siya. Lagot! Wala pa naman akong ibang panapaw sa pambaba ko bukod sa panty kong kulay pink na bulaklakin!
Ilang katok na ang narinig ko pero hindi ko pa rin binubuksan ang pinto. Nahihiya talaga akong lumabas dahil sa suot ko.
"Damn it Ms. Alcantara! Gaano ka ba katagal mag bihis?" sigaw sakin ni Brix na siyang nagpabilis sa pagtibok ng puso ko.
What if makita niya akong ganito? Siya ba ang may balak nito? Pero bakit? At bakit pa kailangan mag suot ako ng ganito?
"I will really break this door if you won't come out now!"
Napahinga muna ako ng malalim bago ko unti-unting in-open ang lock at pagkatapos ay dahang-dahang binuksan ang doorknob. Nanlaki ang mga mata ng babaeng nag bigay sakin ng damit habang nanatiling expressionless ang mukha ni Brix.
"Never do that again," saad nito sakin bago ako tinalikuran.
Sininyasan ulit ako ng dalawa niyang bodyguard hudyat na sumunod ako sa kanya. Tatanungin ko pa sana 'yong babae kung nabayaran na ba ang damit pero tumango at ngumiti lang ito sakin.
Sumakay ulit kami at ganon pa rin, walang conversation na naganap. Lumipas ang halos kalahating oras bago namin narating ang isang restaurant. Super classy at mukhang mayayaman lang talaga ang makaka afford base 'yan sa menu na tinititigan ko ngayon. Sobrang mahal at minsan pa'y hindi ko masyadong maintindihan ang pangalan ng mga pagkain.
"Will that be your order Sir?" tanong nang lalaking waiter kay Brix.
"Yes."
Humarap sakin 'yong waiter at itinanong kung anong oorderin ko.
"Ganon na rin gaya sa kanya," saad ko ng wala akong ibang alam mi isa sa ulam na nasa menu.
Isang katahimikan ang namagitan samin ngayon ni Brix na ngayo'y walang ibang ginawa kung 'di ang tumitig sa cellphone niya na tila ba may hinihintay siyang mag me-message o tatawag sa kanya. Nakakailang man ay nanatili pa rin akong nakaupo sa harap niya.
Hindi rin nagtagal ay bumalik 'yong waiter dala ang order namin. Kumain lang kami ng walang imikan. At nang matapos kaming kumain, suminyas si Brix sa isang bodyguard nito. Lumapit naman 'yong bodyguard at may inabot sa kanya.
Ilang sandali pa kaming nagtitigan at dahil sa hindi ko nakayanan ay tumingin nalang ako sa ibang direksyon. Baka kasi ayaw niya ng tinititigan ko siya. Tumikhim si Brix na siyang nagpabalik sa tingin ko tungo sa kanya.
"Sir Brix ano kasi... Gusto ko lang... Ano po... Bakit po ba kasi ako nandito? At bakit kailangan ko pong mag suot ng ganito? Tsaka bakit po kinuha niyo ako bilang private secretary niyo po?" sunod-sunod na tanong ko.
Wala namang ka expression ang mukha ni Brix matapos ko itong matanong sa kanya. Kung ikokompara ko lang siya ngayon sa isang bagay ay malamang isa siyang bato. Parang ang manhid niya at wala siyang nadidinig.
Bigla niyang inilapag sa harap ko ang isang envelope na kulay brown. Biglang nanlamig ang mga kamay ko ng mailapag niya ito.
"Read it."
"Po?" takang tanong ko habang tiningnan ko ang brown envelope.
"Do I really have to repeat everything I say?" kunot noo na naman niyang tanong sakin.
Hindi nalang ako sumagot at unti-unti kong inabot ang envelope. Binuksan ko ito at binasa.
"Contract agreement?" Nagugulumihan na tanong ko sa kanya pero parang hindi naman niya ako naririnig.
Nakalagay sa papeles na mag tatrabaho ako sa kanya 24/7, uuwi ako kung saan siya uuwi, sasamahan ko siya kung nasan siya, gagawin ko kung ano ang gusto at iuutos niya at aayos ako sa kung ano ang gusto niya.
"Nababaliw ka na ba?" seryosong tanong ko sa kanya na nag-agaw ng atensyon niya.
"What did you just say?"
Nagtagpo ang dalawa niyang makapal na kilay. Kung hindi expressionless ang tinging ibinibigay niya sakin ay galit o pagkairita naman.
"Sabi ko, nababaliw ka na ba? Bakit ko naman gagawin 'to?"
Ano bang tingin niya sakin? Kasambahay? Ganito ba ang ibig niyang ipaintindi sa trabaho bilang private secretary niya?
"To have money? I said read it," walang ka buhay-buhay niyang sagot.
"Oo nga binasa ko, pero bakit? Bakit ko 'to kailangan gawin? At bakit ako?"
Ilang segundo pa bago siya nakasagot. Aaminin ko mang noon pa man patay na patay ako sa kanya pero hindi ko talaga maiwasang magtaka kung bakit niya ito ginagawa.
"Okay I'll be straight. I want you to be my girlfriend."
Parang nalaglag na ata ang aking panty at halos hindi agad ako maka react.
"Ano? Girlfriend mo?"
"Yes. Read number twenty-nine."
Dali-dali kong binasa ulit kong ano ang nasa number twenty-nine at gayon nalang ang aking pagkagulat.
Number 29: You'll be my girlfriend as long as I want.
"Pero bakit? I mean bakit ako?"
Wow naman Daphne! Cho-choosy ka pa ba? Si Brix na 'yan oh! 'Di ba matagal mo na siyang pangarap? Ito na 'yon oh! Chance mo na! Ano ka ba!
"Why not?" sabay pagtaas ng isang kilay niya.
"Pero kasi..."
Kung gusto niya ako maging girlfriend 'di ba dapat manligaw muna siya? Ugh! Huwag kang magpatinag Daphne! Maging babaeng filipina ka!
"I'll pay you quadruple. Just sign that paper."
Pero hindi naman sa pera 'yon e. Wala akong pakialam sa pera mo. Gustong-gusto ko maging girlfriend mo pero hindi sa ganitong paraan.
Pero paano kung sa ganitong chance lang ang paraan ko para mapasaakin si Brix? Tanong naman ng kanang bahagi ng utak ko.
Pero paano kung masaktan lang din ako sa huli sa ganitong set up? Tanong naman ng kaliwang side ng utak ko. Ang daming what ifs sa isip ko! Hindi tuloy agad ako makapag decide ng maayos.
Gusto mo ba si Brix? Oo.
Pangarap mo ba si Brix? Oo.
Gusto mo na bang magka-love life? Oo.
Gusto mo bang maging first boyfriend mo ang first love at first crush mong si Brix? Oo.
Mahal mo ba siya? Sobra.
Arrghh! Sige na Daphne! Permahan mo na! Time is ticking!
"Well?" panunuya niyang tanong.
Nagkatitigan kami at nakikita ko sa kanyang mga mata na nandon pa rin ang lungkot niya. Siguro kailangan ako ni Brix para makalimutan niya si Jertrude. Pero bakit ako pa? Hindi naman ako kasing ganda ni Jertrude. I'm just a nobody compared to her.
Pero kahit ano pa ang rason niya, isa lang ang nakikita ko. He needs me. At siguro kahit na masaktan ako sa magiging decision ko ngayong gabi sa huli at least naman diba may ginawa akong isang matapang na bagay para sa taong una at matagal ko ng minamahal?
Marahil ito na ang chance na ibinigay sakin ni Lord para maipakita ko sa kanya kung gaano ko siya ka mahal.
Habang nasa biyahe kami ay gano'n pa rin. Walang conversation na nangyari kahit nakuha na niya sakin ang gusto niya. Oo dahil pinermahan ko na 'yong agreement.
Nakalagay sa agreement na una, dapat maging sweet at malambing lang kami kapag nasa maraming tao. Pangalawa, gagawin lang namin ang mag boyfriend-girlfriend thing kapag nasa public. Pangatlo, susundin ko ang lahat ng iuutos at gusto niya. Pang-apat, bawal ko siyang pakialaman sa lahat. Lima, tanging decision niya lang ang masusunod at hindi dapat ako mag reklamo. Bawal din ako magkaroon ng leave. Siya lang ang pwedeng magkaroon ng ibang fling at bawal na bawal ang magkaroon ako ng ibang lalaking ini-entertain. At higit sa lahat... Ang dapat ko rawng pakatatandaan.
"You read it all right? You didn't miss anything?"
"Ah yeah," saad ko sa mahinang boses na tila parang nanlulumo ako sa sakit ng lahat ng nabasa ko sa agreement.
"Then can you remember what's in number thirty?"
"Ha?"
Agad kong binuksan uli ang brown envelope at binasa ulit kung ano ang nasa number thirty. Sa dami ba naman kasi non, maaalala ko agad lahat? Hello?!
"Seen it?"
Tumango lang ako. Paano ko naman to masusunod e kung ngayon pa lang MAHAL NA MAHAL ko na siya? Na kahit alam kong maaaring masasaktan ako sa gagawin kong ito ay ipinagpatuloy ko pa rin.
"Then remember that. That's the most important thing. Don't. Fall. In. Love. With. Me."
Ang sakit at ang unfair diba? Pero ano pa bang magagawa ko kung nakapag decide na'ko at pinermahan ko na 'yong kontrata? Ano pang magagawa ko kung idinidikta ng puso at isip kong sundin ang kaligayahan ko? Ang kaligayahan na magkaroon ng chance na maging parti ng buhay ng lalaking pinakamamahal ko.