AKIRA'S POV "May pinapasabi sa 'yo ang mga magulang mo." Ito agad ang bungad sa akin ni Shin nang makarating ako sa training field namin. Seryoso ang mukha niya at ang dalawang kamay niya ay nakalagay pa sa magkabilang bulsa ng pantalon niya. Deretso rin ang tingin niya sa akin kaya alam na alam kong seryoso ang mga sasabihin niya. "Ano iyon?" maiksing tanong ko sa kaniya. Kung tutuusin ay mas maraming beses pang nakakausap ni Shin sina Mommy at Daddy kaysa sa akin. Minsan nga ay gusto ko nang isipin na baka si Shin ang anak nila at hindi ako. "Ipinauubaya nila sa 'yo ang plano sa First Level Exam," seryosong sagot sa akin ni Shin. "What does that mean?" kunot noong tanong ko naman. "Ibig sabihin ay ikaw ang magde-decide kung ita-top mo ang sarili mo o mananatiling mababa ang level

