AKIRA’S POV Mabilis na lumipas ang ilang araw at ngayon nga ay First Level Exam na. Magsisimula ang exam sa ganap na ika-walo ng umaga at matatapos ng ika-lima ng hapon. Kung sakali man daw na hindi matapos sa maghapon ang lahat ng estudyante ay itutuloy ang exam kinabukasan. “Handa ka na ba Akira?” nakangiting tanong sa akin ni Inaki habang nag-aayos siya sa harap ng salamin. Kanina pa ako tapos mag-ayos at hinihintay ko na lang siyang matapos. Nakaupo lamang ako sa bed ko habang pinagmamasdan siya sa ginagawa niya. “Hindi ko alam Inaki. I’m bit nervous,” pag-amin ko naman sa kaniya. Bahagya namang ngumiti si Inaki at saglit na sumulyap sa akin. “Don’t worry Akira. Kung ano man ang desisyon mo, nakaalalay lang kami sa ‘yo ni Kanji.” Bumalik sa pag-aayos niya si Inaki habang ako nama

