56

778 Words
AKIRA'S POV "Inaki, hindi ko yata kayang isuot ito sa labas," alanganing sabi ko kay Inaki habang tinitingnan ko ang sarili ko sa salamin. Araw ng Linggo ngayon at nandito na kami sa resort na sinasabi niya. Pinasukat na rin niya sa akin ang binili niyang swim suit kahapon. At ang totoo ay hindi ako komportable sa suot ko. "Ano ka ba! Ang sexy mo kaya Akira," nakangiting sabi sa akin ni Inaki. Marahan akong napailing. First time ko kasing magsusuot nito sa labas at hindi ko alam pero dito pa lang sa inupahan naming kwarto ay nahihiya na ako. "Hindi ko talaga kaya," seryosong sabi ko naman. Napabuntong hininga si Inaki. Lumapit siya sa kaniyang bag at may kinalkal doon. Ilang saglit pa ay inilabas niya ang isang puting dress na see through ang tela. "Siguro naman ay mawawala ang hiya mo dito," sabi niya at saka iniabot sa akin ang dress. Agad ko naman itong tinanggap at mabilis na isinuot. Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin at medyo nakahinga naman ako ng maluwag. Mas okay na ito kaysa sa wala. "And don't forget your ribbon," dugtong na sabi pa sa akin ni Inaki. Lumapit siya sa akin at ikinabit sa may wrist ko ang ribbon. Binigyan din niya ako ng sumbrero dahil medyo mainit sa labas. At ang panghuli ay ang shades na galing din kay Inaki. "Okay. We're good to go," excited na sabi ni Inaki. Hindi ko na nagawang makapagsalita dahil hinila na niya ako palabas ng kwarto namin. Maraming Nine Tailed Fox ang naglalangoy ngayon sa tabi ng dagat. At lahat ng kababaihan ay naka-swimsuit. Tama nga si Inaki, kung hindi ko sinuot ang binili niya ay ako lang ang naiiba sa mga babae dito. Naglatag ng banig si Inaki sa may ilalim ng puno upang hindi gaano mainit. Inayos ko naman ang mga pagkaing dala namin habang si Inaki ay pabagsak na nahiga. "This is what a weekend feels," narinig ko pang sabi ni Inaki. Napabuntong hininga naman ako. Nakaka-relax nga talaga kapag nandito sa tabi ng dagat. Ngunit hindi ko magawang ma-enjoy ang view sapagkat ang dami na namang tumatakbo sa isipan ko. Halos hindi ako pinatulog ng mga salitang sinabi sa akin ni Gomez kagabi. Sa ilang linggo ko na dito sa academy ay ngayon lang ako nabahala ng ganito. Ramdam kong may hindi magandang binabalak ang lalaking iyon at hindi ko alam kung paano ko sosolusyunan ang problema ko sa kaniya. "Hi girls." Halos manigas ako sa kinauupuan ko nang makitang may isang pares ng paa ang nakatayo sa may harapan namin. Hindi ko na kailangan pang tumingala para kilalanin ang nagmamay-ari ng boses. Kilalang kilala ko na siya. "Gomez? May kailangan ka?" nagtatakang tanong naman ni Inaki. "Wala naman. Napansin ko lang kasi kayong dalawa lalo na si Ms. Aki." Naikuyom ko ang mga kamao ko. Huminga ako ng malalim upang pakalmahin ang sarili ko dahil naiinis na naman ako. "Kumusta Ms. Aki?" tanong pa ni Gomez sa akin. "I'm fine," ang tanging naisagot ko na lang. "That's good to hear. Well, see you ladies." Pagkasabi noon ni Gomez ay umalis na siya na ikinahinga ko naman ng maluwag. Habang itong si Inaki naman ay pinaghahampas ako sa braso ko. "OMG Akira! Halatang may gusto sa 'yo si Gomez," kinikilig na sambit pa niya. "Ano?" hindi makapaniwalang tanong ko. "Halatang halata kaya, yung way ng pagtingin niya sa 'yo, may meaning yun," sagot naman niya. Marahan akong napailing. Kung alam lang ni Inaki ang totoo. Kung pwede ko lang sanang sabihin na alam na ng lalaking iyon ang tunay kong pagkatao. "Anong meron?" Napapitlag ako nang marinig ang boses ni Shin. Nasa may likuran namin siya at hindi ko magawang lumingon sa kaniya. "W-wala naman. Pinag-uusapan lang namin si Gomez," narinig kong sagot ni Inaki. "What about him?" seryosong tanong pa ni Shin. "May gusto si Gomez kay Akira," tuwang tuwa na sabi naman ni Inaki. Agad kong siniko ang madaldal kong kaibigan. Hindi naman siya sigurado sa iniisip niya kaya hindi niya dapat ito ipinagsasabi sa iba lalo na kay Shin. Hindi ko narinig na nagsalita pa si Shin. Nakita ko na lang ang isang bulto ng lalaki na papunta sa may dagat. Topless ito at naka-short na pang-swimming lang. Hindi ko maialis ang tingin sa kaniya hanggang sa lumingon siya sa akin. Nagtagpo ang mga tingin namin at halos lumabas na ang puso ko sa dibdib ko dahil sa lakas ng t***k nito. Napalunok pa ako nang makitang ngumiti ng bahagya si Shin sa akin at pagkatapos ay naglangoy na siya sa dagat. Nasabi ko na bang ang gwapo ni Shin kapag nginingitian niya ako?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD