AKIRA'S POV
Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari sa akin. Ni hindi ko na rin maalala kung paano biglang nawala sina Gomez. Hindi ko alam kung nasaksihan ba nila ang mabilis na paggaling ng mga sugat ko. Kinakabahan ako na baka napatunayan na nila na ako ang nakita ni Gomez na may gintong buntot.
Bahagya naman akong nakaidlip ngunit nagising din ako agad dahil sa sobrang pag-iisip ko. Kanina pa rin ako inaalok ni Inaki na kumain ng dinner ngunit wala akong ganang kumain.
"Akira, nag-aalala ako sa 'yo," panimulang sabi sa akin ni Inaki nang matapos siyang kumain.
Nagpakawala naman ako ng buntong hininga. "I'm sorry kung pinag-alala kita. But I'm fine," sagot ko naman sa kaniya.
"Akira, nang makita kita na walang malay kanina, wala rin ang ribbon sa may wrist mo kaya hindi mawawala sa akin ang mag-alala sa 'yo," seryosong sabi pa ni Inaki.
Halos manigas ako sa kinauupuan ko dahil sa narinig. Doon ko lang din na-realize na wala nga akong ribbon na inalis sa kamay ko noong nagbibihis ako.
"So tell me, ano ba talagang nangyari? Kailangang malaman ko ang totoo upang maiwasan ang pagkalat ng katotohanan kung sakali mang may nakakita sa tattoo mo," dugtong na sabi pa ni Inaki.
Marahan akong umiling. "Huwag mo akong alalahanin. I just need some air Inaki."
Tumayo ako at mabilis na lumabas ng kwarto. Sinigurado ko munang hindi ako susundan ni Inaki bago ako nag-teleport papunta sa may rooftop ng dorm namin.
Isang malamig na hangin ang sumalubong sa akin sa pagmulat ko ng mga mata ko. Gabi na at tahimik na ang paligid kaya marahil ay tulog na ang karamihan sa mga estudyante. Ngunit hindi ako mapapanatag hanggang hindi ko nakakausap si Gomez.
Ipinikit ko ang mga mata ko at pinakiramdaman ang aura ni Gomez. At nang matunton ko kung nasaan siya ay agad akong nag-teleport papunta sa kaniya. Naging madali naman sa akin iyon dahil nasa rooftop din siya ng dorm nila.
"Ms. Aki, anong ginagawa mo dito?" nakangiting tanong pa sa akin ni Gomez nang makita niya ako.
"Tungkol sa nangyari kanina," maiksing sagot ko naman.
Ngumisi naman sa akin si Gomez at bahagya pa siyang lumapit sa akin. "What about it?"
Tiningnan pa ni Gomez ang magkabilang kamay ko. "Ang bilis gumaling ng sugat na natamo mo. Alam mo bang tanging mga malalakas na Nine Tailed Fox lang ang may kakayahan na pagalingin ang sarili ng ganoon kadali? Nakakapagtaka na may kakayahan kang ganyan," sabi pa niya.
"Hindi ba dapat ay natatakot ka na sa akin dahil napapagaling ko agad ang sarili ko?" tanong ko naman sa kaniya.
"Honestly? Hindi. Ang totoo nga niyan ay mas lalo akong naging interesado kung sino ka nga ba," seryosong sabi naman niya.
Mapakla akong napangiti. "So anong gagawin mo? Ipagkakalat mo sa lahat ang nalaman mo sa akin?" kinakabahan kong tanong.
Hindi sumagot si Gomez. Bagkus ay may kinuha siya sa bulsa niya at halos mapaluhod ako nang makitang ang ribbon na nakatali sa may wrist ko ang hawak niya.
"Dapat na ba akong lumuhod sa harap mo upang magbigay galang sa 'yo Mahal na Prinsesa?" sarkastikong tanong pa niya sa akin.
Naikuyom ko ang mga kamao ko. Naiinis ako sa sarili ko dahil hindi ko nagawang protektahan ang sarili ko. Kaya ngayon ay alam na ni Gomez ang tunay kong pagkatao, at baka pati ang tatlong kasama niya ay alam na rin iyon.
"Hihintayin ko na lang bang damputin ako ng mga kawal ng palasyo dahil nalaman ko ang matinding sikreto nila?"
"Ano bang kailangan mo Gomez?" hindi ko napigilang itanong sa kaniya.
Napangiti naman si Gomez. Tumalikod siya sa akin at humakbang palayo. "Sa ngayon, wala pa akong maihihiling sa 'yo. Ngunit ang pananahimik ko ay may kapalit. At sisingilin kita sa tamang panahon Prinsesa Akira."
"Alam mo naman na kayang kaya kitang ipadakip sa mga magulang ko. Anong karapatan mong pagbantaan ako?" galit kong tanong sa kaniya.
"Dahil hindi ka pa opisyal na prinsesa sapagkat hindi ka pa naman ipinapakilala ng hari at reyna. And I'm sure, hindi ka papayag na ako pa ang mag-aannounce sa lahat, hindi ba? Relax ka lang Ms. Aki, tatahimik ako sa ngayon. You have my word."
Pagkasabi niya noon ay nag-teleport na siya kaya hindi na ako nakapagsalita pa. Napasuntok na lang ako sa sahig dahil sa inis na nararamdaman ko.
Anong gagawin ko ngayon? Sh*t!