54

681 Words
THIRD POV Pagkatapos bayaran ni Inaki ang kaniyang mga pinamili ay bigla siyang kinabahan sapagkat hindi niya makita si Akira. Agad siyang lumabas ng department store upang hanapin ang dalaga ngunit hindi niya ito makita. Inisa-isa na rin niya ang mga tindahan pati na rin ang buong paligid. Hanggang sa marinig niya ang boses ni Akira, nanghihina ito at humihingi ng tulong sa kaniya pati na rin kay Kanji. "Kanji, nasaan ka?" nag-aalalang tanong ni Inaki gamit ang kaniyang isip dahil umaasa siyang narinig din ni Kanji ang boses ni Akira. "Sh*t Inaki. Anong nangyayari?" galit na tanong naman sa kaniya ni Kanji. "Hindi ko alam. Bigla na lang nawala si Akira," halos paiyak na sagot naman niya. Natataranta na si Inaki at hindi na niya alam kung saan pa hahanapin si Akira. Sobrang nag-aalala na siya dahil ramdam niyang nasa panganib ang dalaga. "Nasaan ka?" tanong pa ni Kanji. "Nasa left side ng syudad." Wala pang dalawang minuto ay nakita na niya si Kanji na tumatakbo palapit sa kaniya. Hindi na siya nakapaghintay pa at sinalubong na niya ang binata. "Kanji, si Akira," punong puno ng pag-aalalang sabi niya. "Sinubukan ko siyang kausapin sa isipan niya ngunit hindi siya nagre-response," seryosong sabi naman ni Kanji. Nagpakawala ng buntong hininga si Inaki kasabay ng pagpatak ng kaniyang luha. Sinisisi niya ang kaniyang sarili dahil hindi niya nabantayang mabuti ang prinsesa. Kapag may masamang nangyari sa dalaga ay baka hindi kayanin ng kaniyang konsensya. "Sa likod tayo Inaki." Tumakbo papunta sa may likod ng syudad si Kanji at mabilis naman siyang sumunod dito. At halos manlambot siya nang makita si Akira na nakahandusay na sa lupa. "Akira!" Agad na nilapitan ni Kanji ang walang malay na dalaga. "Akira, wake up." Lumapit na rin siya kay Akira at sinubukang gisingin ito. Nang magmulat ito ng mga mata ay bahagya siyang nakahinga ng maluwag. "Akira, what happened?" seryosong tanong naman ni Kanji sa dalaga. Para namang biglang natauhan si Akira dahil bigla siyang tumayo at agad na tiningnan ang magkabilang braso niya. Kumunot ang noo niya sapagkat walang bakas ng paso sa mga braso niya. "Akira," pagtawag naman sa kaniya ni Inaki. Hindi niya magawang makapagsalita dahil sa sobrang gulat niya. Tumingin siya sa paligid niya at hindi na niya makita sina Gomez. Alam niyang totoo ang nangyari kanina at hindi siya nananaginip ngunit nakakapagtaka na wala na siyang kahit na anong paso. Inalalayan siya ni Kanji na makatayo. At nagulat siya nang biglang hawakan ni Kanji ang magkabilang pisngi niya. "Akira, tell me, what happened? Okay ka lang ba?" nag-aalalang tanong pa sa kaniya ni Kanji. Biglang bumilis ang t***k ng puso niya. Agad niyang kinapa ang kaniyang leeg upang masiguro na suot pa rin niya ang kaniyang kwintas. Medyo nakahinga siya ng maluwag sapagkat suot pa rin niya ito. "I-i'm fine," ang tanging naisagot na lamang niya. "Are you sure?" paninigurado pa ni Kanji sa kaniya. Marahan siyang tumango. Humarap siya kay Inaki na bakas pa rin ang pag-aalala. "Inaki, gusto ko nang umuwi," seryosong sabi niya sa kaibigan. "Okay sige. Tara na," pagpayag naman ni Inaki. Hahakbang na sana palayo si Akira ngunit agad siyang nahawakan ni Kanji. "Ihahatid ko na kayo." Inilabas ni Kanji ang kaniyang siyam na buntot. Humawak naman si Inaki kay Akira at sa isang iglap ay nasa kwarto na nila sila. Agad na bumitaw si Akira kay Kanji dahil sa hindi niya maipaliwanag na nararamdaman. "S-salamat." Nagpakawala naman ng buntong hininga si Kanji. "Akira, you can tell me everything. I am your trainor, right?" Mapaklang napangiti si Akira. "But it's weekend, kaya nga parang hangin lang ako sa 'yo hindi ba? Don't worry. Wala akong balak na magkwento sa 'yo kapag hindi oras ng training natin. At pasensya na rin sa abala." Pagkasabi no'n ni Akira ay agad siyang humiga sa kama niya at nagtalukbong ng kumot. Narinig pa niyang napabuntong hininga si Kanji ngunit hindi na lamang niya ito pinansin pa. Sa ngayon ay ayaw na muna niyang magsalita kahit kay Inaki. Gusto muna niyang i-process ng lahat. Gusto muna niyang maliwanagan ang kaniyang isipan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD